Kabanata 12
Burning FlowersAno nga ba ang love? Love is an amazing and fascinating feeling we could feel in every day life. Love is included in our daily lives, without love we wouldn't see beautiful things around. Without love, we won't happen because we are all a fruit of love.
Every little thing and details around us is made of love.
"Paano naman po 'yong mga aksidenteng nabuo? Hindi inaasahan?" nagtaas ng kamay si Shen.
"Merong mga taong hindi handa sa obligasyon, maaaring wala sa tamang katinuan kaya nakabuo..." natatawang sambit ng aming propesor. "Iyon ang tinatawag na aksidente-"
Suminghap ako at pasimpleng sinuksok sa aking tainga ang earpiece.
Nawalan ako ng ganang makinig, hindi ko alam kung bakit ayaw ko ng ganitong topic. Naboboring ako sa mga walang kwentang usapin.
Kung aksidenteng nabuo, ginusto parin naman iyon. Walang pinagkaiba, hindi nila gagawin ang mga bagay na hindi nila ginusto sa una palang kaya kung aksidenteng may nabuo, bunga parin ng pagmamahal iyon.
Pero galit parin ako sa mga magulang na nagdedesisyon para sa buhay ng magiging anak, una na roon ang pagpapalaglag. Ang sarap murahin ng mga magulang na ganoon, akala mo hindi nasarapan noong gumagawa ng milagro.
Idadahilan pa na hindi sila handa sa ganoong obligasyon, kesyo bata pa at magtatapos ng pag-aaral. Why didn't stop themselves doing that thing can cause pregnancy? Kahit ano pang dahilan, hindi nila pwedeng pangunahan ang magiging buhay ng isang tao.
Lumunok ako at pinaypayan ng kamay ang aking noo at leeg.
"Saan tayo, Fab?" tanong nila Amrose sa akin nang makalabas ng building pagkatapos ng klase.
"Bakit ako palagi niyong tinatanong? Wala ba kayong sariling desisyon?" iritadong sambit ko.
Minsan nakakairita talaga ang palatanong sa ganyang simpleng bagay, magtatanong-tanong tapos minsan tatanggi sa suggestion ko kung saan. Bakit hindi sila ang magdesisyon, kung ganoon?
Nagtinginan sila ni Chloe at ngumiwi. Amrose rolled her eyes as she looked at me.
"Ang taray mo, ah? May white mens ka ngayon?" brutal na tanong niya.
Napasinghap ako at luminga sa aming paligid, agad ko siyang kinurot sa tagiliran nang balingang muli.
"Pahid mo white mens sa mukha mo para kuminis, mawalan ng butas." I hissed angrily. "Kahit pala hindi kagandahan, may kabastusan..."
I smirked when she glared at me, nagpaikot siya ng mga mata at agad akong sinapok sa braso.
"Hoy, baka nakakalimutan mong mas maganda ako kung makinis kesa sayo? Maputi ka lang kaya ka gumanda, 'tsaka maalaga."
Ngumiwi ako at tumingin sa kanya na kunwaring hindi naniniwala. I shrugged my shoulders proudly.
"Kung makinis ka! E, kaso..." umiling ako at tumawa. "At kung sa maputi naman, Amrose. Maputi lang kaya gumanda? Think again, kahit anong sabihin mong maputi lang ako, ako parin ang angat, nagliliwanag at napapansin. Hilod-hilod din kasi, palagi kitang pinagsasabihan."
Muli akong napahalakhak ng malakas nang naooffend ang mukha nila ni Chloe.
Parehas kasi silang mamula-mula ang kutis, hindi gaanong maputi pero maganda naman ang mukha. Yong iba kasi hanggang morena nalang talaga tapos kung makapintas akala mo kinaputi nila. Hindi nalang maghilod para makabawas sa libag.
"Ang sama talaga ng ugali mo! Oo, maganda ka at hinahangaan pero oras na malaman nilang ganyan ang ugali mo... negative ka!" singhal ni Amrose.
Nang-iinis na ngumisi ako at tumalikod. Ilang varsity players ang nakita kong nakatingin sa aming gawi, I waved my hand at them even I wasn't sure if they're looking at me. Nalaglag ang panga ng mga nakatingin, tinuro pa ang kanilang sarili sabay lingon sa likuran.
![](https://img.wattpad.com/cover/135624344-288-k326293.jpg)