Pang-Siyam na Kabanata: Crazy Little Thing Called Love

86 3 2
                                    

Crazy Little Thing Called Love

Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na si Bela..

“Lia, Lance, gusto ninyo bang mag-Ice skating?” biglang tanong ni Bela sa dalawa.

“Sige game ako diyan.” Wika ni Lia.

“Lance ikaw? Sama ka?” tanong ni Bela kay Lance.

Hindi marunong mag-ice skating si Lance kaya’t hindi ito makasagot kaagad.

“Hindi ka marunong mag-Ice skating ano?” tila nang-aasar na wika ni Lia kay Lance.

“Ofcourse marunong akong mag-Ice skating!” Pabiglang wika ni Lance.

“Ohh sige tara na sa Ice Skating Ring.” wika ni Bela.

Namangha si Lia nang makita niya si Bela na nag-ice-skating.

“Wow Bela ang galing mo naman pala mag-ice skating.” Wika ni Lia sa kaibigan.

“Dati kasi may business ang family namin at medyo may kaya pa kami noon, naging hobby ko ang mag-ice skating, minsan sa SM Clark, minsan naman dito sa MOA at minsan sa ibang bansa pa kami dumadayo para lang mag-Ice Skating.. Pero sa kasamaang palad ay bumagsak ang negosyo namin kaya naghirap kami.” Wika ni Bela.

“Ahh, Im sorry to hear that..” wika ni Lia.

“OK lang  yun, masaya nga ako kasi matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-Ice Skating eh.” Nakangiting wika ni Bela.

“Sige Lia e-enjoyin ko muna ang pag-a-Ice Skating, si Lance muna ang atupagin mo.”

Tila naman napangiti si Lia sa sinabi ng kaibigan.

“Speaking of, nasaan na nga ba si Lance?” tanong ni Lia kay Bela.

“Ayun oh, mukhang hirap na hirap tumayo at gumalaw sa Ice Skating Ring.” Turo ni Bela kay Lance.

“Akala ko ba marunong siya mag-Ice Skating?”nagtatakang sabi ni Lia

“Syempre ayaw niyang mapahiya, kaya kahit hindi siya marunong mag-Ice Skating eh pinilit pa rin niya.”

“Sige maiwan na kita diyan Lia.”

“Sige enjoy lang.”

Tila nakaisip nang nakakatuwang ideya si Lia nang makita niyang halos magkanda-dapa dapa si Lance dahil hindi ito marunong mag-ice skating.

Gamit ang Iphone na ibinigay sa kanya ni Lance ay kinuhanan niya ng video si Lance.

“Damn it..” mahinang usal ni Lance. Hirap na hirap talaga siya sa pagbalanse.

Hindi napigilan ni Lia ang matawa habang vini-video si Lance.

Dahil sa pagtawa ni Lia ay napansin ni Lance na kinukuhanan siya ng video ni Lia.

“Hoy Pangit! Bakit mo ako vine-videohan?Itigil mo nga yan!”

(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon