CHAPTER 10: The Queen's Surprise
Third Person's Point of View
Tanging ang hampas ng alon at ingay ng iilang tao sa baba lang ang maririnig mula sa kinatatayuan nila Cassandra at Dale. Nasa azotea parin sila. Titig na titig naman si Dale, habang karga parin ang natutulog na si Mio, kay Cassie na kasalukuyang nakatanaw sa ganda ng tanawin sa harap nila. Nakatukod ang dalawang siko nito sa railings. Tinatangay rin ng malamig na hangin ang ilang hibla ng buhok nito at bakas sa mukha ang lubos na kasiyahan. Naisip tuloy ni Dale na kung ganito pala ang epekto ng dagat kay Cassandra, siguro naging dagat na ang harapan ng condo nila. There's nothing that Dale wouldn't do for the lady beside him. He loves her so dearly.
And our prince is hopefully wishing that sooner or later, The Selfie Queen would also feel the same way..
Cassandra’s Point of View
Naisaayos na namin ang mga gamit dito sa loob ng kwarto. We’ll be staying here for a couple of days kaya it’s a good thing na enough ang mga na empake namin. Anyway, I already figured out kung ano ang purposes ng mga extrang pinto dito sa loob. The first one, yung nag iisang pinto sa kanang bahagi ng silid ay CR gaya ng inakala ko. The second one naman sa may kaliwang bahagi na medyo malapit sa sliding door papuntang terrace, ay isang walk-in closet. However, the door in the middle part remains a mystery, naka lock kasi ito, though Dale told me it’s for emergency purposes daw?
Baliw talaga! Emergency tas naka lock? Psh.
And speaking of Dale, he would be staying in the room next to us. Aba.. Pag kami pinasok ng kupal na yon gagawin ko talaga siyang agahan ng mga pating.
Kakatapos lang naming mag hapunan and here I am lying lazily in the bed on my pale pink silk nightgown na hanggang tuhod lang. Kanina pa ako naghihintay na dalawin ni manong antok, which I guess ay natrapik pa.
I give Mio a glance who’s sound asleep in her crib.
The room is so peaceful. Wala kang naririnig maliban sa mahinang pagbuga ng malamig na hangin mula sa aircon. At ang lamp lamang sa bedside table ang nagbibigay liwanag sa boung silid. Nilingon ko ang orasan and it told me that I should sleep na talaga. It’s 15 minutes after 11.
*pikit mata*
*tagilid sa kanan*
*tagilid sa kaliwa*
*talukbong ng kumot*
*tanggal ng kumot*
Paulit-ulit ko lang na ginawa ang mga yun pero wa epek.Ugggghhhh!!
I guess I won't get awink of sleep tonight. Geeez.Napapitlag ako ng biglang mag vibrate ang phone ko na nasa gilid ng unan ko nakalagay. Napakunot ako ng noo ng makitang may nag text. It's been days simula ng maka recieve ako ng iilang text messages from an uknown number. Well this is wierd. I don’t do text. And i hate receiving one. Sa tamad ako magbasa eh? So instead of reading it, mabilis pa sa kisap matang binura ko ang mensahe gaya ng mga na una.
Haaay! Nag unat muna ako bago tuluyang nakapag desisyon na tumayo. Isinuot ko muna ang pink robe ko at tumungo na sa terrace. Bakit ba puro pink mga damit ko? Langyang personal shopper nayan. Mapalitan nga. Hmp >3<
Wiwew.. ang ganda talaga ng view. A girl coud get used to this, waking up with this kind of view to greet you. Haaaay..
“Can’t sleep?”
Nilingon ko ang terrace sa kabilang kwarto, sa bandang kanan, kung saan nanggaling ang napaka pamilyar na boses. His wearing a blue robe at may hawak siyang mug. Halatang mainit pa ang nasa mug niya at nung mapansin niyang nakatitig ako dito, itinaas niya ito offering me.
BINABASA MO ANG
The Selfie Queen ღ [On-Hold]
RomanceIn a person's point of view, one couldn't possibly live on his own because all of us believes that no man is an island. Cliche but true. Now, what if I'd tell you that a lady COULD? Would you believe me? She's on her own. Alone. Isolated yet well-k...