[ Chanyeol's POV ]
"Waah!! Cute cute talaga ng tenga ni Chanyeol oppa :3 Parang kay Dumbo."
Napatigil bigla ako sa paglalakad ng narinig ko iyon. Dumbo? Teka, may naalala ako sa salitang 'yan. Si bestfriend.
Flashback
"Waah! Yeolie~ Ang cute mo!" sabi niya, "Yah! 'Wag mo nga akong tawaging 'Yeollie' ang baduy." sabi ko sakanya at nagpout siya. "Edi anong gusto mo? Dumbo? Hmm" pagmamaktol niya. "Yah, ayaw ko rin" pagrereklamo ko. "Diyan ka na nga! Hanap ka nalang ng kalaro mo! hmp" sabi niya at padabog na umalis. "Uy teka lang, sorry naman oh. Sige na kahit ano nalang pwedeng tawagin mo sakin." sabi ko sakanya. "Talaga? Kahit dumbo?" sabi niya sakin at ngayon ay nakangiti na, tumango naman ako. "Yeey!" at ni-hug niya ako.
End of Flashback
Nilapitan ko yung fan namin, wala namang masama lumapit diba? Masama kung lumapit ako sa sasaeng, mukhang hindi naman siya sasaeng eh. "Uhh, miss? Anong name mo? Parang pamilya ka saakin e" sabi ko sa babaeng nagsabi ng 'dumbo' kanina, hindi ako nairita o ano, nagtataka lang. Kasi baka siya yung bestfriend kong si Blue.
"Blue ang name ko oppa." sabi na nga ba, si Blue yan eh, hindi ako nagakamali. "Nga pala oppa, bakit?" tanong niya. "Ah kasi parang may kababata din ako dati na pangalan ay Blue at tinatawag akong Dumbo." aniyo ko. Napa-isip nman siya habang yung kasama niya ay naghyhysterical sa sinasabi ko. Nung una hindi talaga ako matandaan ni Blue, ng pinaliwanag ko sakanya at kinuwento ko ang lahat ay natandaan na niya at syempre may litrato kaming dalawa, kaya pinakita ko, nasa necklace ko na lagi kong suot. "Buti naman at natandaan mo na ako" sabi ko "HAHAHA, syempre naman! Kaso nga lang hindi na kita matandaan NUNG una kasi artista ka na, hindi ko naman inaakalang magiging artista ka e. HAHA!" pambibiro niya kahit kelan talaga hindi siya nagbabago. "Naalala pa kita tapos ako hindi na" pagtatampo ko. "Sorry naman oh! Ang tagal na natin hindi nagkikita tsaka matagal nadin tayong nagkahiwalay...akala ko nga patay ka na. Haha!" hay nako, hindi talaga nagbabago.
"Paanong hindi kita makalimutan eh, sobrang daldal mo sa mga videos at sobrang dami ng litrato nating dalawa" sabi ko sakanya.
[ Ambrose' POV ]
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari, wow. Biruin mo 'yun? Bestfriend pala ni Blue ang isang EXO member? Galing lang diba?
Hindi din nagtagal ay pinakilala na ako ni Blue kay Chanyeol. "Yeol, siya pala bestfriend ko, si Ambrose" aniya ni Blue. "Hi, kelangan ko pa ba magpakilala? Mukhang hindi ka kasi namin fan eh, so, I'm EXO's Chanyeol" at nakipagshade hands saakin si Chanyeol, grabe ang lambot ng kamay niya. ♥
"Yah! Chanyeol! We have many things to do!" kalmadong sigaw ng manager nila ata yun. Grabe kakatapos lang ng concert nila ay may gagawin sila agad. Sabagay it's their career naman.
"Bye Blue and Ambrose." pagpaalam saamin ni Chanyeol."Teka, bago ako umalis, eto call card ko, call me. Magjajamming tayo with the hyungs, papakilala ko kayong dalawa, We have 5 days to stay here. Tour niyo kami dito sa Manila" sabi niya at umalis na.
Grabe hindi ako makapaniwala na magkakasama namin ang EXO. "Blue? Anong gagawin natin? Sasama talaga tayo?" tanong ko sakanyan, nakakahiya kasi eh. "Oo naman! This is our momentum! Tsaka, andun naman si Yeol diba? Kaya ayos na yan" sabi niya with excitement on her face.
