Kabanata 3
Burning Flowers
Tahimik kaming dalawa sa dumaang minuto, it actually feels surreal for me because I never seen myself to be with him alone like this in one damn car I've just wished to be in whenever I see him driving with open windows lately.
Every morning nakikita ko siyang pumapasok sa kanyang sasakyan, he was all set for school. The morning golden sun ray was lighting his dark expression. He was tall, masculine in a fictitious way, messy brown hair, high pointed nose, thin natural red as rose lips, eyes were always dark as night and all the best features are his.
I know that nobody's perfect, well, he is! I see him as a perfect gift created by our Almighty Creator, siguro noong nagpakawala ng lahat ay naroon siya para saluhin ang magaganda lamang. Elexius Villareal is a gift to every woman but no one can deserve him perfectly.
Iyon ang aking nakikita. Para sa akin, kahit sino ay walang babagay sa kanya at hindi babagay. Even the smartest and prettiest, I cannot see him with an ideal woman nor his dream girl. Basta wala.
Hindi ko alam kung paano ko iyon naitatak sa aking isip.
Nang matanaw ko ang pet cafe ay tinanggal ko na ang aking seatbelt, hindi ko na siya sinulyapan pa kahit nang huminto ang sasakyan sa harapan noon. Sinukbit ko ang bag sa aking balikat at binuksan na ang pinto para makababa.
I heard him sighed heavily, I can clearly feel his eyes on me. The wind blew my hair as I went out, I gasped softly and closed the door.
Hindi ako magpapasalamat dahil hindi naman ako ang nag insist o pumilit na magpahatid. I was very irritated and insulted at the same time. He's treating me like a lil sis, while I'm treating him as one of the best man in this world. Hindi naman pumasok sa isipan ko na ituring siyang kapatid.
Ang mainit at malagkit na simoy ng hanging pangtanghali ay dumikit sa aking balat, bawat hakbang ko ay sumasabay ang aking mahabang buhok sa ihip ng hangin. Ang busina ng mga sasakyan ay dinig ko na bumibida sa kalsada na tila may importanteng mga lakad at nagmamadali.
E, 'di bumili kayo ng daan niyo! Ang iingay!
Pumasok na ako sa pet cafe na walang lingon-lingon pa kung nasaan siya, sa loob ay nakita ko agad si Rose sa glass wall malapit at kandong ang isang asong pomeranian. Ang ilang estudyanteng nadaanan ko ay abala sa pagkuha ng litrato sa mga asong nakakalat lamang.
Huminga ako ng malalim, bagsak ang balikat na lumapit kay Rose.
I saw her looking outside, and I'm sure it was El's car. Naupo ako sa kanyang harapan, I put my sling bag on the table. Hinablot ko ang kanyang inumin at sumimsim roon, bumagsak agad ang mga mata niya sa akin.
"Si El?" awang labing aniya.
Sumibad na ang sasakyan ni El, nag U-turn lamang iyon pabalik na sa Brentdale. Hindi naman talaga malayo ito at kayang-kayang lakarin ng sampu hanggang kinse minutos. The road is not really that crowded and hot, malilim ang aming nilalakaran ni Rose na shortcut.
Ngumuso ako at pumangalumbaba habang nilalaro ang berdeng straw sa inumin. Nanatili roon ang mga mata ko, I sighed for the nth time.
"Anong problema mo?"
I shrugged sadly.
"Hindi ka masaya, nakasakay ka sa Audi niya?" she asked in disbelief.
BINABASA MO ANG
Villareal #2: Burning Flowers
General FictionPublished under Precious Hearts Romances (PHR)