Pangatlong Kabanata: Turning Upside Down

116 5 2
                                    

Turning Upside Down

Maagang nagising is Lia, nagluto siya ng almusal para sa kanila ng kanyang tita Heidi.

Naglinis siya ng bahay bago pumasok sa school.

6:30 am....

"Siguro naman this time hindi na ako male-late." Wika ni Lia at masiglang naglakad.

7:30 am...

Nakarating na sa wakas si Lia sa CVUST.

Pumunta agad siya sa kanilang classroom.

Wala pang tao sa classroom tila nakadama ng kapayapaan si Lia. Sa bandang harapan niya napiling umupo.

8:00 am...

Dumating na isa- isa ang mga kaklase niya, may kanya-kanyang grupo ang mga ito. May mga sossy girls, may mga brainy or nerds kung tawagin ng iba, may mga emo at kung anu-ano pa.

Isa lang ang alam ni Lia. She doesn't belong to any group in the class. Wala naman kasing grupo para sa mga chakang katulad niya. Napabuntong hininga nalang siya.

Somehow she wishes that she had a normal life and a normal face perhaps.

Dumating na ang kanilang professor at nagsimula na ang klase. Laking pasasalamat niya at sa bandang hulihan nakaupo si Lance.

"Lord thank you po at inilayo ninyo ako sa mistisong bakulaw na yan." Maikling turan na panalangin ni Lia.

***

Maagang natapos ang klase dahil hindi dumating ang isa pa nilang professor.

"Yes Maaga ang uwian, manonood muna ako ng movies." Masayang wika ni Lia at naglakad na pauwi.

Habang naglalakad sa hallway nakita niya si Lance...

"Monster alert.... Monster alert.... " banta ni Lia sa sarili.

Agad siyang umiwas at pumunta sa ibang daan...

Hindi niya alam kung saan siya papunta basta ang alam niya dapat siyang umiwas kay Lance.

Sa pagmamadali ay natisod si Lia.

"Aray..........."

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ni Lance na nasa harapan na pala niya.

"Paano ka nakarating diyan? Di ba nandun ka kanina sa hallway?" tila nagtatakang wika ni Lia.

"Ang bilis mo kasing maglakad parang may ini-iwasan ka, na-curious ako kaya sinundan kita." sagot ni Lance.

"Paano ini-iwasan kitang bakulaw ka." bulong ni Lia.

"May sinasabi ka?" tanong ni Lance.

"Wala ang sabi ko ang gwapo ninyo po super.."

"Naga-gwapuhan ka sakin?"

"Oo kaso lang Halimaw ka." Mahina ulit na usal ni Lia.

"Ano yun? Bakit ba ang hina mong magsalita? Nung una kitang makilala noon parang machinegun yung bunganga mo."

"Wala po ang sabi ko hindi naman ako impokrita, totoo naman na gwapo po kayo."

"Sige sumama ka sakin." Wika ni Lance.

"Bakit po? Ano naman po ang kasalan ko ngayon sa inyo?"

"Wag ka nang magtanong basta sumama ka nalang."

(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon