CHAPTER 7
Cassandra's P.O.V
Halos paliparin ko na ang sasakyan ko marating lang agad ang St.Gabrielle's Hospital. I don't care magasgasan man toh o ma ticketan man ako or what! Ang mahalaga ay marating ko agad ang ospital na 'yun. Nalaman ko kasing na hit and run daw si Mio. Having that tought in my mind, 'di ko maiwasang higpitan ang pagkakahawak sa manibela. I don't know how, what happened or who did it, but I already send someone to track that bastard down! Damn him! Nobody lays a finger on my sister.
Dumiretso agad ako sa Emergency room at nadatnan ko si yaya sally, ang yaya ni Mio, na pinapaypayan ang halos maglupasay na sa kakaiyak na si mommy.
"Mom, buhay pa si Mio pero parang nilalamayan mo na." I tried to sound as calm as I could. But deep down inside, nanginginig na rin ang mga kalamnan ko sa takot. She's just a baby.
Nag-angat ng tingin si Mama at patakbong lumapit saken para yakapin ako. Isunubsob niya ang mukha sa kanang balikat ko at halos mabingi ako ng humagulhol uli siya. Haaaaaay.. si mama talaga.
"Sssssh mom.. calm down, tell me what happened." Mukhang kalamado lang ako pero anytime gagayahin ko na talaga toh si mommy. What? Nakakahawa kaya siya. Pinipilit ko na lang na wag mangatal. Kung hindi iiyak pa ako, sino nalang ang maiiwang matino samin?
"Ma'am ako nalang ho magsasabi sa inyo." I nodded as Mio's nanny spoke. Pinaupo niya kami sa isa sa mga upuang nakahilera dito sa labas ng ER. At si mama naman ay sinhok paring ng sinhok habang nakayapos sa gilid ko.
"Hinatid po kasi namin si Mio sa prep school ma'am." Pagsisimula ni Yaya Sally. Parang pati siya ay maiiyak na rin. "Excited na excited po ang bata, kaya ng binuksan namin ang pinto ng van, agad siyang lumabas. Kaso ikinagulat namin ang sumunod na nangyare dahil nahagip po si Mio ng isang pang sasakyan at natagpuan na lang ho namin siya sa sahig na walang malay at... yun ho."
"WHAT?! BUT HOW ON EARTH-"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang isang doctor na may stethoscope pa na nakasabit sa leeg. Mabilis pa sa alas tres na bumitaw si mommy at inalog alog ang inosenteng doctor.
"Doc? How's my baby? Is she okay? Is she in a critical condition?" Tanong ni mama at natakot naman daw ako at baka siya naman ang mawalan ng malay.
"Calm down Ma'am. The little girl is fine. She's stable. Nagtamo siya ng ilang galos, she also broke a rib and a little concussion. But there are no complications. She's okay now, kailangan niya nalang na magpahinga and consistent na pag inom ng gamot. She'll be fine. And ililipat na siya sa room niya anytime cause she still needs to be checked every now and then."
"Are you sure?" Pati tuloy sa doctor nagka trust issues na si mama.
"Yes ma'am. So I should be going." He nodded at all of us at nagpasalamat na rin ako.
"Thank you doc."
Napansin kong napabuga ng hangin si mama at napa upo. She's still shaking though. But atleast. Nasa mabuting kalagayan na si Mio. I turned to look at Yaya Sally.
BINABASA MO ANG
The Selfie Queen ღ [On-Hold]
RomanceIn a person's point of view, one couldn't possibly live on his own because all of us believes that no man is an island. Cliche but true. Now, what if I'd tell you that a lady COULD? Would you believe me? She's on her own. Alone. Isolated yet well-k...