Part 16

2.9K 93 1
                                    

Nagsuot lang si Lia ng puting dress na ginagamit rin niya kapag nagpupunta rin siya ng beach. Nagsuot siya ng sunglasses at nag braid siya ng buhok. Fresh na fresh ang kanyang itsura.

Nang marinig niyang may nagdoorbell ay agad na siyang bumaba dala dala ang mga gamit niya.

Kanina pa pasulyap sulyap si Kurt kay Lia, nagmamaneho na siya ngayon, pinauna na niya si Top at Kylie at sinabing susunduin lang niya ang kadate niya.

"Kala ko ba malapit lang? parang ang layo na natin." komento ni Lia.

"Medyo malapit na tayo. Anyway nakakaproud kang kasama. I mean ang ganda mo, lahat siguro ng lalake maiinggit sakin kapag nakitang ikaw ang kasama ko." malapad ang ngiti niya. Tumikhim lang si Lia at itinuon na niya ang atensyon niya sa kanilang dinadaanan.

"We're here!" binuhat ni Kurt ang mga gamit nila ng dalaga.
Palapit palang sila sa gazebo nila ay nagulat si Lia, maang na nakatingin sakanila ni Kurt si Top at si Kylie.

"Hey bro, gulat kayo no. Yup! she's Herlia Hermoso Glass." proud na sabi ni Kurt, ibinaba nito ang mga gamit nila.

Maganda ang paligid, white sand at kaunti lang ang tao, ang gazebo nila ay may kadugtong na isang beach house pasadya ito para sa mga may gustong mag stay ng ilang araw.

"Hi Lia." bati ni Kylie. Tumikhim si Kurt.

"Uhm Lia si Kylie kapatid ko tapos si Top boyfriend niya. Pero magkapit bahay kayo tama? hindi ko lang alam kung magkakilala na kayo kasi kwento ni Lia ilang linggo palang naman siya dito."

Hindi umiimik si Top na nakatingin lang sakanilang dalawa, hindi rin mabasa ang reaksyon nito.

"Kilala na namin siya, pano kayo nagkakilala?" tanong ni Kylie.

"Really? edi good kung ganun. Nakilala ko siya nung nakaraang araw, may mga bitbit siyang pinamili niya then bigla nalang hinimatay." natuptop ni Kylie ang kanyang mga labi sa gulat. "I helped her buti nalang at naroon ako may lagnat siya ng mga oras na yun dahil daw naulanan buti nalang at gumaling siya agad." pagpapatuloy ni Kurt.

"Totoo bang okay ka na?" paniniguro ni Kylie.

"Yes I'm fine." sagot ni Lia.

Hindi makapaniwala si Lia na kapatid pala ni Kurt si Kylie, ito pala ang tinutukoy niya sa nga kwento niya.
Awkward man ang nangyayari hindi nalang siya nagpaapekto, huli na para umurong dahil andito na siya.
At napamukha na sakanya na girlfriend talaga ni Top si Kylie.

"Ilang kwarto meron?" tanong ni Kurt maya maya.

"Dalawa lang, so.." nagtinginan silang apat.

"Share nalang tayo bro, then share nalang si Kylie at Lia. Okay ba?" nag agree silang lahat.

Nag ayos na agad ng gamit si Lia sa kwarto nila ni Kylie.

Tumikhim si Kylie kaya napalingon siya.

"Hi." ngiting sabi nito kay Lia.

"Hello." sagot naman ni Lia. Lumapit si Kylie sakanya at umupo sa tabi niya, nakaupo sila ngayon sa kama.

"I'm Kylie Santos." lahad nito sa kamay niya. Napatingin naman si Lia dito. "Siguro kailangan nating magpakilala ng maayos at kalimutan nalang yung nakaraan." nakangiti nitong sabi. Sang ayon naman si Lia, kailangan na niyang kalimutang yung nangyari noong nakaraan. Ngumiti rin siya.

"Herlia Glass." tinanggap nito ang kamay ni Kylie.

"Idol kita, ginagaya ko ang mga pananamit mo." sabi nito.

"Thank you, pero bakit ako, matagal na akong laos."

"Kahit pa..idol parin kita, at sa tingin ko kailangan mo ng bumalik sa spotlight. Mas lalo kang gumanda." ngumiti lang si Lia, ramdam niyang sincere lahat ng sinabi nito at hindi nambobola.

Nakaupo lang si Top habang nagbubuklat ng magazine na naroon, si Kurt naman ay nagaayos ng gamit niya.

"Bagay ba kami bro? sa tingin mo may pag asa kaya ako kay Herlia? I don't know pero patay na patay ako sakanya, halata ba?" tanong ni Kurt.

Bumuntong hininga si Top. "Oo bagay kayo." komento nito.

"Thanks man. Nga pala totoo bang nagkabalikan na kayo ni Kylie? pwede ka pang umurong." biro nito.

"Oo, sa tingin ko wala na akong mahahanap pa na katulad ng kapatid mo." sabi nito. Nagpasya silang magkabalikan ng dalaga at subukang maisalba ang nasayang na panahong paghihiwalay nila.

Her mysterious neighbor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon