Happy Valentine's Day <3

243 2 0
                                    

February 14, 2012

It's Valentines day. At saktong sakto kasi day-off ko. Siguro nga to have a date was meant for us that day. Kasi sa dinami-daming date para sa off ko, sumaktong 14 pa. Pero naalala ko na baka hindi rin pala kita makasama dahil sa alis mong papuntang Boracay.

Sumaya ako nung sinabi mo saking di kna tumuloy sa Boracay para sakin. Isa pa, defense nadin ng thesis nyo kaya siguro napilitan kang wag umalis.

Nagkita ulit tayo sa SM North. Our second home. Haha. Excited akong makasama ka. Though alam ko hindi pa talga clear ung status natin, excited padin ako. 

Yes! Atleast sa wakas ma-eexperience ko nang makipag-date on a Valentine's day. At ang gwapo pa ng ka-date ko. Yiiehaa!! 

It was past 1pm nung dumating ka. Nauna ako sayo kasi tinapos mo pa ang Thesis defense nyo. You were wearing a blue long-sleeve at bumagay talga sayo. Lalo tuloy akong na-inlove sayo. <3

We both decided to watch movie. Nag-argue pa tayo kung ano ang papanuorin natin. Pero im the girl so i won the arguement. Pinili ko yung "The Journey" kasi mukhang fun to watch. Habang naglalakad tayo, napansin mong tahimik ako. You asked me what's wrong at sinabi ko wala. Wala naman talga eh. I was just feeling the moment. Nagulat ako nung sinabi mo bigla na baka kaya ako tahimik kasi i was not able to receive a gift from you, knowing its a Valentine's day.

Duh! Hindi naman ako ganun. Masaya na ako dun sa binigay mo. it was full of effort. Something na kaya kong itago kahit gano pa katagal. Nagpatuloy tayo sa paglalakad nang bigla kong naalalang tanungin ka kung bakit di ka natuloy sa lakad mo.

"Nga pala, bat hindi ka tumuloy sa Boracay? Diba matagal mo nang gustong pumunta dun?". 

Ngumiti ka at dali-daling nagsalita. "May defense kasi kami sa thesis. Pero pwede naman talgang next week nalang. Sayang nga eh."

"Oh, eh yun naman pala eh. Dapat tumuloy ka nalang." 

"Ano kaba! Kaya talga ako hindi tumuloy kasi ayokong mag-isa ka sa araw na to. Dapat kasama talaga kita ngayon. Hindi pwedeng hindi." May pagkasuplado ka nung sinabi mo to. Pero believe me, natunaw ako. Di ko alam kung pumick-up lines kalang basta natuwa ako. Period.

Pinagpalit mo yung dream mong makapag-Boracay para sakin. And that only shows na interesado ka nga sakin. OMG! What's going on? Hahaha.

Pumasok na tayo sa sinehan and sobrang excited nako sa papanuorin natin. Naupo tayo sa bandang gitna kung saan maganda ang view. 

Sa kalagitnaan ng movie, napansin kong tahimik ka. At di ko rin naramdamang gumagalaw ka. I was worried so tiningnan kita.

Aba eh! Ang galing mo din no? Natutulog ka na pala. Nakakatawa pero nakakaawa kadin kasi alam ko na pagod ka pero nakipagkita kpa din sakin.

Napasandal yung kamay ko sa parang arm chair ng upuan nang maisandal mo din yung kamay mo. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya dali-dali kong inalis yun. I was shocked when you grabbed my hand and held it so tight. Nanikip yung dibdib ko di dahil inatake ako but beacuse di ko ineexpect yung moment na yun. Mixed emotions talga. Kilig, kaba, saya at hiya. 

Nagkatinginan din tayo at ngumiti sa isa't isa.

"Ngayon lang to ha? Valentines Day din naman." I joked.

Hanggang sa matapos ang movie, hawak mo padin ang kamay ko. Ayaw mo ba talagang bitawan un nun? Nalambotan kaba sa kamay ko kaya napasarap ang hawak? Sa bagay, hindi rin naman talaga kasi ako naglalaba or naghuhugas ng pinggan. hahahaha

Nag-CR muna ako bago pa tayo makalabas ng sinehan and when you saw me na papalabas na, hinawakan mo ulet yung kamay ko. Hindi ko alam kung sinamantala mo lang yung sinabi ko or talgang gusto mo lang hawakan yung kamay ko.

Iba yung naramadaman ko. Nakakamiss din pala pag may humahawak sa kamay mo. I felt like you don't  wanna lose me. That you don't wanna let me go. I wished na sana hindi na matapos yung araw na yun. Kasi that was the first Valentine's day na sobrang feel na feel ko. At dun ko naramdaman yung essence ng araw na yun.

Hindi rin tayo nagtagal kasi kinailangan mong umuwi for the despidida of your dad. Niyaya mo akong sumama pero i refused kasi i need to be home nadin. Medyo late na at morning shift din ako kinabukasan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para di ka malate sa dinner nyo pero sinamahan mo padin ako.

Naalala ko na kaialangan ko pala magpa-copy ng picture as requirement sa work. At kahit na mukhang mala-late kna, you still insisted na samahan ako. 

Nakakapgtaka lang kasi everytime na magkasama tayo at kahit saan tayo magpunta, laging may word na "MARRY yung mga songs na naririnig natin. Nakakatuwang mag-imagine in advance to be married with you pero hindi maiaalis na bka masyado lang akong over.

Text na ng text ang mommy mo at hinahanap ka. Kaya i decided na magmadali. Hinatid mo ko sa may sakayan at nung nauna akong maglakad sayo, you ran after me and hugged me from behind.

Ramdam kong dahan-dahang dumaloy ang dugo ko sa mukha ko. Namula ako ng hindi mo napansin. Parang gusto kong itigil yung oras sa mga panahon yun. Ang sarap ng may yumayakap sayo. Hindi nadin ako nakapagsalita kasi baka sabihin mo ang arte ko.

Nung malapit nko sa sakayan, bigla mo nalang akong hinalikan sa pisngi sabay bulong ng "I LOVE YOU". Nagulat ulit ako. Pero tumalikod ako para di mo makita yung pag ngiti ko. Tinamaan ulet yung puso ko. Grabe. Nag-I LOVE YOU ka kahit hindi mo pa sinasabi ng diretchahan na gusto mo ako. Pero i understood na. Haha. 

Bago pa ako makalayo sayo ay tinawag mo ko. Lumingon ako at pinaalis kana. Siguro iniisip mo nun na ayaw ko sayo pero hindi. Gusto ko lang na umalis kana para makahabol ka sa dinner nyo ng family mo. Valid reason naman siguro yun diba?

A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)Where stories live. Discover now