Lance's Evil Plan
(4 Days ago)
Dahil sa mga sinabi ni Lia kay Lance sa english class nila ay talagang nagalit ito.
He was called monster by Lia and he was very angry to hear those words. His father Don Carmelo always calls him a monster whenever he did a mistake. Pakiramdam ni Lance ay totoo nga ang sinasabi ng kanyang ama. Pakiramdam niya ay may halimaw na isinilang sa kalooban niya simula ng mamatay ang mommy niyang si Doña Beatriz.
Pagkatapos ng malagim na aksidente ay hindi na nakita pa ni Lance ang ina. Pero isa lang ang ipinangako niya sa sarili at ito ay hindi na siya muling magtitiwala kahit kanino man, hindi na rin siya matatakot na mag-isa, at higit sa lahat hindi niya kailangan ng kahit na sino.
Dinala si Lance sa amerika ng kanyang ama para doon na mag-aral. Doon sa amerika ay nakakilala ng mga business partners si Don Carmelo.
Don Luiseño Belmonte and Doña Celestina Belmonte, they own most of the lands in Salvation, they have 100 hectares of coffee plantation in Salvation. Mayroon silang dalawang anak na lalaki. The elder son's name is Maverick Alfonse Belmonte and the younger son's name is Reinloid James Belmonte.
Don Carmelo also met the Salcedo Clan. Don Eugenio Salcedo and Doña Maricela Salcedo, na may kaiisa-isang anak na si Jane Avril Salcedo.
Nagkaroon ng ilang business ventures ang tatlong mayayamang angkan. Dahil dito naging magkakaibigan sina Lance, Reinloid, at Avril.
Mas matanda ng dalwang taon si Alfonse kaya't mga ka-idaran din niya ang mga naging kaibigan niya.
Kahit na magkakaibigan ang tatlo ay mapapansin mo na mas malapit si Avril kay Reinloid, marahil dahil na rin sa ugali ni Lance.
Napakasama ng ugali ni Lance. Siya ang hari ng mga bully. Pakiramdam ni Lance tuwing pina-iiyak niya ang ibang bata ay naiibsan ang galit at sakit sa kanyang puso na dinulot ng kanyang mga magulang sa kanya.
Tuwing nakikita niya ang pagpatak ng luha ng mga binubully niya ay nasisiyahan siya at tinuturing niya itong tropeyo.
Nang mga panahong iyon ay pilit na lamang iniintindi nila Reinloid at Avril ang kanilang kaibigan na si Lance. Dama nila na may pinagdadaanan ito.
Ang akala ni Lance ay hindi na siya magkakaroon ng kaibigan pero nagkamali siya. Si Reinloid ay may natural na kabutihan na nagpakita sa kanya ng malasakit bilang kapatid. May pagkakataon kasi na gumanti ang ilan sa mga binubully ni Lance at di niya akalain na sasagipin ni Reinloid ang buhay niya.
***
Nasa playground sila noon ng biglang may sumakal kay Lance. Matapos non ay may iba pang bata na pinagtulungan siya. Hawak siya ng mga ito. Samantala ay may inilabas na patalim ang isa sa mga bata. Tinangka nitong saksakin si Lance pero dumating si Reinloid at pilit na inagaw ang patalim sa bata. Nag-agawan sila hanggang aksidenteng nasaksak ng bata si Reinloid.
Hilakbot ang lahat ng makita nilang bumagsak sa damuhan si Reinloid at umaagos ang dugo mula sa sugat nito.
Nagtakbuhan ang mga bata na umatake kay Lance kabilang na din ang bata na nakasaksak kay Reinloid.
Nang bitiwan si Lance mga bata ay agad itong lumapit sa duguang kaibigan.
"Damn it Reinloid, why did you do that?" tila maiiyak na wika ni Lance.
"Because you're like a brother to me, despite that I know that you can't trust anyone, I still believe that someday you can trust me as your friend." Mahinang wika ni Reinloid.
BINABASA MO ANG
(Hiatus)
Teen FictionSi Lia isang babaeng may busilak na puso pero sa kasamaang palad kung gaano kabusilak ang puso niya ay siya namang ikina-sama ng itsura niya. Ubod ng itim ang kaniyang balat at puno ito ng puting batik. Sa madaling salita pangit siya. At dahil iyon...
