1

35 0 0
                                    

“Good morning?” Natatawang bati ni Ash  sa akin.  Inirapan ko lang ito at dumiretso sa garden kung saan naroon ang iba ko pang pinsan. Aga-aga nang bwibwisit.

I’m not planning to wake up anytime soon if it wasn’t for these creatures.  Hindi ba nila alam na kailangan lubusin ang mga araw na hindi mo prinoproblema ang pagpasok nang maaga. Umupo ako katabi ni Shaina na may nakasaksak na earphones sa tenga. Lahat kami ay busy sa kanya kanya naming mundo at hinayaan lang namin si Lishang  umiyak. Itinuon ko ang pansin ko sa text galing sa kapatid ko.

Drea:

Is she okay? I can go home.

 

Ni-replayan ko naman ito na kami na ang bahala kay Lisha. Out of town kasi ito kasama ang mga kaibigan niya, may nilalakad daw, alangan namang pauwiin ko siya dito dahil sa kadramahan ng magaling naming pinsan.  

Napabuntong hiniga naman si Clarisse at tumingin kay Lisha na kasalukuyang umiiyak pa rin. “Cut the drama Lisha Coleen.”

Kahit gusto namin pigilan ang pagtawa ay hindi namin nagawa. Agad din naman kasing tumigil sa pag-iyak  si Lisha at umayos sa pagkakaupo at  inilabas pa nito ang powder para ayusin ang itsura niya.

“Kung makaiyak ka akala mo totoong affected ka sa break up niyo ng kung sinuman ‘yun.” I said trying to control my laughter. Lalo namang natawa ang mga pinsan ko sa sinabi ko.

Hindi na bago sa amin na iiyak ang babaeng ‘yan pagkatapos makipaghiwalay sa kung sinumang lalaki. Last week pa namin inaasahan na mangyayari ito gulat nga kami na delay pa ng isang linggo. At sa oras pa na tulog ako susugod sa bahay namin kung hindi ka nga naman matuwa.

“Whatever,” Sagot nito at pinaikot ang mata.  "I’m really affected just so you know, may pinagsamahan naman kami sa loob ng 6 months no.” Mataray na sagot niya sabay balik sa loob ng bag ng compact powder niya.

Yeah, you heard it right may six months rule pang nalalaman ang bruhang ‘yan pag nakikipag boyfriend. Six months lang ang itinatagal ng relasyon nila, minsan nga hindi pa umaabot ng six months, ewan ko ba dyan pag tinanong mo naman ang sagot lang ayaw niya ng commitments. Ayaw daw pero nakikipag relasyon.

“Eh bakit ka kasi nakipaghiwalay?” Singgit ni Shaina

Parang hindi naman sanay ang isang ‘to eh alam na nga niya ang sagot.

Tumaas ang kilay ni Lisha bago sumagot kay Shaina. “‘Cos I hate commitments. Hindi ko pa nahahanap ang taong pwede akong mag-commit. I’m on the trial and error phase.” Diretsong paliwanag nito.

Hindi na lang kami nagreact pa sa kung anuman ang ipinaglalaban ni Lisha. She won’t listen anyway. That girl is nuts, but family is family that’s why we’re here listening to her dramas.

“Bakit di mo na lang gayahin si Drei?” Nakangiting sabi ni Ash “Kamusta kayo ni Samuel?” Dagdag nito

Saglit kung inisip kung sino ang tinutukoy ni Ash. Then it hit me, yeah Samuel. He was a year older than me... I guess. I met him when I was with Lisha boy hunting.

“Wala na, he tried but you know how it works.” Tsaka ako sumandal sa upan ko at pinasadahan ulit ng tingin ang cellphone ko. “See no complications.” Natatawang sabi ni Ash sabay akbay sa akin.

“Hindi pa ba complication na matuturing ‘yun? Seriously, naging kayo at nagbreak na ikaw lang ay may alam. Pagnalaman na kasi na may gusto ka sa kanya you just end things without giving him a shot.” Paninermon ni Shaina sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako sa mga sinabi ni Shaina. Hindi naman parating ganun. I guess being nuts runs in the family after all.

“Ice cream anyone?” Pinakita sa amin ni Zach ang isang plastic na may lamang ice cream. Kabisado na namin ang mga drama ni Lisha kaya ayan bumili na ng comfort food ang kapatid niya.

Wrong TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon