Kabanata 23

99.4K 3.5K 1.4K
                                    

Kabanata 23
Burning Flowers


"Uy, balita ko aalis ka na..." malungkot na sambit ni Ofe habang nagdidilig ng mga pananim.

Naupo ako sa isang upuang kahoy na nakadikit sa punong acacia, simula noong nadapuan ako ng antik sa puno ng mangga ay maingat na ako sa mga punong lalapitan. Acacia is the safest tree. Though, masyadong malubak ang kanyang katawan ay maayos parin kesa sa mga antik.

Malubak...

Huminga ako ng malalim at kumagat sa singkamas na binigay sa akin ni Dolo, I nodded slightly and smiled. Napailing na lamang sa naalala. Pumangalumbaba si Dolo, si Ofe naman ay agad binitiwan ang kanyang hawak na tabo bago nakiupo rin para harapin ako.

"I'll be going home tomorrow..."

Kumunot ang noo nilang dalawa, kulang nalang ay mamula ang kanilang mga mata dahil sa nagbabadyang kalungkutan sa nalaman. Nakakatawa dahil hindi ko nga matandaan kung naging mabuting kaibigan ba ako para sa kanila sa nagdaang mga buwan.

Sa haba ng itinagal ko rito ay puro lamang ako pagkukwento sa kanila ng mga nagawa ko noong masasama sa mga plastik na kaibigan. I could remember their priceless reaction while listening to me, they looked so innocent and never done anything wrong to people around them. Simula noon ay idol na ang tawag nila sa akin na talagang jeje pakinggan kaya ayaw ko.

"Bakit biglaan? Akala ko sasabihin mo sa amin iyon mga isang buwan bago ka umalis ng probinsyang ito?" singhap ni Dolo.

"Biglaan din naman ang pagpapauwi, and I'll be back here after this month. Don't worry, tatapusin ko pa ang ilang buwang natitira." pampalubag loob ko.

It actually feel so good be with them around. Nakakatuwa silang kausap at sobrang conservative. Iyong tipong napamura lang ako ay magugulat na sila at magtatanong kung may problema o galit ba ako. Mas ramdam ko ang pagiging kaibigan nila kesa sa mga taong matagal ko nang nakasama sa eskwelahan o sa paligid sa Laguna.

"Ha? E, di isang buwan ka lang mawawala kung ganoon? Babalik ka sa susunod na buwan?"

Ngumuso ako at tumango sa kanila, muli kong kinagatan ang singkamas. Naalala ko pa noong unang makakita ako ng singkamas, si Chartreuse ang namilit sa aking magpakain ng kung anu-anong hindi ko kailanman nakilalang prutas at gulay sa Laguna na ngayo'y kilala na.

"Hindi mo masasabi 'yan, Fab. Baka nakakalimutan mong ayaw na ayaw mo rito noong una?" nakataas kilay na sinabi ni Dolo. "Palagay ko hindi ka na makakabalik dahil namiss mo masyado ang Laguna."

Parehas silang nakasimangot at may lungkot sa mga mata habang nakatitig sa akin na tila gusto nilang bawiin ko ang kanilang akusa sa akin.

Huminga ako ng malalim. Hindi pa ako makakapagsalita ng tapos ngayon dahil alam kong pinaboran lang ni Abuela ang pagcecelebrate ko ngayong buwan ngunit babalik din sa susunod para sa natitirang tatlong buwan ng aking pamamalagi rito.

"I can't tell it," umiling ako at ngumuso. "May usapan si Abuela at ang parents ko tungkol sa magaganap na selebrasyon. Kaya hindi pwedeng basta nalang akong maiiwan ng Laguna."

Although, I'm torn between going back home and staying here. Sa ngayon ay tanging pag-iling ng isip ang aking naisasagot dahil wala talaga akong siguradong desisyon. I'm still in the middle of heartbreaking because of Elexius, Amrose and Auntie Dianella.

They're still playing inside my head like a tornado, nakakaiyak mang isipin ay pinipili kong maging positibo upang maging matatag ang binuo kong paghahanda bago sila maharap.

Ngayon palang ay nasasaktan na ako, paano pa kung makaharap ko ang katotohan? That's why I build up my full confidence with positivity before the month ends. Ayaw kong maging kawawa sa kahit anong paraan lalo na sa harapan ng nanakit kung sakali man.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon