Kabanata 15
Burning Flowers"Magandang tanghali,"
Isang mayordoma ang sumalubong sa amin nang makapasok sa mansyon ng Legaspi. Malawak ang tanggapan at halos mamangha ako sa ilang makalumang muwebles, may ginto, tanso at metal na tila nakuha pa sa kailaliman ng malalim na lupa.
I want to see them closely but I can't just intrude on their space here, nakakahiya iyon. Ginala ko ang tingin sa tanggapan na hindi ko halos makitaan ng dumi. There are long soft looking sofas, a cinema television in front and a grand chandelier above that looks too expensive. Mukhang pasadya pa ang disenyo.
"Good noon, Narcissa." Prudence greeted formally.
Si Horace naman ay agad nagmano sa matanda, humagikgik si Liberty at Rose habang pinapanuod si Horace na tila nagtitrip lang. Ngumuso ako at nanatili sa aking kinatatayuan. Namangha ang mayordoma sa ginawa ni Horace at ngumiti.
"Si Feather, ho?" tanong ni Liberty habang naglalakad na.
My ears suddenly alarmed. Nakinig ako sa usapan nila kahit na iginiya na kami papasok sa malawak na tanggapan ng mansyon, nakita ko ang kumportableng pag-upo nila Horace at Patience sa malambot na sofa. Prudence went upstairs, probably, to see Minther Legaspi.
Siya pala ang close ni Minther, parang kung tutuusin ay ganoon na rin kila Elexius. Minther Legaspi is a close friend of Villareals, magkakaibigan na sila magmula pa noon. Hindi ko na rin naabutan si Minther noon sa Brentdale o naabutan ngunit hindi lang nagkakasalubong ng daan.
We were not batchmates, anyway but he was kinda popular for being a Dean's lister as Elexius and their other friends. Kilala silang magkakaibigan na maloko pero magaling sa pag-aaral. Tamad pero may utak, iyon ang tawag sa kanila.
Walang karapatang maging tamad ang mahina, kung mahina, magsipag. Iyon ang parating sinasabi ng aming terror na guro parati at ang example niya ay sila Zarjiel Alarcon na kasama rin sa kaibigan nila El.
"Tumulak siya pa Laguna kahapon..." paliwanag ni Narcissa.
Halos maubo ako pagkadinig ng Laguna, napatingin si Amrose sa aking reaksyon kaya agad akong nagkunwaring abala sa pagtingin sa mga serbidora na ngayo'y naghahain ng meryenda sa center table.
I blinked twice and cleared my throat simply. Kahit sa iba ako nakatingin ngayon ay hindi mapigilang tumakbo ng tainga ko sa usapan nila.
"Awe, I thought we'll be seeing her today." bigong sabi ni Liberty habang kumukuha ng inumin.
"May kikitain daw siyang kaibigang galing US,"
Who? What the hell? Bakit salisi? Kung kailang umalis kami ng Laguna ay 'tsaka naman siya tumulak doon! Oh my goodness, I don't know what to think now.
"Too bad. Nagkasalisi kami. Hmm, until when she'll stay there?"
Patuloy sila sa pag-uusap ni Liberty, nakikisali kung minsan si Pate sa mga katanungan pero agad ding nalilipat kay Feather at sa mga gawain nito sa nagdaang buwan na hindi sila nakakapagkitang magkaibigan.
"Baka sa makalawa pa ang kanyang balik, hindi naman siya pinapayagang magtagal doon." sabi ni Narcissa.
Nakatayo lamang siya sa gilid ng sofa kaharap namin, she's wearing a simple white polka bestida. Her hair was a bit short and wavy that colored ash. I guess, she's 40 or above...
"Oh! Does she have a boyfriend now?" si Horace ang sunod na nagtanong na tila ngayon lang iyon naisipan.
Tumawa si Pate. "Iyan talaga ang pangunahing tanong mo, Race, huh."