Pang-Apat na Kabanata: Hold-Up

97 5 2
                                    

Hold-Up

5:30 am

“Kring…. Kring….. Kring….” Malakas na tunog ng alarm clock ni Lia.

Agad naman siyang nagising at naghanda ng almusal.

Magkasabay silang kumain ng kanyang tita Heidi.

“Lia may ipapakisuyo sana ako sayo bago ka pumasok.”

“Ano po yun tita?”

“Kagabi kasi ay nakakwentuhan ko si Aling Lita, nagandahan siya sa mga cosmetic products na tinda ko, eh heto nga umorder siya ng ilang facial cream, sana pakihatid mo muna itong mga facial cream kay Aling Lita bago ka pumasok.”

“Sige po, maaga pa naman po.”

“Nga pala Lia, gusto mo bang gumamit ng facial cream? Malay mo pumuti yung mukha mo.”

“Tita wag na po, alam naman natin na wa epek ang mga pampaganda sa mukha ko.”

“Oo nga pala….” Wika ni Heidi.

“Naalala mo tita nung pinagamit mo ako ng facial cleanser? Di ba namaga yung mukha ko?”

“Oo nga eh, di naman kasi halata na sensitive ang skin mo.”

“Yun nga tita eh, ang itim na nga, puno pa ng puting batik, oversensitive pa itong balat ko.”

“Eh malay mo naman magwork itong facial cream.”

“Naku tita baka mamaga nanaman yung mukha ko, wag nalang po.”

“Eh sige ikaw ang bahala..”

***

6:00 AM….

“Sabi ni tita konti lang daw, eh isang basket na ng facial creams itong dala ko!” tila di makapaniwala na wika ni Lia.

“Siguro madaming kaibigan at kamag-anak si Aling Lita ang adik sa pagpapaganda, ang O.A. eh, isang basket talaga?” wika ni Lia habang dama ang bigat ng isang basket na facial cream.

Dahil maaga pa ay medyo madilim pa ang kalangitan.. Naramdaman ni Lia na parang may sumusunod sa kanya. Binilisan ni Lia ang pagkakalad. Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay nakita niya ang dalawang lalaki na naka-bonnet ang sumusunod sa kanya.

 

“Diyos ko po mga holdaper!” tili ni Lia sabay takbo ng mabilis.

Pero dahil sa bigat ng dala niyang mga facial cream ay naabutan siya ng dalawang holdaper.

“Hopss. Wag ka nang pumalag.” Wika ng isang holdaper.

“Mga manong holdaper, maawa naman po kayo sa akin, wag ninyo po akong sasaktan.” Tila maiiyak nang wika ni Lia.

“Sige  i-abot mo sakin  yung bag mo.” Wika ng isang holdaper.

(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon