CHAPTER TEN

6.3K 90 3
                                    


NAG-AALINLANGAN man ay tuluyan ng kumatok si Milo sa study room ng kanyang ama. Muli siyang magpapakita dito pagkatapos ng tatlong buwan na paglalayas niya. He slowly opened the door when he heard his father's voice saying that he can come in. Napatayo ito at bakas ang pagkagulat ng makitang siya ang naroroon.

"Milo! Goodness, I've been trying to call you. Where have you been, son?" anito ng makabawi sa pagkabigla.

"'Pa, kamusta?" sa halip ay tanong niya.

"I'm okay. I'm more worried about you when I learned that Twinkle died." malungkot na wika nito at muling umupo.

Nagulat siya. Paano nito nalaman ang tungkol kay Twinkle?

"I know that I've been a terrible father to you, Milo. Pero sa maniwala ka man o hindi, palagi kitang pinasusubaybayan noon." sinenyasan siya nito na umupo.

Walang imik na sinunod niya ito. Iyon ang unang pagkakataon na sinabi nito sa kanya na pinasubaybayan siya nito noon. Tuwing nagkikita sila ng kanyang ama ay wala na itong bukambibig kung hindi ang negosyo nito at bago sa kanyang pandinig ang sinabi nito ngayon.

"Sa lahat ng babaeng naugnay sayo, alam kong si Twinkle ang nag-iisang babae na mamahalin mo. Nag-alala ako ng mabalitaan kong namatay siya." pagpapatuloy nito.

"She's alive, 'Pa." imporma niya dito.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at pagkatapos ay tumango-tango. "Thank God."

"'Pa, do you know that I hated you for so many years?" tanong niya dito. "It started when I was just a kid."

His father owned chains of supermarket not just in the Philippines but also in some parts of Asia. Hindi niya ginagamit ang apelyido nito dahil hindi na ito nakipag-ugnayan pa sa kanyang ina ng malaman nitong buntis ang kanyang Mama sa kanya.

"Yes, I know that and I understand." anito at bumuntong-hininga. "Nang magkakilala kami ng Mama mo noon, umalis si Rhoda sa bahay namin." kwento nito na ang tinutukoy ay ang asawa nito. "Akala ko, tuluyan na niya akong hihiwalayan dahil wala akong panahon sa kanya ng dahil sa negosyo. Galit ako sa mundo at hindi man tama, nakipagrelasyon ako sa iyong ina kahit na mahal na mahal ko pa din ang aking esposa." huminto ito at tinitigan siya. Inaalam yata nito kung ano ang magiging reaksiyon niya sa ginawa nitong pagtatapat pero hindi siya nagpakita ng ano mang reaksiyon kaya nagpatuloy ito.

"Hanggang sa bumalik nga si Rhoda sa akin at sinabing buntis siya sa anak naming namatay na si Rheo. Pinili ko muling makasama ang aking asawa. Hindi ko na nagawa pang makipag-communicate sa Mama mo dahil alam kong unfair sa kanya ang lahat ng nangyari at nahihiya na akong magpakita pa sa kanya. Binabagabag ako ng konsensiya ko dahil sa ginawa kong pagtataksil kay Rhoda at pag-iwan ko sa iyong ina na alam kong nagdadalang-tao din. Wala akong nagawa kung hindi ang umupa ng imbestigador para lang malaman ang lahat tungkol sayo. Ang mas masakit, sa bawat achievements mo, wala akong masabihan na ako ang iyong ama." malungkot na pahayag nito. "Even though I didn't say it the first time I saw you, but I love you, son. And I'm proud of what you've become even without me." tila talunang wika pa nito.

Tintigan niya ang kanyang ama. Nakalarawan sa mukha nito ang sinseridad sa bawat sinabi nito. Hindi niya makita dito ang business tycoon na si Don Gabriel Fuentes. Napalitan iyon ng isang ama na matagal ng nangungilila sa kanya. Parang may malaking batong nakadagan puso niya ang natanggal dahil sa sinabi nito. Siguro, kaya hindi niya tinanggap ang alok nito ay dahil nais niyang palagi itong mangulit sa kanya. Na kahit anong pilit niyang magalit dito ay mas lamang ang pangungulila niya. He longed to have a father on his side.

Twinkle's StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon