Part 10

3.1K 99 3
                                    


Nakatitig lang si Top kay Lia habang patuloy parin ito sa pagtitig at pa ikot ikot sa tuktok.

"Halika na sa kubo." aya ni Top kay Lia.

"Mamaya na, una kana di naman ako aalis dito eh. Dito lang ako promise di ako tatakas." Itinaas pa nito ang kanang kamay niya at buong tamis na nginitian si Top.

"Kain muna tayo, kahit magdamag ka dito okay lang."

"Kakain? may pagkain sa loob? magdamag tayo dito? talaga? hindi pa tayo aalis?" sunod sunod na tanong nito.
Tumango lang si Top at nauna nang pumasok sa kubo. Nanatili pa ng ilang saglit si Lia sa labas at saka pumasok narin sa kubo.

May mga prutas at inihaw na bangus sa hapag kainan. Nilibot niya ang paningin niya sa loob ng kubo.

May isang kwarto at may mga gamit ni Top sa loob, may mga delata rin na naroon.

"Ang galing." komento ni Lia.

"Huh?"

"Wala, ang galing, pano mo nalaman tong lugar na to?"

"Binili ko to." bumilog ang mga mata ni Lia.

"Really?!" umiling iling si Top sa reaction ng dalaga.

"Yeah, kaya kung ibebenta mo sakin ang lupa mo maganda rin ang kalalabasan." saglit na natigilan si Lia.

"Sige ba." sang ayon nito maya maya. Napatingin naman si Top sakanya.

"Sige ba? ibebenta mo na sakin?" hindi makapaniwala nitong sabi.

"Yeah..kung pakakasalan mo ako. Yun lang ang magiging paraan para makuha mo sakin ang lupa." taas noong sabi nito.

"Gusto mo pakasalan kita ganun?" paglilinaw ni Top.

"Oo bakit ayaw mo?" saglit silang nagtitigan.

"May girlfriend na ako." sabi ni Top.

Namula si Lia sa narinig, alam naman niyang walang girlfriend si Top, ni minsan hindi nito nakita na may kasamang babae.

'Wait..napaka assumera mo naman kasi Herlia, feeling mo ba lahat ng lalaki may gusto sayo? at saka nagbibiro ka lang bat kailangan mong masaktan sa sagot niya.' Napabuntong hininga siya sa naisip niya.

"Kain ka pa, ang konti ata ng kinain mo?" puna ni Top.

"Okay na. Labas muna ako ha, tawagin mo nalang ako pagkatapos mo kumain. Ako na maghuhugas."

"No need, ako na maghuhugas. Bisita ka dito." sabi ni Top habang patuloy parin sa pagsubo. Napatitig saglit si Lia, bumuntong hininga siya at saka tuluyang lumabas ng kubo.

"Tara uwi na tayo." sabi ni Top.

2pm na at nakaupo lang sila at nakatingin sa paligid.

"Uuwi agad? akala ko ba sabi mo maghapon tayo dito, kahit pa gabihin sabi mo." kunot noong tanong ni Lia.

"Naalala ko kasi may gagawin pa ako, tara na." tumayo na si Top at pinagpag ang kanyang pwetan gamit ang kamay niya. Naiwan na nakamaang si Lia, hindi parin ito tumayo sa kanyang kinauupuan.

Bumuntong hininga si Top matapos mag ayos ng gamit, handa na siyang umalis pero nanatili paring nakaupo si Lia na parang walang balak na umalis.

"Di ka pa ba aalis?" lumapit ito sa dalaga.
"I like it here." sabi lang nito ng hindi lumilingon kay Top.

"Okay, balikan nalang kita bukas kung gusto mo." marahas na lumingon si Lia.

"What? iiwan mo talaga ako dito?" inis na sabi nito.

"Yeah.. I told you..may gagawin pa ako."

"Sige iwan mo nalang ako dito." ayaw niyang maiwan pero gusto niyang subukan si Top kung kaya ba talaga siya nitong iwan.

"Okay." simpleng sagot ni Top at saka nagsimulang maglakad palayo. Marahas na bumuga ng hangin si Lia at saka padabog na tumayo at sumunod kay Top.

"Oh akala ko ba ayaw mo pang sumunod." sabi nito ng marinig ang yabag ni Lia na sumusunod sakanya.

Hindi sumagot si Lia. Nanatili siyang nakasimangot na sumusunod kay Top.

Nakarating sila ng maayos at hindi nag uusap sa sasakyan na iniwan nila kanina. Hinatid ni Top si Lia sa tapat ng bahay niya. Bumaba si Lia at dumeresto papasok sa bahay niya, ni hindi ito nagpasalamat at lumingon kay Top.

Her mysterious neighbor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon