Kabanata 21
Burning FlowersBright sun from above is cooking my skin without justice, hinila ko ang isang talong na batid ko'y pwede ng anihin dahil sa kanyang kahabaan at kulay. Nilagay ko iyon sa basket na nasa aking paanan, gamit ang aking braso ay pinunasan ko ang noong buti-butil sa pawis.
I don't know how to live like this, I did not know life must be this hard and tiring.
"Iyan palang ang mga napipitas mo?" tanong ni Niña.
Oh by the way, she's buko girl. Laniña ang kanyang pangalan, naalala ko iyong kwento nila Ofe at Dolo na nakuha ang pangalan nito sa El Niño, well... ayaw ko nang magsalita pa tungkol doon.
"Hindi pa ako sanay," tanging sagot ko at muling pumitas ng talong. Tamad na nilagay ko lamang sa basket.
Suminghap si Niña.
"Ilang linggo mo nang ginagawa, hindi ka parin sanay? Ang hina mo naman yata. Kung hindi ka sanay, magsanay ka ng husto para makaani ng marami! At huwag mong ihagis ang mga iyan dahil malalamog."
"E, kung ikaw ang gumawa? Ang init-init! Syempre sumisilong ako kapag may araw at babalik kapag wala na-"
"Ha!?" she scoffed. "Nakuha mo pang sumilong? Bakit hindi ka tumingin sa paligid mo at makita ang tunay na mundo rito? Ang hirap sayo, hindi ka na nga sanay sa ganyang gawain ay nakukuha mo pang pumetiks! Manong pakisama nalang at gawin ng tama ang mga gawain!" she spat like I'm frustrating her the whole time.
Bumuntong hininga ako at agad siyang hinarap. Bahagyang nagulat siya sa aking ginawa, she's wearing a hat. May scarf siya sa leeg para sa kanyang bibig pero nakababa iyon ngayon. Katulad ko'y puti rin ang kanyang malaking pang-itaas na suot at pulang jogging pants naman ang pang-ibaba niya.
"Pakisama rin! Alam mo na ngang hindi ako sanay pero lalo mo akong dinadown!" inis kong sambit.
Napatitig siya sa akin habang nangungunot ang noo. I didn't let her talk back. She's wrong! Kailangan kong ilabas ang aking sama ng loob dahil ilang beses na niya akong nagpagsasalitaan ng hindi maganda pero nagtitimpi ako dahil nagsusumbong siya sa Nanay niya.
"Come on, Abuela let you handle me here like a slave pero sana iniisip din ng makitid mong utak na hindi ako sanay at nagpipilit paring masanay para lang sa parusang ito! You're all used to this and I'm not! Kahit sabihin mong tingnan o panuorin ko ang nasa paligid ay hindi ko pa rin makukuha ang kasanayan ninyo!"
"Dalawang linggo mo ng gawain iyan at pinakamadali pa ang inatas ko sayo hanggang ngayon ay hindi mo makuha? Kayhina mo! Isang araw lang ay gamay na iyan ng mas nakababata sayo!" sipat niya pabalik.
I was introduced to the farmers I will work with, two weeks ago. Yes, two weeks na akong nagtatrabaho at nag-aani ng mga gulay! Sa ilang linggong iyon ay halos umiiyak ako gabi-gabi kapag mag-isa na lamang. My body was aching every after work days. I'm not used to it!
And this buko brain girl ay walang ginawa kundi ang idown akong parang kaytanga ko sa mundong ito, sa mundong ginagalawan nila! Of course, I will admit that I'm really stupid when it comes to their used work! Kumbaga sila ay teacher na at ako'y nursery pa lang, pero kung ituring ako akala mo ay dekada na ang tinagal ko rito.
Tinanggal ko ang suot na sumbrero, ramdam ko agad ang pawis na nagtuluan mula sa aking noo. My hair is a bit wet because of sweat, para na akong naligo sa sariling pawis dahil sa pagod at init ng panahon. Pinalis ko ang pawis.
"Anong gusto mong palabasin? Na ikaw lang ang mahal ng Earth at binigyan ng talento sa pag-aani ng mga tanim nang walang hirap? Na ikaw ang boss ng Earth at mga buko? Pwes, hindi ako ang Earth at mga buko! Gets mo? Hindi kita boss! Atasan mo ako ng mas mahirap kung gusto mo! Insecure buko brain!"