Meet Reinloid James Belmonte
Mabilis na naglalakad si Lia sa hallway at late na siya ng 15 minutes sa kanyang unang klase.
“Diyos ko late na ako!” sigaw ng utak ni Lia.
Sa kamamadali ay hindi niya namalayan na may kasalubong pala siyang lalaki.
Nagkabungguan sila. Nalaglag sa sahig ang mga libro at iba pang gamit ni Lia.
Napatingin si Lia sa lalaki. Napakagwapo nito.Makinis at maputi ang balat ng lalaki. Napaka-amo ng mukha at tila isang prinsipe na mula pa sa malayong kaharian.
Ang lakas ng tibok ng puso ni Lia.
Dugdog….dugdog….dugdog….
Parang slow-motion ang lahat kay Lia. Tila tumigil ang oras at tanging ang lalakina ubod ng gwapo lang ang nakikita niya sa mga oras na iyon.
Biglang nagsalita yung lalaki.
“Hey, Are you OK?” tanong ng lalaki kay Lia.
“Ahhh Oo Ok lang ako.” Tila natatarantang wika ni Lia at isa-isang pinulot ang mga gamit niya na nagkalat sa sahig.
“Let me help you.”Wika ng lalaki.
“Mukhang foreigner yata siya?” bulong ni Lia sa sarili saka muling tumingin sa lalaki.
Nagtagpo ang mga mata nila..
Namula ng husto ang mukha ni Lia at mabilis na pinulot ang iba pang mga gamit niya na nagkalat sa sahig.
Nang makuha na ni Lia lahat ng gamit niya ay tinalikuran na niya ang lalaki at mabilis na naglakad pero pinigilan siya nito.
“Wait...” wika ng lalaki. Hinawakan nito ang braso ni Lia. Tila bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa katawan ni Lia ng mga oras na iyon.
“Here...”iniabot kay Lia ang ilan pa sa kanyang mga libro.
Agad naman kinuha ni Lia ang kanyang mga libro at nagmamadaling naglakad.
***
Tapos na ang klase ni Lia.
Mula kaninang nasa klase palang siya hanggang pauwi na siya ay walang ibang inisip si Lia kundi ang lalaking nakabungguan niya.
“Bakit ba parang pamilyar yung mukha niya? Parang nakita ko na siya dati.” Wika ni Lia.
Di nagtagal ay nakauwi na siya sa bahay.Noong araw na iyon ay hindi niya kaklase si Lance.
Kumukuha ng business course si Lance pero may mga subjects na magkaklase sila ni Lia. Gawa na rin ng pagiging isang late enrollee ni Lia kaya’t para tuloy siyang universal student. Universal student, yan ang tawag sa mga estudyante na may dalawa o higit pang sections na pinapasukan sa isang eskwelahan. Karamihan ng mga Univ. Students ay yung mga may back subjects. Pero yung iba naman maaring naubusan nalang talaga ng slot.
Nagring ang cellphone ni Lia….
“Hello pangit pasensya na hindi kita nasundo kanina medyo marami kasi akong inaayos ehh.” Wika ni Lance.
“Hindi mo naman ako kailangang ihatid pa pauwi.” Wika ni Lia.
“I insist, we’re friends right?”
![](https://img.wattpad.com/cover/17480039-288-k947104.jpg)
BINABASA MO ANG
(Hiatus)
Genç KurguSi Lia isang babaeng may busilak na puso pero sa kasamaang palad kung gaano kabusilak ang puso niya ay siya namang ikina-sama ng itsura niya. Ubod ng itim ang kaniyang balat at puno ito ng puting batik. Sa madaling salita pangit siya. At dahil iyon...