Bitter Sweet Ending

224 1 0
                                    

Its been a week na hindi na tayo nakapagkita. Pero kahit ganun, lagi mong sinasabi sakin na mas lalo mo pa akong minamahal despite of the distance.

Nakakatuwang marinig yun siyempre.

Isang araw, umalis ako para makabili ng gift para sa mama ko. Pero before that, i dropped by the bank para makapag-open ng account.

Remember? Ang tagal mo din pinroblema kung pano ako makapag-bukas ng account. Ang dami kasing requirements na wala ako. Dumating pa sa point na nagpatulong ka sa mom and tita mo. 

Nakaka-touch lang din isipin na kahit hindi pa nila ako nakita or nakilala in person, they were so helpful.

One time, sinabi mo sakin na tinanong ka ng mom mo kung ipapakilala mko. I was so excited nadin nun. Atleast kahit papano, interested silang makilala ko.

Nag-away tayo sa text while nasa bank ako. Hindi kasi maganda ang gising ko that time kaya siguro napagsungitan kita. Yeah, alam kong ito yung major problem ko sa sarili ko. Ang awayin ka nalang pag wala ako sa mood. I understand that.

Sinabi mo sakin na itext kita and i-update from time to time pero sagot ko, wag na.

Nagalit ka and sabi mo, 'sana di kanalang ng boyfriend'.

ts funny na ganun kaliit na bagay napagsisimulan natin ng away. Pero di rin nagtagal at naging okay tayo.

Nung nasa mall nako di na naalis ang mga daliri ko sa phone ko kakareply sayo. Kahit busy ako kakahanap ng magandang regalo eh nagawa pa nating magharutan sa phone. Nakakamiss lang.

Siguro mga 3days after, nung nasa duty ako, tinext mo ako. Ang ganda pa ng message mo nun pero nabadtrip ka yata nung nagstart ang conversation nating ganito:

Me: Tinatamad na ako :(

You: Tinatamad saan?

Me: Sa atin. Sa relationship natin.

At dun kana nagsimulang magsungit. Alam ko din na nagalit kana that time kasi sinabi mo na lahat naman ginawa mo na para mapasaya ako pero nagawa ko pading sabihin yun.

Di ko yun sadya. And hindi talaga yun ang gusto kong iparating. Ang totoo, nasabi ko yun dahil namimiss na kita. Sobra.

Pero siguro nga mali yung sinabi ko. Bad mood din ako nun kaya hindi ko na naisip bago ko binitawan ang mga masasakit na salitang yun.

Nung una, akala ko maayos pa natin. Kasi simula nung courtship palang, wala talga tayong naging problema. In fact, ang saya-saya natin lagi. 

Ewan ko ba kung bakit nasabi ko nalang bigla yun. Siguro meant to happen na talaga.

Lumipas ang mga araw ng walang tigil kong pagsosorry sayo. Narealize ko kasi na sobrang mali ako.

Minsan ka nalang magtext sakin. At sa minsang yun, inaaway pa kita. Pano ba naman kasi, sumusuko ka na. Eh akala ko ba sabi mo LOYAL TOGETHER FOREVER??

Minsan tinatawagan kita pero di mo sinasagot. Nung mga three days kanang hindi nagparamdam, kinabahan na ako. Ang dami nang pumapasok sa isip ko na kesyo may iba kana kaya ka sumuko nalang or baka nag-iinom kna naman ng sobra dahil sa nasaktan ka.

Isang araw nagtext ka. Kinamusta mo ako. Sinabi mo din sakin na pag wala kang load, gusto mo akong itext. Pero pag nkpag-load kana, ayaw mo na akong kausap.

Natuwa ako nun. Kasi akala ko di mo na talaga ako kausapin.

Ang dami din nating napag-usapan. Kung bakit nagawa ko un, kung bakit tinatamad na ako, na hindi ka na umaasang magbabago pako sa pagiging moody ko.

I feel guilty. . 

Hanggang ngayon. .

Kasi nasaktan ko ang isang taong ginawa naman lahat para maging masaya ako. Ang isang taong nandyan lagi para damayan ako. Yeah, so on and so forth.

It was never easy. .

Kahit pa siguro iniisip mo na wala lang sakin kung ano man ang pinagdadaanan natin.

Nagkakamali ka.

Mas masakit sakin ang malaman kong nasasaktan ka. 

You even told me na araw-araw kang naglalasing para mawala yang problema mo.

That was immature of you! Ang daming way eh!

Pero ngayon, i'm asking myself. 'Masisisi nga ba kita kung ginagawa mo na lahat para kalimutan ako?'

Tama. Naiisip ko yan. Kasi lahat ng taong nasasaktan, humuhiling na makalimot. 

Ang hindi ko lang maintindihan, eh kung bakit hindi ka man lang nag-suggest na mag-usap tayo in person. Kung bakit parang ang bilis mong sumuko. Kung bakit ganun nalang kadali para sayo na bitawan kung ano man ang sinimulan natin.

Magulo isip ko. 

Kasi di ko alam kung ano ang dapat kong isipin.

Nung naging steady ulit ang communication natin, lagi tayong nagbabangayan. Well, i admit ako naman talga ang galit.

Hindi ko nga din mawari eh. Kung bakit kahit ako ang may kasalanan, ako pa ang parang agrabyado.

Pero i think everything was meant to happen.

Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa.

Siguro may nakalaang tamang babae para sayo at tamang lalake para sa akin. . 

Kaso hindi naman ganun kadaling tanggapin yun diba??

***May 29, 2012***

Nasa work ako. Tumatawa padin kahit papano. Nag-eenjoy sa ginagawa ko. Kasi hindi naman ako pwedeng magpakalunod sa lungkot diba?

Gabi na at magkatext tayo.

Kaso paulit-ulit lang ang pinag-uusapan natin.

Sa sobrang inis ko dahil sa ayaw mong maniwala na kaya kong magbago, I GAVE UP!!

Ako na ang kusang nagpalaya sayo. 

Kasi para san pang lumaban ako kung yung mahal ko, pagod na sa pakikipaglaban.

Kahit mahirap sa loob ko, kinaya kong bitiwan ang mga salitang 'Pinapalaya na kita. Di ko na ipagpipilitang ayusin to. Sana maging masaya ka.'

Kusa nalang dumaloy ang luha ko. Gusto ko siyang pigilan kaso imosible. MASAKIT eh.

Ni hindi man lang tayo naka-abot ng isang bwan?

Ang dami pa sana nating plano for our monthsary. I guess it was not really my time na i-enjoy ang mga ganung celebration kasama mo.

A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)Where stories live. Discover now