"Huy! Babaita! Ambrosiya! Gising na!" umagang-umaga sumisigaw sa labas ang matalik kong kaibigan, aish, problema nito?
Binuksan ko ang bintana kung saan kitang-kita siya.
"Huy! Problema mo, Blue? At tsaka AMBROSE pangalan ko uy! Umagang-umaga nagsisigaw ka diyan?!" sigaw kong pabalik sakanya.
"Samahan mo na ako, ngayon na!" masyado 'tong atat, ano ba ang pagbubusyhan niya ngayon, jusmi.
"Para saan? At teka, pasok ka nga dito, hindi yung magsisigaw ka diyan! Nagmumukha kang baliw sa kanto!" sabi ko.
Pinapasok ko na siya sa bahay para tumigil na kami kakasigaw, sakit kaya sa lalamunan sumigaw, tsaka baka magising pa mga kapitbahay namin.
"Sasama ka ba sakin diba? Kelangan na natin mauna bumili ng ticket para reserved na tayo sa upuan!!! Gumising ka na diyan!" sabi niya habang tumitili. jusko, anong nangyare sa babaitang ito? Baka nag-sleep walking and talking lang 'to Lord.
Nakahiga parin ako habang kinakausap niya ako, wala e, antok ako, anong magagawa niyo? tsh.
"EXO nanaman ba 'yan?" tanong ko, napaupo na ako sa higaan ko, medyo napapapikit-pikit pa mata ko, kaso gutom na ako kaya bumangon na ako.
"Sa wakas! Bumangon ka rin! Obvious ba! Oo naman yes! EXO iyen!" sabi niya pabalik at pinalopalo niya ako sa braso ko dahil kilig na kilig nanaman siya sa EXO. aish -_-
"Ano ba yan? Hindi naman yan importante e!" sabi ko sakanya at nag-ayos na ng sarili ko.
"Hoy, hoy! Anong hindi importante? Haluh! Buti nga't binigyan ako ni Tita ng perang pangconcert at ilelebre pa kita! At tsaka who knows, malay mo mapansin tayo, o kaya AKO lang, bwahahaha!" aniya niya, at napasapok naman ako ng noo, ano na po ba siya Lord? Ayos lang ba siya? -,-
"Aish! Impossible yan na sinasabi ko, tara na't mag-aalmusal na tayo." pagyaya ko sakanya, gutom na talaga ako e.
"O Sige, yan ang sabi MO, pero... hmp." dagdag pa niya at nagpout pa, jusko jugigo, wag kang mag po-pout at nagmumukha kang bibe. -,-
--
Papunta na kami ni Blue sa concert. At syempre libre ako dahil hindi ako makakasama kung hindi niya ako ililibre. :P
Yan si Blue, gagawin ang lahat makita lang ang EXO. Sabagay totoo naman e, mga tarantadong gwapo bakla, ay mali, ;A; mga talentadong gwapo lalake sila. Malamang sa malamang madaming babae ang nangangarap na mapasakanila ang isang miyembro sa bandang 'yun, siguro ata ayaw nila ng isa gusto ata nila kahit lahat yan ay mapasakanya. Wala e, malakas ang impact nila sa mata, puso at lalo na sa utak ng mga kababaihan. Ika nga madami na ang obsessed at adik sakanila. Desperada kung desperada, gagawin at gagawin ang lahat makita lang si bias at ang OT12. Kulang nalang ata ipabenta na nila ang kanilang mga kidney upang maka-SVIP sa concert plus backstage ticket.
Nakarating nadin kami sa lugar kung saan gaganapin ang EXO Concert. Andaming fans! Grabe, nakakabingi ang mga sigawan at ang mga banner nilang dala ay makukulay at masisining, siguro yata ang iba sakanila ay hindi kagalingan sa arts pero kung makagawa sila ng banner daig pa nila si Leonardo DaVinci.
Hinahanap na namin ni Blue ang seat na nakareserve saamin, SVIP and backstage kasi ang kinuha niya. 2 taon yan napagipunan ni Blue kaya ganyan ang nakuha naming halaga ng ticket. Pero sa totoo lang, maganda nga ang view dito dahil kitang-kita mo ang mga 12 mga iniidolo nila. FAN lang ako. Di ako exostan, may bias parin ako kahit papano. (Alamin niyo kung sino XD)
Nang nakaupo na kami sa aming upuan, tinignan ko ang oras, tamang-tama ilang minuto ay magsisimula na ang concert. Excited na ang lahat. Para sa concert ng EXO.
--
"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
"KYYYAAAH! BAEKHYUN OPPA!"
"WOOOOH! KYAAAAH!!! SUHO OPPA! ANG GWAPO MO!!! KYAAAAH!!"
"KAI - AH! GRABE ANG HOT MO! IKAKAMA NA KITA! TARAGIS!!!"
iyan ang mga sigaw ng mga babaeng sa likod, sa harap at sa dalawang gilid namin ni Blue, grabe sila sumigaw, kahit ang iba ay amoy imburnal na ang hininga at nag papaulan na ng kanilang laway pwerte parin ang kanilang sigawan. jusko po, uuwi ako nitong amoy basura. Well, habang tumatagal ay umaakyat ang feels ko sakanila kaya napasigaw nadin ako. (wag kayo, kasing bango ng hininga ko ang perfume ng tatay niyo).
Habang kumakanta sila ng I Like You may pagkakataon sila na kumuha ng babae at iaakyat nila sa stage para kantahan. Laking gulat ko na nilapitan ako ng isang miyembro ng EXO. Yung magandang lalake. Oo maganda, kasi mukha siyang babae. Teka, sino nga 'to? **buffering** Ah! Siya ba yung Luhan?!
"Ay teh! Oo, siya si Luhan. Wag ka nang ngumanga diyan, at nababasa ko ang isip, hala sige chupe!" sabi saakin ni Blue. Hindi ko na namalayan na, nasa stage na pala ako, dahhil ata sa sobrang gulat ko at kaba.
Nang matapos na ang concert ay pinadiretso na kami sa backstage.
"Dali! Ambrosiya--"
"Ambrose."
"O sha, Ambrose. Halika! Andun si Chanyeol-oppa, papicture tayo!" yaya saaakin ni Blue.
Hinila niya ako ng malakas hanggan sa makaabot kami ng kinaroroonan ni Chanyeol.
"Yah! Chanyeol-oppa. Selca?" tanong ni Blue kay Chanyeol na hindi nagdalawang isip na kausapin.
Pumayag naman si Chanyeol sa gusto ni Blue.
"Waah!! Cute cute talaga ng tenga ni Chanyeol oppa :3 Parang kay Dumbo."
[3rd person's POV]
Nang di kalayuan ay, narinig ni Chanyeol ang sinabi ni Blue sa kanyang kaibigan. May bigla siyang naalala sa isang salitang Dumbo.
--
Annyeong! First ever story ko po ito. Hope you like it. :)
Read, comment and vote.
Kamsa ♥
BINABASA MO ANG
She's Mine [ONGOING]
RomanceIt's a rival between the two. who will wait patiently to have his girl? who will do everything to have his girl? who will be desperate and aggressive? who will be calm and patient? "alam mo.. kung merun kang kakilalang katulad mo. Pakilala mo saakin...