Kabanata 17

105K 3.6K 869
                                    

Sabaw muna tayo.

Kabanata 17
Burning Flowers




I was crying the whole time. Kahit nang nasa ambulansya na ay hindi ko binitiwan ang kamay ni Amrose, nabitiwan ko na lamang iyon nang ipasok na sa Emergency Room at hindi na ako pwedeng sumama. I could feel my heavy eyes because of crying nonstop as my heart hurts painfully.

"Please, po..." sambit ko sa huling nurse na pumasok.

Tumango lamang siya.

Nanatili akong nakatayo sa harapan ng Emergency Room at nakatulala habang lumuluha. Magiging okay siya, hindi ba? Hindi naman malala ang pagkabagok niya, 'di ba? Oh my God, please... I'm the reason of this, please, just let me take the consequences! Not Amrose!

Umiiyak din si Patience at Liberty ng tahimik, Minther and Horace went to the station and reported what happened. Ang mga tumakas na gago ay hindi ko na alam kung mahahanap nga ba, sa susunod ko na iyon iisipin. My mind is still shaking by what happened because of me.

Elexius pulled my forearm gently, pumulupot ang kanyang braso sa aking baywang at marahang pinalis na ang mga luha sa aking pisngi. Still, my tears can't stop falling regretfully. Nagbaba ako ng tingin at humikbi.

He sighed softly and hugged me, he kissed my temple. Hindi sadyang nasulyapan ko ang mga tao sa likuran habang yakap ni El. Kung ordinaryong araw ito ay baka nahiya na ako sa tinging inilapat sa amin ng mga Villareal.

Liberty's eyes were full of controlled confusion while watching us and Patience looked calm but confused while Prudence remained normal, nakaupo lamang siya hawak ang cellphone.

"She'll be alright," El whispered just near my ear, caressing my back gently.

I just sobbed and closed my eyes. Marahan niya akong iginiya patungo sa isang bench, katapat ng kinauupuan ng kanyang mga pinsan. Ramdam ko ang bahagyang pagsunod ng tingin sa amin ni Liberty. Lumunok ako nang makaupo na, I'm still trembling that I couldn't stop my tears.

El placed his arm behind me, habang nakaupo sa akinh tabi ay yumukod siya para makita ang aking mukhang luhaan. He sighed heavily, sinikop niya ang aking buhok na nakakalat para ipunta sa likuran lahat. He gently wiped my cheeks. His eyes looks so dark and yet very gentle while looking at me.

"Stop crying," he demanded gently.

Humikbi ako at tumango-tango.

"Her parents will be here. They're on their way here now."

Napapikit ako ng marahan, I bit my lower lip and nodded again.

I readied myself to blame, I'll tell them about what happened honestly. Ako naman talaga ang dapat sisihin, hindi ang kung sino. Hindi ang mga gagong gumawa noon, kundi ako. If I didn't push them, that won't happen! Hindi kami malalagay sa ganoong sitwasyon kung hindi ko pinairal ang ugali!

"It's not your fault, Amaryllis. Stop thinking about it." si El. "Let's go..."

Tinayo niya ako, bagsak ang aking balikat nang tumayo. Naglabas siya ng isang panyo para punasan ang gilid ng aking labi, his jaw clenched tightly while doing it.

"Let's get you cleaned, you got bruises and cuts." aniya sa mapagtimping boses.

Mabigat ang loob na naglipat ako ng tingin sa kanya, he's just looking at me with dark eyes. Suminghap ako at muling naluha ng tahimik habang nakatingin sa kanya, his eyebrows furrowed and his other hand reached my cheek again.

"A-Ako ang may kasalanan. Kung h-hindi ko pinagsalitaan ang mga iyon ay hindi naman aabot sa ganito. I saw it, I saw how Amrose helped me out! I s-saw how she was trying to get me and I-I saw how s-she..." halos maghisterikal ako nang maalala ang huling pangyayari.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon