Pang-Walong Kabanata: The Kidnapping

89 2 5
                                    

The Kidnapping

“Tita, nakauwi na po ako.”  Wika ni Lia.

“Oh andiyan ka na pala, kumusta naisoli mo na ba yung Iphone?” wika ni Heidi.

“Eh ayun nga po eh, Si Lance po kasi, inaya ako sa bagong bukas na dessert shop malapit lang po sa CVUST,  nawala po tuloy sa isip ko yung bilin ninyo.”

“Naku eh sige pero payo ko lang isoli mo na hanggang maaga pa.”

 

“Tita sa tingin ninyo po ba may pag-asa pa na magbago si Lance Villarreal?”

 

“Naku hopeless na iyang si Lance. Wag ka nang umasa Lia. Kung baga sa cancer terminal case na siya.”

 

“Pero tita di ba habang may buhay may pag-asa?”

“Teka sandali ano ba yung pinupunto mo Iha?”  nagtatakang tanong ni Heidi.

“Kasi po… pakiramdam ko nagiging mabait na po si Lance.”

 

“Lia pamangkin, lahat ng tao ay pwedeng magbait-baitan at malamang sa oo ay nagbabait-baitan lang si Lance sayo.” Babala ni Heidi sa pamangkin.

Tita bakit ninyo naman po nasabi yun?”

“Sa dami ng tao na nababalitaan ko na napagmalupitan na ng halimaw na Lance Villarreal na iyan dito sa Sta. Inez ay masasabi kong certified na sugo siya mula sa kadiliman.” Wika ni Heidi.

“Sobra ka naman tita.”

 

“Naku Lia, walang masamang mag-ingat kaysa magsisi sa huli.”

 

“Sige po tita aakyat muna ako ng kwarto.”

 

Nang maisara ni Lia ang kwarto ay pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama at tila Parang rolyo ng pelikula na muling nagrewind sa isip ni Lia ang nangyari kanina sa dessert shop.

[Flash back]

“Lance akala ko ba gusto mong ma-try itong mga desserts dito eh bakit ayaw mo naman tikman  kahit isang cake lang?”

 

“Sige Ok lang mukhang kulang pa nga sayo eh.”

“Naku tigilan mo nga ako, sige say Ahhh” wika ni Lia at sinubukan nitong isubo kay Lance ang Chocolate cake.

(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon