Ika-Labing Apat na Kabanata: Meet Avril Jane Salcedo

43 2 1
                                    

Meet Avril Jane Salcedo

 

Dahil sa nalalapit na engagement ay napagdesisyunan ni Don Carmelo at ng mga Salcedo na sa Sta. Inez nalang magpatuloy ng pag-aral si Avril. Interior Design ang napili nitong kurso.

Babae si Avril at tradisyon sa pamilya ng mga Salcedo na lalaki dapat ang hahawak ng kanilang negosyo. Dahil dito kahit gustuhin man ni Avril na kumuha ng business course ay pinili na lamang nito ang Interior Designing. Architecture ang kinuha ni Reinloid at siya ang naghimok kay Avril na kumuha ng Interior Design. Pangarap kasi nilang magpatayo ng eskwelahan para sa mga mahihirap na kabataan sa Salvation.

Noong hindi pa nakikilala ng mga Salcedo at Belmonte ang mga Villarrreal ay sa Paris naglalagi ang mga Salcedo. Nagmamay-ari ang mga Salcedo ng hekta-hektaryanang taniman ng kape, palm oil, at mais sa Salvation.

Kalahati ng Salvation ay sa pagmamay-ari ng mga Belmonte. At ang natitira pang kalahati ay pagmamay-ari naman ng mga Salcedo. Noon tatlong angkan ang naghahati sa buong Salvation.

Ang kalahati ng kabuuan ng bayan ay pagmamay-ari ng mga Belmonte at ang natitira pang kalahati ay nahahati naman sa pagmamay-ari ng angkan ng Salcedo at Saavedra. Ngunit nagkaroon ng sigalot sa dalawang pamilya. Nagkaroon ng sunog sa mansion ng mga Saavedra. Marami sa miyembro ng kanilang angkan ang nalagas. Ayon sa kuro-kuro ay ang mga Salcedo ang may gawa ng nasabing panununog.

Nagsimula ang away ng umiibig ang isang Salcedo sa isang Saavedra. Si Annaliza Salcedo ang ika-anim na anak ni Don Gonzalo Salcedo ay umibig kay Alberto Saavedra ang isa sa dalawang anak ni Don Ignacio Saavedra.

Nakatakda na ang kasal nila Annaliza at Alberto pero magkaroon ng problema.

Natuklasan ni Annaliza na nakabuntis ng isang muchacha si Alberto at hindi iyon kinaya ni Annaliza. Sa araw ng kanilang kasal ay nagpatiwakal si Annaliza. Bago ito mag-bigti ay nag-iwan ito ng liham para sa kanyang mga magulang.

Annaliza’s letter….

{Mama, Papa, patawarin ninyo po ako, alam ko na labis ko kayong masasaktan sa gagawin kong ito pero mas nanaisin ko pa ang magpakamatay kaysa ilagay sa kahihiyan ang ating pamilya. Nagdadalang tao si Rosita ang isa sa mga tagapagsilbi nila Alberto. Natuklasan ko na si Alberto ang ama ng dinadala ni Rosita. Mahal na mahal ko po  si Alberto kaya’t hindi ko kayang ipagkait sa magiging anak niya ang pagkakaroong ng isang buong pamilya. Inamin po sa akin ni Alberto na nagmamahalan sila ni Rosita at handa niya itong pakasalan. Kahit masakit ay tinanggap ko ang desisyon niya. Sana po ay maintindihan niyo ako at muli ay humihingi ako ng tawad sa inyo pati na rin sa Poong may kapal.

Annaliza…}

Dahil sa nangyari ay labis nagdalamhati si Don Gonzalo. Pagkatapos ng libing ni Annaliza ay nagkaroon ng malaking sunog sa mansion ng mga Saavedra.

Maraming namatay kabilang na si Alberto at ang kanyang mag-ina. Labis na poot ang nadarama ng mga Saavedra. Dahil dito sumiklab ang labanan sa pagitan ng dalawang pamilya.

Nahinto lamang ang labanan nang humingi ng tulong ang mga Salcedo sa mga Belmonte kapalit ng ilang daang hektarya ng lupa ng mga Salcedo sa Salvation.

Nagtagumpay ang pinagsanib na pwersa ng mga Salcedo at Belmonte. Napalayas nila sa Salvation ang mga Saavedra. Nakamkam din ng dalawang angkan ang ari-arian ng mga Saavedra. Sa datos ay masasabing 60 percent ng buong Salvation ang pag-mamay-ari ng mga Belmonte habang 40 percent naman ang sa mga Salcedo.

Labis ang naging galit ng mga Saavedra dahil sa ginawang pagpapalayas sa kanila ng mga Salcedo sa tulong na rin ng mga Belmonte.

Dahil dito ang ilan sa mga Saavedra ay nagsanay ng husto para pabagsakin at ubusin ang lahi ng mga Salcedo.

(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon