May boyfriend kna ba?

273 4 0
                                    

Pagkababa natin ng taxi, agad mo akong tinanong kung saan ang bahay ko. Hindi ko sinabi sayo kasi nahihiya ako na makita mo yung munti kong tirahan. Well, it was not really a house kasi we just rented it. Pinilit mokong sabihin yun pero mas na-convince kita na next time ko nlang sabihin.

Before ako nkapag-para nang jeep, sinabi mo sakin na gusto mkong ihatid. Pero since ayokong malaman mo ang bahay ko, you agreed na kahit sa kanto nalang. Naglakad tayo instead. Kasi ang sabi mo, gusto mo pa akong makasama. How sweet of you that time. Ang daming tao nung mga oras na yun. Ang sikip sa daan. Pero kahit ganun, nagawa padin nating i-enjoy yung moment na yun. Gabi narin so it was kinda romantic.

Pagdating sa sakayan ng jeep, we bade goodbye. Ang sarap pa sana makipag-kuwentuhan sayo kaso gabi nadin. Hindi mko tinigilan na kumbinsihing ihatid sa bahay mismo. I was doubting kaya nagpumilit padin ako na next time nalang.

Before i could take a step paakyat sa jeep, tinawag mo ako.

Bumaba ako..

Then when i asked kung ano yun, you smiled and said, "Ay, wala"

I gave you a smile then nag-attempt ulet umakyat sa jeep.

Again, tinawag moko by my name. "Reea!"

Ang sarap pakinggan. Haha. Paglingon ko, nakita kitang nag-aalangan magsalita. Yung tipong may gusto kang sabihn pero nahihirapan kang ilabas. Tinanong kita twice kung ano yun pero natagalan pa bago mo natanong ito.

"May boyfriend kana ba? Di ba sabi mo wala. Ay uoh nga, wala nga pala. Diba?"

Natawa ako. You asked me again if i had a boyfriend. Nakalimutan mo ba na nung nasa mall tayo eh lovelife natin ang topic? Pero out of the blue, kinilig ako. Don't ask me why kasi it should be obvious. Common! Crush kita diba?

"Wala. Sinabi ko yan diba?" 

Alalang-alala din ako sayo nun kasi baka hindi mo alam umuwi. Pano ba kasi, nagpumilit kapa na ihatid ako eh first time mong mapadpad sa lugar na yun. Pero you told me na wag kang alalahanin kasi malaki kana and that you know kung pano ka sasakay. I gave you directions para kahit papano, makampante akong mkakauwi ka.

Then tumalikod nako at sumakay ng jeep. Habang papalayo na ako, nakatayo kalang. Kumakaway at ngumingiti. Gusto ko sanang bumaba kaso baka di matapos ang araw pag ginawa ko yun. 

Pagdating ko ng bahay, tumunog yung phone ko. Isang mensahe galing sayo. Ang bilis ha. Hindi halatang namiss mko agad. Haha. Well, di rin kita masisi kung nalove at first sight ka. Eeh! Ambisyosa na naman ako.

Simula nun, hindi na natanggal ang ngiti sa mukha ko. Simula pag-gising, hanggang sa pagtulog ko, lagi kitang naiisip. Ang cute mo naman talaga kasi. haaaayyyyy!!

A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)Where stories live. Discover now