Long Distance..

214 3 1
                                    

It was April 4, 2012. Uuwi ako ng province nung araw na yun. Days before palang, ang dami na nating napagkasunduan. Like we should keep the communication and that we're gonna chat thru YM. Nakakatuwa lang kasi ilang araw lang din naman ako dun.

Galing ako ng midnight shift nun. Pero sabi mo ihahatid mo ako sa airport. Wow. Jowa ang dating mo Yam. Just a few minutes after kong makarating ng bahay, dumating ka din. You helped me packed my things. Nakakatawa kasi talagang ikaw pa tumupi ng mga damit ko. Eh sabi mo kasi hindi ako marunong eh. I enjoyed it. Kasi napaka-concerned mo sakin. Siguro nga dahil sobra na tayong close na halos lahat nalang nagagawa natin para sa isat-isa.

After nun, umalis na tayo. Ikaw ang tagabitbit ng bag ko. Ang sweet nga diba? Then hawak hawak mo ang kamay ko habang naglalakad tayo. 

Nag-LRT tayo para mabilis. Kasi traffic nga din naman sa mga oras na yun. Walang available na upuan pagpasok natin ng tren. Kaya standing ovation ang drama nating pareho. Sakin okay lang kasi wala akong dala eh ikaw, lahat ng gamit ko karga mo. Tawa pa tayo ng tawa kasi ang dami nating naiiisip na funny moments.

Ang bilis lang ng byahe. Agad tayong nag-abang ng masasakyan papuntang airport. Nagbabangayan pa tayo kasi di tayo sigurado kung san talaga pwede sumakay. Naghaharutan din tayo kahit nsa gilid ng kalsada. Ang saya lang. Sobrang saya. Nagtatanong kpa sa mga mama na nadadaanan natin. Hanggang sa nalaman natin kung ano ang sasakyan. Dali-dali naman tayong pumara ng jeep at sumakay.

Pagdating ng airport, agad tayong naghanap ng makakainan. Jolibee! Dun tayo nag-lunch. Ang effort mo para ihatid pa ako sa airport at sa pagdala ng mga gamit ko. Feeling ko tuloy ang special kong tao. 

Bago ako mag-check in eh ang dami nating napag-usapan. Ang dami mong bilin, actually. Lahat naman ng sinabi mo eh tinandaan ko. Nakakamiss din yung pagtatampo mo pag nakikita mo akong tumitingin sa iba. Seloso ka nga sabi mo. At nakikita ko naman yun. Hahaha. 

Its time for me to go. Haay, starting tomorrow without you. Nakz!

Pagkadating ko sa Bacolod, nagtext ka agad. Surprised? Nope. Ganun lang talga tayo. Every second magkatext. At yun ang sobrang na-enjoy ko sa relationship natin. Pati yung one to sawa na tawagan.

You told me na mag-ym para may webcam viewing. But unfortunately, pagka-open ko nung computer ko, sira yung cam. Badtrip!

Hindi mo ko nakita pero naview kita. Eeeehhh!! Ang saya.

Ang kulit mo sa cam. Walang humpay ang galaw mo. Nagpapacute ka yata nun eh. Hahaha. Sabagay, cute naman talga ang YAM ko.

Ang dami mong I LOVE YOU sa chatbox. Nakakakilig kaya yun. Hahaha.

Natuwa ako nung pinakita mo sa cam yung scratch paper na pinagsulatan ko ng cellphone number ko. OMG! Ibig sabihin, ang tagal mo na palang tinatago ang paper na yun? Awwww swwweeeetttttttt.

Pati yung giant card na binigay ko sayo, alagang-alaga mo din. Grabeh ka. I don't wanna remember kung ano ang sinulat ko dun kasi baka kiligin lang ako. Hahaha.

Hayy naku!! Ewan ko ba talga. Kaya kahit ngayon eh masaya ko padin binabalikan ang mga ala-ala natin eh.

May church activity nun. Hindi ako masyadong nakatext kasi pinagbawal ang mga cellphone. Aba, nagtampo ka agad? Sinabi mo na hindi na kita naiisip kasi busy ako. Ikaw talga! alam mo naman na kahit anong ginagawa ko hindi ka nawawala sa isip ko. Wag na tampo okay?

_____________________________________________________________________________

After 2 days, bumalik na ako ng Manila. At syempre, ikaw na naman ang sumundo sakin. Ang aga mo naghintay sa airport. Pagkadating ko, natuwa talga ako nung makita kita. I just cant help myself from smiling kasi at last, makakasama ko na naman ang lalaking nagpapasaya sakin. 

Ang daming nagpadala sakin ng pasalubong kaya marami din akong dala nun. Pati yung gitarang binili ng papa ko, dinala ko din.

Naglunch muna tayo nun before natin inayos ang mga pasalubong. Ang sweet mo lang kasi sinubuan mo pa talga ako kahit ang daming nakatingin. Mahal mo nga talga ako. Hayy <3

After nun, nagsimula na tayong mag-ayos ng mga pasalubong at isa-isa natin to inilagay sa plastic. Medyo natagalan tayo ng konte kasi marami tayong inayos.

Nung matapos na, agad na tayong bumaba para maka-alis na. May duty pa kasi ako sa hapon nun.

Habang naglalakad tayo, may nasabi ka sakin na hanggang ngayon hindi ko kayang kalimutan.

"Wag kang mag-alala. Basta tayo forever at pupuntahan natin ang lahat ng gusto nating puntahan."

Pumila tayo sa pilahan ng taxi.

Doon, halos ikaw lahat ngbitbit ng mga plastic pati na ang gamit ko. Npka-sweet mo talga noh?

Naramdaman kong bumababa yung pantalon ko at nung nakita mo, tinulungan mo akong itaas yun. Sa puntong yun, lalo akong na-inlove sayo. Minsan kalang makakakita ng lalaking hindi nahihiyang gawin yun. Para na nga tayong mag-asawa kung tingan eh. 

Nung may taxi na, agad tayong sumakay at habang nasa biyahe, hawak-hawak mo lang ang kamay ko. Lagi mo din akong tinanong kung namiss kita kasi ang sabi mo, hindi halata sakin.

Ano kaba! Natural namiss kita. Miss na miss na miss nga eh. Hindi lang kasi ako showy minsan.

A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)Where stories live. Discover now