Paikot ikot ang sasakyan ni Kurt pero hindi parin niya mahanap ang tinutukoy ng kapatid niya na pasukan papunta sa bahay na tinutukoy nito."Hello sis? nahihilo na ako at gusto ko na kumain, please, ayusin mo ang pagbibigay ng direction. Liniligaw mo ata ako eh." kausap niya ngayon ang kapatid niya sa cellphone.
"Tetext ko sayo, basahin mo kasi ng mabuti, malabo na ata mata mo. Gusto mo pasundo na kita."
"No, text mo sakin, may dala akong sasakyan remember."
Kumunot ang noo ni Kurt ng mabasa ng direction na tinext ng kapatid niya pareho ang daanan ng papunta sa bahay ni Herlia.
Naalala niyang may isang bahay siyang nalampasan ng ihatid niya si Herlia. Coincidence Ey?
"Hey bro! I hope magustuhan mo ang pagstay mo rito." yakap ni Kylie sa kapatid niya.
Kapatid ni Kylie si Kurt, mas matanda ito ng dalawang taon, kaedaran nito si Top.
"Yeah. Pagtuntong ko palang sa bahay na ito ay nakaramdam na ako ng kasiyahan, kasiyahang hindi mapapantayan. I'm very very very happy at dito mo ipinatayo ang bahay mo bro." baling nito kay Top na nakangiting nakamasid sakanilang magkapatid.
"Ang OA mo ata, very very very happy ka diyan, hindi libre ang pagtira mo rito, kailangan mo kaming ipagluto ni Top. Namiss ko rin ang luto mo."
"Yup! sure. Musta bro? nagayuma ka nanaman ba ulit ng kapatid ko?" tanong nito kay Top.
"Hey, magkaibigan lang kami okay. No more, no less." sabi ni Kylie. Nagkibit balikat lang si Kurt.
"Bat nga pala ang tagal mong nakarating dito bro?" tanong ni Top maya maya.
"May magandang nangyari kanina pero wala akong balak na ikwento sainyo, at isa pa natagalan ako kasi mahirap umasa kay Kylie pagdating sa directions."
Nagtawanan lang silang tatlo habang kumakain. Napuno ng kwentuhan at asaran ang kanilang pagsasalo salo.
Hindi ikinwento ni Kurt na nakilala niya si Herlia, wala siyang balak ikwento sa mga ito dahil gusto niyang masolo muna ang nangyari nang hindi ipinagkakalat sa iba.
Nagising si Herlia napatingin agad ito sa orasan na nakapatong sa side table. Alas siyete na, kinapa niya ang leeg at noo niya kung mainit pa at nakahinga siya ng maluwag ng hindi na ito mainit, maayos na rin ang pakiramdam niya.
Nakangiting nag inat si Lia at saka nag ayos ng kama, nang pababa na siya ng hagdan ay mag kumatok sa kanyang pintuan.
'Top? Kylie?' isip niya. Sila lang naman kasi ang pwedeng pumunta sa bahay niya.
Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sakanya ang pamilyar na lalaki.
Si Kurt.

BINABASA MO ANG
Her mysterious neighbor (COMPLETED)
RomanceIsang modelo sa US si Herlia Glass, kaso dahil sa mga maling nagawa niya ay agad siyang lumaos, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at magpunta sa Baguio, kaso imbes na matahimik at makapag pahinga ay mas lalong nagulo ang isip niya nang makilala niy...