"SIR MILO, Sir Milo!" nababahalang tawag ng kung sino sa kanya sa labas ng kwarto niya.
Ipinikit-iminulat niya ang mga mata. Napamura siya ng maramdaman ang pagsakit ng ulo niya. Sinulyapan niya ang digital clock na nakapatong sa bedside table niya. Alas-otso pa lamang ng umaga. Sapo ang ulo na bumangon siya at tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon at itinanong sa katulong niyang hindi maawat sa pagkatok sa pinto ng kwarto niya kung anong kailangan nito.
"Sir tumawag po si Sir Hero. Ang sabi po niya, gisingin daw po kita at sabihing tumawag ka agad sa kanya." imporma nito.
Tinanguan na lamang niya ito at sinabing ipagtimpla siya ng kape. Nang makaalis ito ay hinanap niya ang cellphone niya. Hero was the closest relative of Twinkle. Naging kaibigan niya ito noong panahon na palagi siyang ipinapatawag ng kanyang ama sa bahay nito. It happened that Hero also has a house nearby at nalaman niyang kaibigan ito ng namayapa niyang kapatid. Naging kaibigan din niya ang asawa nitong si Barbie. Nagulat pa siya noon ng malaman niyang pinsan ito ni Twinkle, minsan ay dito siya nakikibalita tungkol sa dalaga. Tamang-tama dahil sasabihin na niya dito na girlfriend na niya ang lagalag nitong pinsan. Napakunot ang noo niya ng makita ang napakaraming missed calls sa cellphone niya. It was all Hero's calls. He dialed his number.
"Thank goodness you're already awake!" sagot nito sa tawag niya.
"Good morning to you, too." nakangiting sabi niya. "What's up? Kamusta si Barbie?"
"We're okay. Lahat ng bahay mo natawagan ko na dahil hindi mo sinasagot ang cellphone mo."
"Nagkainuman kami kagabi, eh. Kagigising ko lang." paliwanag niya.
"Milo, it's about Twinkle..."
"Magkasama kami kagabi, kaninang madaling araw na kami naghiwalay, pinapatulog ko na dito kaso may trabaho pa daw siya. Tatawagan ko pa lang siya, pero dahil nga makulit ka, inuna na kitang tawagan." aniya habang kumukuha ng mga damit na panglakad sa cabinet niya.
Aalis siya, pupuntahan niya si Twinkle kung nasaan man ito ngayon. Tutal ay libre na naman siya dahil nga tapos na kontrata nila. May mga endorsement pa siyang natanguan pero wala naman siyang schedule hanggang sa susunod na linggo. Kinuha niya ang may hindi kalakihang maleta at inilagay doon ang mga damit niya.
"Twinkle had an accident." maya-maya ay wika nito sa kabilang linya.
His hands frozed from packing up his clothes. "Okay lang ba siya?" nag-aalalang tanong niya dito. "Are you with her now? Can I talk to her, Hero?"
"Milo... She's dead. Twinkle's car was seen in a cliff. Nasa loob siya ng sasakyan niya ng sumabog ang kotse niya. The police called me–"
"Hindi magandang biro 'yan, Pare." putol niya sa sinasabi nito. "Hindi pa patay si Twinkle, kausap ko lang siya kanina. At isa pa kasasagot lang niya sa akin."
Dinig niya ay pagbuntong-hininga nito. Saka lang niya napagtuunan ng pansin na kanina pa may kakaiba sa boses nito.
"I wish I'm just kidding... I'm sorry, Milo. I got her remains–"
"Just shut up, man! I'm gonna hang up, tatawagan ko si Twinkle." aniya at pinutol na ang tawag.
His hands were shaking when he dialed Twinkle's number. Napamura siya ng sabihin ng operator na out of coverage area ang cellphone nito. Pinagpapawisan na ang kamay niya kahit na nakatodo ang aircon sa kwarto niya. Paulit-ulit niyang pinindot ang redial. Napaupo na siya sa kanyang kama dahil para siyang nauupos na kandila. Unti-unti na siyang nawawalan ng lakas.
BINABASA MO ANG
Twinkle's Star
RomanceSa tagal ng pagiging magkakilala nina Milo at Twinkle, hindi kailanman lumampas sa pagiging magkaibigan ang estado ng kanilang relasyon. Para silang may silent agreement na kahit ano ang mangyari ay mananatili sila sa tabi ng isa't isa. Kaya nang ma...