Ikalabing-Isang Kabanata: Crazy Little Thing Called Love part 2

87 3 0
                                        

Crazy Little Thing Called Love part 2

Dahil gabi na nga ay siguradong delikado na ang bumiyahe. Kaya’t napagpasyahan nalang nila na magpalipas muna ng gabi sa Manila.

“Damn it! Ilang hotels na ba yung pinuntahan natin? Pangit umamin ka nga, may balat ka sa pwet ano?”

“Wala ano! Grabe ka naman ako talaga ang sinisi mo dahil hindi tayo makahanap ng hotel room!”inis na wika ni Lia.

Di nagtagal nakakita muli sila ng hotel.

Bumababa si Lance ng kotse para magtanong kung may vacant room pa.

“Good evening sir.”

“Ahh may vacant room pa ba?”

“Sir, mayroon pa po.”

“Sige dalawang kwarto ang kukunin ko, may kasama kasi ako eh.”

“ Ehhh Sir isa nalang po kasi yung available na kwarto..”

 

“Sige ok na yun, Kukunin ko yung kwarto.” Wika ni Lance.

“Sige po Sir here’s your key.”Wika ng babaeng empleyado ng hotel.

“Pangit bumababa ka na diyan sa kotse. OK na, may matutulugan na tayo ngayong gabi.”

“Talaga? Salamat naman sa Diyos.” Wika ni Lia.

Pumasok na sila sa hotel…

Akmang papasok na ng kwarto si Lance ng pinigilan siya ni Lia.

“Sandali magkano nga pala ang isang kwarto dito, at nasaan yung susi para sa kwarto na tutulugan ko?” tanong ni Lia.

“Isa nalang kasi yung available na kwarto kaya magshe-share nalang tayo.” Wika ni Lance.

“Anong sabi mo matutulog tayo sa iisang kwarto???” sigaw ni Lia.

“We don’t have a choice, kesa naman sa kotse tayo matulog.” Wika ni Lance.

“Ehh paano kaya kung  maghanap nalang tayo ng ibang hotel?” tanong ni Lia kay Lance.

“Pangit wag ka na ngang mapili, pwede nang mapagtiyagaan itong kwarto na ito, maluwag naman ito para sa atin.Saka isa pa inaantok na rin ako.”

Dahil sa wala nang magagawa pa si Lia ay pumasok na din ito ng kwarto.

Agad na dumiretso si Lance sa bathroom para mag-shower, may nakita siyang dalawang pares ng pajamas, color blue yung isa at color pink naman yung isa pang pares. Kinuha ni Lance yung kulay blue.

Samantala kinuha naman ni Lia yung pink…

Ilang sandali pa ang lumipas at lumabas na ng bathroom si Lance.

(Hiatus)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon