Sossy Problems
Dahil sakay ng kotse ni Lance ay mabilis na nakauwi si Lia sa kanilang bahay.
“Kuya salamat po sa pag-hatid.” Hindi na nagsalita yung driver at ito ay umalis na.
“Suplado, di naman gwapo, sobrang feelingero naman nun.” Bulong ni Lia sa sarili.
Pagpasok ni Lia sa bahay ay nakita niya ang tita Heidi niya na naghihintay sa kanya.
“Lia, bakit sabi ni Aling Lita di daw nakarating sa kanila yung mga facial creams, anong nangyari bakit hanggang ngayon nasayo pa rin iyang mga facial creams?”
“Tita naholdap po kasi ako.” Pagtatapat ni Lia sa kanyang tita.
“Ha? Eh Ok ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?” batid ang pagalala ng tiyahin sa kanyang pamangkin
“Tita OK lang po ako, nabawi ko naman na yung mga facial creams.”
“Ha? Eh paano mong nabawi?” nagtatakang tanong ni Heidi sa pamangkin.
“Eh tinulungan po ako ng kaibigan ko, pinanahanap po niya yung mga holdaper gamit yung cellphone na ito.” Wika ni Lia sabay abot ng IPhone 5 S sa kanyang tita.”
“Iphone 5 S? Ang mahal nito Lia, teka kanino ba ito?”
“Binigay po sa akin ng kaibigan ko.”
“Ang mahal ng Iphone 5 S ah? Sigurado ka bang ibingay sayo ito Lia?” tila nagdududang tanong ni Heidi.
“Tita pangit lang po ako, pero hindi po ako magnanakaw.” Wika ni Lia.
“Ang swerte mo naman, hmmmm, sino ba naman yung kaibigan mo na yan?” tila nanunudyong wika ni Heidi sa pamangkin.
“Tita friends lang po kami promise.”
“Pa-showbiz ka pa diyan bruha kang bata ka, sige mabalik tayo dun sa kung paano nabawi ng kaibigan mo na yan yung mga facial creams gamit itong Iphone 5 S?”
“Eh kasi po sabi sakin nung kaibigan ko kailangan daw po niya yung sim card kasi daw may mahahalaga siyang contacts doon, Nakuha kasi ng mga holdaper yung cellphone pero pinakiusapan ko yung mga holdaper na ibalato nalang sana akin yung sim card kasi nga importante yung mga contact numbers na nandoon, buti nga po pumayag eh.” Wika ni Lia.
“Oh tapos anong nangyari?” tanong ulit ni Heidi.
“Ayun po tinangay na ng mga holdaper yung Iphone tapos iniwan ako sa daan. Dahil po wala naman na akong magagawa para mabawi yung facial creams at yung Iphone 5 S ay pumasok nalang ako sa school, tapos nung uwian na po namin, dinala po ako nung kaibigan ko sa isang bodega at nandun na pala sa bodega yung mga holdaper bugbog sarado po.”
“ Teka paano nahuli ng kaibigan mo yung mga holdaper? Naguguluhan ako.” Angal ng kanyang tiyahin.
“Yun nga tita, dahil sa tinangay nila yung Iphone ay na-tract yung mga holdaper, dahil sa GPS ng Iphone na na-activate nung inalis ko yung sim card, ganda ng Iphone 5 S ano, hanep ang security features at di basta-basta mananakaw.” Wika ni Lia.
![](https://img.wattpad.com/cover/17480039-288-k947104.jpg)
BINABASA MO ANG
(Hiatus)
Teen FictionSi Lia isang babaeng may busilak na puso pero sa kasamaang palad kung gaano kabusilak ang puso niya ay siya namang ikina-sama ng itsura niya. Ubod ng itim ang kaniyang balat at puno ito ng puting batik. Sa madaling salita pangit siya. At dahil iyon...