'Pakasalan mo ako para makuha mo ang lupa..ayaw mo ba?'Paulit ulit itong rumehistro sa utak niya. Bakit sa simpleng kataga ni Lia ay nagkakaganito siya? bakit ganito ang epekto ng dalaga sakanya.
Bumuntong hininga si Top at saka tumayo sa pagkakahiga.
Naisip niya ang nangyari kanina sa kubo.
Balak niyang manatili roon kasama si Lia, gusto niyang makasama ang dalaga sa isang buong araw, pero nang marinig niya ang sinabi ni Lia ay nag alangan siya, baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili ay baka bigla siyang magtapat dito ng kanyang nararamdaman.
Hindi pwede lalo na at darating si Kylie.
Napabalikwas si Herlia sa higaan niya, napatingin siya sa orasan alas singko na ng umaga, ni hindi siya nakatulog sa buong magdamag. Bumangon na siya at nagtungo sa kusina, nagtimpla siya ng kape.
Nang sumapit ang alas sais ay naligo na siya, saglit niyang pinatuyuan ang kanyang buhok at saka nagsuot ng pang takbo.
Simpleng t-shirts, leggings at running shoes ang suot niya.
Palapit palang si Lia sa bahay ni Top ay alam na niyang wala ito dahil wala ang sasakyan ng lalaki sa paradahan nito. Nang makalapit siya ng husto at napatunayan niyang wala nga doon si Top ay umuwi na siya.
"Thank you darling, sinundo mo pa talaga ako." malambing na sabi ni Kylie.
"I don't have a choice." simpleng sabi naman ni Top. Nagmamaneho na siya ngayon papunta sa bahay niya sa Baguio.
"Sus, dahil lang ba talaga sinabi ni Dad kaya mo ako sinundo?" napatingin si Top kay Kylie.
Kylie Santos is his ex girlfriend, ang Daddy nito ang dahilan kaya sila nagkakilala. Nang umalis ang pamilya ni Top at naiwang mag isa dito sa Pilipinas ang Daddy ni Kylie ang tumulong sakanya, isa ito sa mga naging professor ni Top sa kursong architecture.
Very independent si Top pero masaya siya at nakilala niya si Dolfo Santos ang Daddy ni Kylie. Malaki ang utang na loob niya dito kaya hindi niya mahindian si Kylie na gustong magbakasyon dito sa Baguio, isa itong nurse sa US.
Naghiwalay sila ng maayos at naging magkaibigan, nang magsimulang magtrabaho si Kylie sa US at naging busy sa kani kanilang pangarap sa buhay ay hindi na sila nagkaroon ng time para mag usap, nawalan sila ng maayos na communication sa isat isa kaya naman mas pinili nilang maghiwalay nalang. 25 years old na ngayon si Kylie at 3 years na silang wala ni Top.
Kylie is beautiful inside and out, simple ang itsura nito lalo na at may dimples siya na nakakadagdag ng kagandahan niya. 5'3 lang ang height niya, maputi at shoulder length lang ang haba ng buhok niya, matangos ang ilong, singkit ang mata at may katamtamang kapal na kilay. Mabait, understanding, at hindi isip bata.
"Ilang days ka magbabakasyon?" pag iiba ni Top.
Nagkibit balikat si Kylie. "Depende sayo kung kailan mo ako paaalisin." biro nito.
"Ang ganda talaga ng bahay, so lumawak na pala talaga ang lupa mo? isang haciendero na pala ngayon si Top Deven." nasa bahay na sila ngayon ni Top. Nakaupo na sila ngayon sa sala.
"May plano akong business dito, magandang lugar para tayuan ng negosyo." simpleng sabi nito.
"At ano namang business?" hindi sumagot si Top kaya nagkibit balikat lang si Kylie.
Napabuntong hininga si Lia ng makitang wala na siyang madudukot na pagkain sa ref, at sa cabinet..
Umakyat siya agad sa kwarto niya para magpalit ng damit, lalabas siya ngayon at bibili sa malaking tindahan.
Nagsuot siya ng shorts at isang V-neck shirt.Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lia ng mapansin ang sasakyan ni Top.
Dahil sa excited siyang makita ang lalaki ay dumeretso siya sa loob ng hindi kumakatok ngunit napalis ang ngiti niya ng makitang may kasama si Top na babae.
Nagpalipat lipat ang tingin ni Lia kay Kylie at Top, bakas sa mukha niya ang pagtataka. Nakatingin sakanya ang dalawa at maya maya ay nagtinginan rin sa isat isa.
"Sino siya?" walang kaabog abog na sabi ni Lia, hindi nito hinihiwalay ang tingin kay Kylie na nakatingin rin sakanya.
"Bakit ka andito?" tanong rin ni Top, hindi niya pinansin ang tanong ng dalaga.
Bumaling si Lia kay Top. "Kasi namiss kita." sabi nito na nakapagpakunot ng noo ni Top. Nagtaas naman ng kilay si Kylie at napatingin kay Top.
Tumikhim si Kylie. "Gusto niyo ba mag usap? labas muna ako."
"Yes please." sagot agad ni Lia. "Stay here." sagot naman ni Top. Nagkibit balikat lang si Kylie at saka lumabas ng bahay.

BINABASA MO ANG
Her mysterious neighbor (COMPLETED)
RomanceIsang modelo sa US si Herlia Glass, kaso dahil sa mga maling nagawa niya ay agad siyang lumaos, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at magpunta sa Baguio, kaso imbes na matahimik at makapag pahinga ay mas lalong nagulo ang isip niya nang makilala niy...