Kabanata 8
Burning FlowersMaaga akong nagising kahit na late nang makatulog, our call lasted for about three hours but still not enough for me. Nang mapansin niya ang oras ay siya na ang nagpatulog sa akin. I only had four hours of sleep, hindi pa kasi ako agad nakatulog pagkatapos at nagbabadya na ang liwanag ng kalangitan nang nakahanap ng antok.
I was still in shock that he really did call me! Elexius Karsen damn Villareal really called me and greeted me on my birthday first!
This seventeenth birthday will be the most unforgettable!
Naalala ko pa noong mga kaarawan kong kasalo namin sila sa mga selebrasyon kahit saan man ay hindi ko naalala na bumati siya sa akin. Ang kapal nga ng mukha niya noon, nakiki celebrate ng birthday pero walang pagbati!
After shower, I fixed myself. I wore a black simple crop shirt and a black skinny ripped jeans. Hinayaan ko ang medyo basa pang buhok at bumaba na para sa agahan.
The morning sun rays from outside the wide windows around the corridor touches my soft skin, I lifted my hand a bit and looked at the golden sun ray on my hand. I smiled and giggled joyfully.
Ilang kasambahay ang bumati sa akin nang makita ako, I just smiled and thanked them and walked into the dining area. I was surprised when I saw my complete family, sabagay ay breakfast pero hindi ko alam na nakauwi na pala si Kuya Fier.
They all look at my way as I walked towards the long table, I smiled happily.
"Happy birthday, Fab!" Kuya Lay's smooth voice echoed.
Ngumisi ako at nilapitan ang aking ina at ama. I kissed their both cheeks before sitting down. Masayang nakatingin si Mommy at Daddy sa akin na parang nag-aabang sa sasabihin ko.
"Happy birthday, anak." Mommy said.
"Thank you, My!" I giggled and winked at her.
Kuya Lay and Kuya Fier were just listening. Nginitian ko si Kuya Fier, he just nodded a bit at me and started eating.
Kuya Fier became a stiff man as the years go, kung noon ay talagang magkakalapit kami gaya ng kay Kuya Lay, ngayon ay madalang na kaming nagkakasama dahil madalas siya sa ibang bansa para sa sariling kumpanyang pinagkatiwala.
"What's your plan today, Amaryllis?" tanong ni Daddy nang mag-umpisa na ang aming umagahan.
I shrugged and pouted.
"Wala, Dad. Lalabas lang siguro with Amrose."
Ngayon lang ako walang naging planong celebration kaya hindi ko alam kung anong pwedeng gawin. Though, I want to celebrate this day with Elexius kahit sa bukurin lang nila but he told me he'd be busy today because of school clearance.
I even said, I will wait pero tumanggi siya. Mayroon pa raw siyang gagawin sa opisina ng Daddy niya pagkatapos. Nakakalungkot iyon pero hindi ko naman siya pwedeng pilitin. He's a busy man, maswerte na nga akong nakasama siya sa isang linggo kahit hindi buong araw.
"I thought you're not okay?" si Mommy.
Napairap ako sa kawalan. I almost forgot... no, I really forgot. Nawala na yata ang galit ko sa isang linggo lamang, ah? Nainis lang naman ako kay Amrose pero wala akong balak na patagalin iyon.
"Ayos na kami, My. Yayain ko siya mamaya kung sakali."
We can go shopping, I guess? Eat on some Italian restaurant o kung saan niya gustong pumunta. Basta, magtatanong na lang ako sa kanya. Ililibre ko siya dahil... dahil siya ang talagang dahilan ng lahat ng ito!