Unexpected Feeling
Algebra ang unang subject ni Lia ng araw na yun. Maikli lang ang naging lectures kaya maaga na nadismiss ang klase.
"Nasaan kaya si Bela?" tanong ni Lia sa sarili. Kagabi kasi nilabhan na nya yung uniform na ipinahiram sa kanya ni Bela at isosoli na nya ito.
"Paano ko maisosoli itong uniform sa kanya? Nakalimutan kong itanong kung anong course niya at kung saan kami magkikita para maisoli ko itong uniform nya." Wika ni Lia.
"Lia!" sigaw ni Bela at lumapit ito kay Lia.
"Buti nalang nagkita tayo dito kung hindi baka ipagtanong-tanong ko pa kung saan ka nakatira para lang maisoli itong uniform mo." Wika ni Lia.
"Oo nga eh, stand out kasi yung ganda mo friend kaya madali kitang nahanap." Sagot naman Bela.
"Ganda ba talaga yung stand out?" tila nagdududang wika ni Lia.
"Oo nga." Wika nalang ni Bela habang nakangiti sa kaibigan.
"OK sige eto yung uniform at maraming salamat talaga sa pagtulong mo sa akin kahapon." Wika ni Lia saka inabot ang nalabhang uniform na hiniram niya kay Bela.
"Nga pala bakit ka nagpunta dito sa building ng CON (College of Nursing)?" tanong ni Lia sa kaibigan.
"May ihahatid lang akong mga documents sa professor ko sa history at nadun kasi sya sa CON building kaya heto napadaan ako dito, eh ikaw bakit ka napadpad dito?"
"Kasi di kalayuan dito yung C.R. kung saan mo ako ni-rescue di ba? Kaya heto nagbakasakali ako na nandito ka para maisoli ko yung uniform mo."
"Ganon ba ehh sige mauna na ako Lia kailangan ko pang dalhin itong mga documents eh sige bye."
"Teka lang Bela, anong course pala yung kinukuha mo para naman mapuntahan kita paminsan-minsan, ikaw lang kasi ang maituturing ko na kaibigan dito sa CVUST."
"Chemical Engineering ang kurso na kinukuha ko, sa Chem lab ako madalas maglagi. Kung gusto mo akong dalawin punta ka lang sa Chem Lab." Wika ni Bela.
"Sa Chem. lab ba kamo?" wika ni Lia at naalala niya ang lugar kung saan siya nagmukhang basang sisiw.
"Bakit may problema ba?" tanong ni Bela.
"Ahh wala tuwing naalala ko kasi yung Chem. Lab parang pakiramdam ko eh nasa pista ako ni San Juan Bautista."
"San Juan Baustista? Bakit anong connect ni San Juan Baustista sa Chem Lab?" tanong muli ni Bela.
"Ahh wala saka ko nalang ikukwento sige ingat ka." Paalam ni Lia sa kaibigan.
"Sige mag-ingat ka din Lia bye."
"Bye." Wika ni Lia saka naglakad na palayo.
Kinuha ni Lia yung Iphone sa kanyang bag.
"Lance sabi ni Tita Heidi salbahe ka daw at sa totoo lang nasampolan mo na nga ako nang pagkamaldito mo, pero lately kasi iba ang pakiramdam ko eh." Bulong ni Lia sa sarili habang naglalakad.
"Parang pakiramdam ko bumabait ka na..." tila wala sa sariling pag-usal ni Lia.
"Hoy pangit sinong kausap mo?" tanong ni Lance na nakatayo na pala sa harapan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/17480039-288-k947104.jpg)
BINABASA MO ANG
(Hiatus)
Teen FictionSi Lia isang babaeng may busilak na puso pero sa kasamaang palad kung gaano kabusilak ang puso niya ay siya namang ikina-sama ng itsura niya. Ubod ng itim ang kaniyang balat at puno ito ng puting batik. Sa madaling salita pangit siya. At dahil iyon...