Nakakhiya, pano kung hindi ako sumama bukas? Oo, tama. 'Wag nalang, nakakahiya kasi e, baka mapahiya lang ako. "Jusko ko sis, wag ka nang mahiya." sabi saakin ni Blue? WTH?! Nababasa niya ang nasa utak ko? "Yes, mind reader mo ako." wiw, ibang klase, nakakatakot naman tong best friend ko.
<...>
Nagcheck in kami dito sa isang Hotel tutal pagod nadin kami at medyo malayo-layo pa ang bahay namin at nandito din kami kung saan din daw nakacheck-in ang EXO, masyado lang addict si Blue. hays.
"Ambrose? Tawagan kaya natin si Yeol?" sabi niya saakin at humiga sa kama. "Wag na, kakatapos lang ng concert nila kanina, pagod din naman 'yun." sabi ko "Sabagay, bukas na nga lang."
<...>
Bumaba kami dito ni Blue sa may lobby para kumain ng hapunan, na nasa katabi lang ng table namin ang EXO.
"Ang sarap naman ng pagkain dito sa Pilipinas. Lalo na 'tong adobo?" sabi nung leader nila na si ... sino nga yun? Ah, basta.
"Mas masarap ang pansit! Mas masarap 'to sa jajangmyun!" pagpoprotesta ni... sa totoo lang wala akong kilala basta yung madaldal at kung ngumiti may nagfoform na rectangular shape.
"Mas gusto ko ang kultura dito" sabi naman nung mukhang hamster na ang cute cute parang siopao.
"Math guthto ko ang mga Pilipina" sabi naman nung medyo bulol sa 's'.
"Speaking of Pilipina, sino ba kausap mo kanina Yeol?" sabi nung parang troll sakanila. ohnoes, napansin pala kami.
"Kababata ko yun, si Blue. Remember yung kinukwento ko sainyo? At yung kasama niya sa si Ambrose bestfriend niya. Gusto niyo isama natin sila sa paglibot dito sa Manila?" sabi ni Chanyeol. "Thige ba!" sabi nung bulol. "Sehun. Ayusin mo nga yang bibig mo?" sabi ni Luhan, bias ko siya kaya kilala ko. "Tho-sorry hyung" pagsosorry ni Sehun, ah Sehun pala 'yun, nagtawanan ang iba pang miyembro at sumangayon naman sa opinyon ni Chanyeol.
"Teka, paalam muna tayo kay Manager hyung." sabi ng leader.
"Manager hyung, pwede po ba?" pagpapaalam nung leader daw ng EXO-M yung mahaba ang baba pero fashion king.
"Sure" pagsasangayon ng manager nila. Nag ala-Yehet ang EXO sa pagsasangayon ng manager nila.
"You have your body guards, you can go whenever you want. I can't accompany you, I have many contracts to do with Mr. Lee Soo Man." sabi at pagpapaliwanag ng Manager nila.
"Oh! Yehey! Kamsahamnida!" sabi nung mukhang Pandaat tumalon-talon pati narin si...Baekhyun? "Oh! Yehey! Kamsahamnida!" Baekhyun imitating Tao. Inirapan lang siya ni Tao at tumawa ng paloko si Baekhyun.
"Chanyeol-ah, pakilala mo naman kami sa kaibigan mo" sabi ni Sehun "Kayo lang? Kami din!" sabi ni Baekhyun at sumubo ng natitirang pagkain sa plato niya.
"Oo, lahat kayo, relax. Chill yo ass." sabi ni Chanyeol. "H-ha? Sino? Ano? What?" sabi nung unicorn at napa poker face naman ang lahat sakanila. Kami ni Blue ay natawa sa mga epic face nila. Haha.
Natapos din kaming kumain at pati narin ang EXO pero hindi parin kami ni Yeol pinakilala sapagkat bukas nalang daw dahil lahat pagod. Sumang-ayon naman kami ni Blue, dahil pati kami ay pagod narin at inaantok na.
____________
n o t e;
sorry ang tagal ng UD ko. ^_^V
BINABASA MO ANG
She's Mine [ONGOING]
RomanceIt's a rival between the two. who will wait patiently to have his girl? who will do everything to have his girl? who will be desperate and aggressive? who will be calm and patient? "alam mo.. kung merun kang kakilalang katulad mo. Pakilala mo saakin...