CHAPTER TWO

5.8K 97 3
                                    


"TWINKLE." tawag ni Milo sa babaeng katabi niya.

Dalawang linggo na siyang nasa bahay nito at alam niyang nalalapit na ang araw na kailangan na niyang magpaalam dito. Nararamdaman niyang malakas na siya at pwede ng bumalik sa mundong pinili niyang galawan.

Hindi siya lumabas sa bahay nito sa durasyon ng pananatili niya doon. Wala silang ginawa kung hindi ang manood ng TV, kumain, matulog, maglaro at mag-asaran. Isang beses lang siya nitong iniwan dahil kinailangan nilang bumili ng supplies. In short, para silang naka-house arrests nito. Kung malalaman lamang ni Colt ang pinaggagawa niya ay siguradong uulanin siya nito ng tukso. Sanay kasi ito sa kanya na hindi siya mapakali kapag nasa bahay lamang. Pero kapag si Twinkle ang kasama niya ay natitigil siya sa bahay nito na parang masaya na siya at kumportable. Maybe because she reminded him of her mother, loving but not in a tender way. Palagi din siyang pinagagalitan noon ng kanyang Mama dahil sa pagiging pasaway niya.

"Oh, bakit? Gutom ka na? Ang takaw mo naman, Milo. Mauubos agad ang supply natin ng pagkain, kakakain lang natin, ah." naiiling na wika nito habang tutok pa din ang pansin sa pinapanood.

Nainis siya. Dahil siya ang may hawak ng remote control, pinatay niya ang telebisyon. Nilingon siya nito.

"Anak ka ng tutuli, Milo! Mapapatay na yung tatanga-tangang babae, oh. Buksan mo na dali!" nagkukumahog na hiyaw nito sa kanya.

Tinangka pa nitong agawin sa kanya ang remote control ng hindi niya iyon binuhay. Pero mabilis niya iyong iniiwas at inilagay sa loob ng suot niyang shorts. Binigyan niya ito ng naghahamong tingin. Napangisi siya ng umurong ang kamay nito at binigyan siya ng nakamamatay na irap.

"Kadiri ka! Lagyan mo ng alcohol iyan kapag inilabas mo na."

Napahalakhak siya at inilabas na ang remote. Ipinatong niya iyon sa center table. Mukhang nawalan na ito ng ganang manood dahil hindi na nito tinangka pang buhayin ulit ang TV.

"Ano na naman ba kasi ang trip mo?" sa halip ay tanong nito.

"Kailan ka mag-aasawa?" wala sa loob na tanong niya dito.

Napanganga ito at ilang segundong natulala sa kanya. Madaldal si Twinkle kaya naman kapag natatahimik ay alam niyang may iniisip ang dalaga.

"Bukas na at gabi na." maya-maya ay sagot nito.

He grinned. It was Twinkle's humor that always amused him.

"Hindi nga, seryoso, kapag may lalaki kang maloloko, ipakaliskis mo muna sa akin, ha?" aniya.

Humiga siya at ipinatong ang nakuhang unan sa tabi niya sa kandungan nito, pagkatapos ay ipinatong doon ang ulo niya. Palaging ganoon ang ginagawa niya kapag nais niya itong makausap ng seryoso, para hindi ito makaiwas sa kanya.

"Maloloko ka diyan." asar na sabi nito at piningot ang tenga niya. "Kapag ako ikinasal, baka ikaw ang unang umiyak, Milo."

Natigilan siya sa sinabi nito. "Oo, iiyak ako sa sobrang kaligayahan. Dahil sa wakas, may magtityaga na sa mga topak mo." maya-maya ay sabi niya. Biglang na-imagine niyang kapag nagkaroon ito ng anak ay siguradong magmamana ang mga iyon sa madaldal na si Twinkle. "Kapag nagkaanak ka, ipakasal mo sa magiging anak ko."

"Sira! Kapag inantay ng magiging anak ko ang anak mo, siguradong tatandang binata o dalaga ang mga iyon. Sa klase ng buhay mo, alam kong wala kang balak na magpakasal."

"I can have a child without getting married." sabi pa niya habang nakatitig sa mukha nito.

"Sows! Kung hindi pa siguro kita kilala, baka maniwala ako sayo. Alam ko namang hindi mo gagawin ang bagay na iyon kahit pa sobrang maloko mo sa mga kabaro ko." sabay kurot sa pisngi niya.

Twinkle's StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon