Herlia Hermoso Glass is a model, 5'10 ang height niya, 20 yrs old na siya at nagsimula siya sa modelling career niya noong 15 years old palang siya. She has brown eyes, chocolate brown hair at kayumanggi ang kulay ng balat niya.Nakatira siya sa New York kasama ng pamilya niya. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid, may dalawa siyang kapatid na lalaki, si Erman Glass 15 at si Zed Glass 17. May maliit na flower business sila at ang parehong magulang niya ang nagmamanage dito. Hindi sila mayaman pero hindi rin sila mahirap.
Ang daddy niya ay si Samuel Glass, isang Amerikano at ang mommy niya ay si Isabel Heneroso isang Filipina. Domestic helper si Isabel at amo niya si Samuel. Pangalawang asawa siya, pinakasalan siya nito matapos maghiwalay sila ng una nitong asawa, wala silang anak ng unang asawa nito. Ikinasal sila sa Pilipinas at nagkaroon agad ng anak na si Herlia, naglagi sila sa Pilipinas ng Sampung taon, 9 years old na si Herlia at 6 years old si Zed. Lumipat sila sa New York at nagtayo ng maliit na flower business.
Nang 14 years old si Herlia ay may nag alok sakanyang modelling agency tinanggap niya ito agad dahil hindi siya mahilig mag aral at laging inaantok sa klase, wala siyang hilig sa mga books, lectures, discussion, school activities sa madaling sabi ayaw niya mag aral.
Isang taon siyang nagpractice sa pagrampa, pagpose at pagkatapos ng isang taon ay tuluyang umalingawngaw ang pangalan niya, nafeature siya sa Teen Vouge magazine at nagkaroon siya ng solo cover ng isang sikat na magazine.
Nagenroll parin siya, through internet ay nag aaral siya kaso hindi siya ang sumasagot dito kundi ang PA niya.
17 years old siya ng magkaroon siya ng issue, dating..dating..dating..may mga pictures siya sa bar, may kahalikan sa edad niyang 17 ay nagkaroon siya ng ibat ibang lalaki kaya bigla ring nawala ang kasikatan niya. Maraming nainis sa ugali niya, nagpalipat lipat rin siya ng agecy, manager, kadalasan pinagpapasa pasahan nalang siya. Nang mapagod siya sa mga issues sakanya nagpasya siyang lumagay muna sa tahimik pero nang bumalik na siya ay wala ng tumanggap sakanya 20 years old na siya ngayon. Ang sabi ng agency niya dati tatanggapin daw siya ng mga ito next year dahil busy ang mga ito sa mga bago nilang modelo. Ipinagkibit balikat nalang niya ang mga ito.
Nagpasya siyang bumalik ng Pilipinas dahil tumawag ang kanyang Tita Anet na aalis na siya papuntang Korea at dun na maninirahan, baka raw gusto ni Lia na magstay muna ng Pilipinas para makalimot, nag iisang kapatid ito ng kanyang mommy Isabel.
"Take care Lia, alam kong napaka independent mo, pero lagi mong tatandaan na nag iba na ang Pilipinas, mag iingat ka. Okay?" ngumiti si Lia, tagalog na talaga ang ginagamit nila dati pa, marunong rin magtagalog ang daddy niya kaya naman kapag nasa bahay siya feeling niya nasa Pilipinas siya at wala siya sa New York.
New York na tanging alam ay ang gawan siya ng issue, bantayan siya buong araw at magsulat ng hindi maganda sakanya.Nagbuga siya ng hangin.
"Yes mom, I promise mag iingat ako. Miss ko na ang Pilipinas, it's been 11 years since umalis tayo doon." ngumiti siya at niyakap ang kanyang mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/142619101-288-k545808.jpg)
BINABASA MO ANG
Her mysterious neighbor (COMPLETED)
RomanceIsang modelo sa US si Herlia Glass, kaso dahil sa mga maling nagawa niya ay agad siyang lumaos, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at magpunta sa Baguio, kaso imbes na matahimik at makapag pahinga ay mas lalong nagulo ang isip niya nang makilala niy...