"Ano ba!" inis na binawi ni Lia ang braso niya sa pagkakahawak ni Top sakanya. Para siyang batang kinaladkad ng binata."Hindi mo ba alam na nag alala kami sayo ha! at bakit hindi kayo magkasama ni Kurt? nagkatampuhan kayo?" malisyosong tanong nito. Matalim na tingin ang sagot ni Lia sa binata.
Muling hinablot ni Top ang mga braso ng dalaga agad namang binawi ito ni Lia.
"Kaya kong maglakad ng mag isa! don't touch me!" nang humarap sakanya si Top ay bahagya siyang natakot dito, nag aapoy sa galit ang mga mata ng binata.
"Why? nahawakan ko na lahat ng parte sa katawan mo diba? o baka naman ayaw mo nang hinahawakan kita dahil nilalaan mo na ito para kay Kurt?" malakas na dumapo ang palad ni Lia sa lalaki.
"How dare you!! you bastard!" naririnding sigaw nito at patakbong iniwan ang lalaki.
Nang makarating si Lia sa beach house na tinutuluyan nila ay sumalubong ang nag aalalang si Kylie.
"Hey.. bat naman ngayon ka lang bumalik, malawak ang lugar na ito at maraming mga loko loko dito." nag aalalang sabi ng dalaga.
"I'm sorry but I need to rest." nasabi nalang niya at dumeresto sa kwarto, agad siyang nahiga at nagbalot ng kumot.
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Kurt sakanya nang matapos silang kumain ng agahan, wala ni isa sakanila ang nagsalita nang kumakain sila.
Bumuntong hininga si Lia at humarap kay Kurt.
"Wala na akong sasabihin pa sayo dahil—"
"Please.." sumamo ni Kurt. Bumuntong hininga siya at naglakad patungo sa tabing dagat, sumunod naman si Kurt sakanya.
"I know may mahal kang iba, at hindi ako tanga para hindi mapansin na si Top iyon, I don't know how pero ilang linggo lang noong naparito ka at nahulog ka na sakanya.. but suddenly naisip ko na hindi imposible yun dahil araw lang ang lumipas pero para sa'kin ayaw ko nang mawala ka." sabi ni Kurt, nakatitig ito kay Lia na para bang inaalam niya ang reaksyon ng dalaga. Napapikit ng mariin si Lia.
"I'm sorry..pero wala nang magbabago sa sinabi ko sayo Kurt." napatiim bagang ang lalaki.
"I don't know..pero hindi ako susuko. Ipaglalaban parin kita, and by the way.. kapatid ko ang girlfriend ni Top, ipinapaalala ko lang sayo." madiin ang pagkakasabi ng lalaki sa mga huling sinabi nito. Umalis ang lalaki at iniwan siya gaya ng pag iwan sakanya nito kahapon.
![](https://img.wattpad.com/cover/142619101-288-k545808.jpg)
BINABASA MO ANG
Her mysterious neighbor (COMPLETED)
RomansaIsang modelo sa US si Herlia Glass, kaso dahil sa mga maling nagawa niya ay agad siyang lumaos, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas at magpunta sa Baguio, kaso imbes na matahimik at makapag pahinga ay mas lalong nagulo ang isip niya nang makilala niy...