Kabanata 2
Burning FlowersIritado akong pumangalumbaba sa isang wooden table, naghahagikgikan ang mga estudyante sa paligid sa kani-kanilang pinag-uusapan sa oras na ito. Afternoon is just fine, ang tanghaling haring araw ay tirik pero hindi naman mainit ang hangin ng Laguna ngayon kaya hindi nakakalagkit sa pakiramdam.
"Malay mo naman, wala lang kay El iyon." pampalubag loob sa akin ni Amrose matapos kong ikwento ang nangyari kagabi sa mansyon.
Uminit ang pisngi ko sa hiya.
Oo nga naman, Fab. Ano naman kay El iyon? Ano naman kung may hinawakan ka o kung yakapin pa? Do you really believe he'd get jealous?
"E, assuming nga ako, Rose. Masaya ka na? Assuming ang ganda ko," sarkastikong sinabi ko. "Nakakainis naman kasi si Zarjiel! Hindi na niya dapat pinaalala kagabi! Besides, I didn't see them that day, 'di sana nakaiwas ako."
Nabubwisit talaga ako kay Zarjiel, kung hindi niya pinaalala iyon kagabi ay sana maganda ang bungad ng umaga sa akin kanina. Tuwing naalala ko na kasama niya si El noong makita ako ay naiinis ako sa sarili.
Mas lalo akong sumimangot nang makita ang bungisngis ni Rose. Napailing siya ng tipid, she put her bag on the table and took her phone out.
"Huwag kasing assuming, Fab. Alam mo eto, ah? Real talk lang, walang samaan ng loob pero tingin ko kahit maganda kang bata, hindi ka gusto ni El at hindi ka magugustuhan."
My jaw dropped as my eyes widened while looking at her in disbelief. Hindi agad ako nakabawi sa mapait na katotohanang sinabi niya.
She smiled sweetly and looked at me from head to chest since my lower body was covered by the wooden table we're in.
"Peace tayo!" Nag peace sign siya. "Pero, Fab, huwag na tayong mag-assume rito. Alam nating dalawa na kapatid lang tayong ituring ng mga Villareal. And look, we're only sixteen to even think about this. Busy pa ako sa pagliliha ng mukha ko, para problemahin pa 'yan. Next time na kapag makinis na."
Suminghap ako at nakakuyom ang kamaong nasa table, matalim ko siyang tinitigan. Ngumiwi siya at parang kuting na dumiretso ng pagkakaupo. She zipped her mouth.
Hindi nakakatuwa dahil masakit iyon. Parang sinaksak niya lahat ng mapait na katotohanan sa akin ngayon.
"Listen here," nawawalang pasensyang sabi ko. "What's the matter with age? Wala. I can even court Elexius Villareal if I want to! Real talk mo mukha mo, Rose. Malubak talaga!"
Nawawalan ako ng sasabihin basta nagre-realtak na si Rose, iyon ang pinakaayaw ko kay Rose. Hindi marunong sumuporta sa aking mga aliw, ni hindi niya napagaan ang loob ko kahit minsan.
Minsan naisip ko, bakit ko ba minamahal 'to? Bakit ko ba siya kinakaibigan? Kahit magpinsan kami pwede ko naman siyang layuan at hayaang mabully pero hindi ko ginawa dahil ayaw kong may nang-aaway sa kanya.
Suminghap ako at tinuko ang aking baba sa lamesa habang nakatingin sa kanya, she looked like a lost kitten. Maamo ang mukha pero kapag nagsalita ay laging katotohanan.
"Amrose, support naman, oh?" hopeless kong sambit.
She smiled. "Support!"