Part 17

3K 100 0
                                    

Naging magaan ang loob ni Herlia kay Kylie kahit wala pang isang oras na nag uusap sila, napakadaldal nito sa pagkekwento sakanya, palangiti rin ito, naguilty pa tuloy siya na binastos niya ito noon.

"Tara na sa labas, I'm starving. Tiyak na masarap ang kakainin natin ngayong hapunan, my brother is a good cook." Pagmamalaki niya.

"I know." sang ayon ni Lia, nagtaas ng kilay si Kylie. "Mahabang kwento, pero ipinagluto na niya ako." ngumiti si Kylie at saka tumango tango.

Nang makalabas sila ng beach house ay nadatnan nila si Kurt at Top na busy sa pagpeprepare ng makakain. Si Top ay nag iihaw si Kurt naman ay may hinahalo sa isang maliit na kawali.
Sabay pa silang dalawang nagtaas ng mukha at napatingin sa dalawang babae.

Si Lia ay derestong nakatingin kay Kurt. Sadyang iniiwasan niyang mapatingin kay Top. Ngumiti sakanya si Kurt kaya gumanti rin siya ng ngiti at nilapitan ito. Si Top naman ay saglit siyang tinignan kaso tumuon rin ang atensyon nito kay Kylie na palapit rin sakanya.

"Wow, bilisan niyo ang pagluluto guys, gutom na ako." saad ni Kylie.

"Beefsteak? mukhang masarap ah." komento ni Lia sa niluluto ni Kurt.

Malapad ang pagkakangiti ni Kurt na umusog pa para bigyan ng space si Lia sa harap ng kalan. "Yeah, masarap siyempre dahil alam kong isa ka sa titikim ng luto ko." sabi nito.

"Pwede ko bang tikman? mahilig ako sa beef." wala sa sariling sabi ni Lia. Amused na bumaling sakanya si Kurt.

"Sure, wait ihipan ko kasi mainit pa." pagkatapos niyang ihipan ay sinubuan niya si Lia. Napangiti siya ng makita ang reaksyon ng dalaga na mukhang nagustuhan nito ang luto niya.

"Tama, isa ka ngang magaling na cook." komento ni Lia.

"Whoa. Thank goodness! salamat naman at nagustuhan mo." ngingiting sabi nito.

Tumikhim si Top rinig na rinig niya ang usapan at lambingan nila Kurt at Lia.

"Wag mong ipapahiya sarili mo ha? Alam kong cook si Kurt pero kailangan masarap rin yang luto mo." birong bulong ni Kylie sa kanyang nobyo.

"Ayoko lang maging chef pero sanay at magaling ako sa pagluluto." ngising sabi naman ni Top. Nagkatawanan lang silang dalawa.

Pinipigilan ni Lia ang kanyang sarili, nagbubulungan si Top at Kylie at nagtatawanan, nakikita niya ito sa peripherals niya. Oo nagseselos siya ngunit ayaw niya itong ipahalata, isa pa ay naroon si Kurt, napakabait nito at lagi pa niyang pinapagaan ang loob niya.

Siguro tama lang na nasaktan siya, hindi sila bagay ni Top masyado itong brusko para sakanya. Hindi rin sila nagkakaintindihan nito kaya naman tama lang siguro na ngayong maaga palang ay sikilin na niya ang namumuong nararamdaman niya para sa lalaki.

Mahinang siko ang nagpabalik sa kanyang gunita.

"Kaya mo to?" sabi ni Kurt sakanya, mabilis na nagtatadtad ito ng sibuyas habang nakapikit. Napahalakhak si Lia.

"Show off, baka masugat kamay mo niyan." sabi niya.

Tumawa rin si Kurt. "Of course not, ako pa ba? maingat ako, kaso noong nakaraan ay nahulog ako ng hindi ko namamalayan." tumitig ito kay Lia.

"Huh? nahulog san?" kunot noong tanong ng dalaga.

"Sayo." ngumiti siya ng ubod ng tamis saka kumindat. Sumeryeso si Lia, maya maya ay nagtawanan sila.

Nang kumakain silang apat ay nagpatuloy sa pagdaldal si Kylie.

"Ikaw Lia? kailan mo balak bumalik sa buhay model? I'm sure maraming nakakamiss sayo sa runway, sa print, sa mga magazine.. isa na ako dun." baling sakanya ni Kylie.

"Hey sis wag mo naman siyang paalisin agad, wala pa akong branch sa US okay? saka na." singit ni Kurt.

Umirap si Kylie sa kapatid niya. "Hindi ko naman siya pinapaalis. Teka nga ano na bang score sainyo? dating?" tanong niya.

Bumaling naman si Kurt kay Lia. "Ayokong madaliin si Lia, I can wait, kung gusto niyang friends muna kami why not? kung hahayaan niya akong manligaw then I'll be the happiest man on earth, kung ano gusto niya then irerespeto ko iyon. Yan ang tunay na lalaki tama ba bro?" sabi nito kay Top na abala sa pagkain na parang walang pakealam sa narinig niya. Nagkibit balikat lang ito at tumango.

'Wala talaga siyang pakealam sakin, well tama lang dahil simula ngayon ay ganoon narin ako sayo' naisip ni Lia.

Humarap siya kay Kurt at ngumiti.

"Thank you" malambing na sabi niya.

"Huh? for what?" maang na tanong ni Kurt sakanya. Napabuntong hininga si Lia. Ayaw niyang gamitin si Kurt pero wala na siyang ibang choice.

"Sa pagrespeto sakin, sa pagpapangiti sakin at sa pagtulong sakin dati, thank you at dito mo naisipang magbaksyon, salamat at nakilala kita." dere derestong sabi niya. Ngumiti ng malapad si Kurt.

"You're welcome! Wow, hindi ko alam na may side ka palang ganyan, you're sweet and you appreciate little things."

"Yuhoo andito pa kami ha, nakakalimutan niyo ata na may kasama kayo." biro ni Kylie.

Tumawa si Lia. "Sorry Kylie gusto ko lang talaga magpasalamat sa kapatid mo. Anyway ang sarap ng pagkain. 2 days pa tayo dito, nag aalala na ako sa katawan ko, sira ata diet ko." tumawa rin si Kylie at tumango.

"You're right! kapag kasama ko talaga ang isa sakanila napapa rice talaga ako ng marami at hindi ako makatanggi sa pagkain." natatawang sabi nito.

"Here, kain ka pa." sinubuan ni Top si Kylie.

"Ang sweet niyo naman, kailan niyo balak magpakasal?" tanong ni Kurt sakanila.

"Soon." simpleng sabi ni Top. Namula naman si Kylie at pinalo pa si Top.

Her mysterious neighbor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon