Paper roses..oh paper roses

257 1 0
                                    

Nasundan pa yung unang date natin. At date talga ha. Haha. Steady communication nadin kasi every minute tayo magkatext. At pag nka-combo20 ka, tawag kadin ng tawag. I remembered when you said na baka hindi kita makasama sa Valentines day kasi aalis ka papuntang Boracay. Nalungkot naman ako bigla. Minsan lang nga sa isang taon mgka-Valentines date pero mukhang di ko pa ma-eexperience yun. Haayy.

February 13, 2012

I was on a midshift. At dahil alam mong 7pm ang out ko, sinabi mong susunduin mo ako. Excited naman ako kasi first mong gagawin yun. Na-chismis ko nadin sa mga friends ko ang gagawin mo. Haha. 

Lagi ko nalang tinitingnan ang oras. Sana out ko na. Sana makasama na kita. Hayy. Ang sarap kasing ma-inlove diba? Katext din kita that time at sabi mo, ma-lalate ka kasi may ginagawa kang importante.

I asked you kung ano yun pero ayaw mong sabihin. You kept on saying na malalaman ko nalang mamaya. Sinabi mo din na natatawa ka sa sarili mo kasi first time mong gagawin yun. Na habang ginagawa mo yun, naiisip moko. What were you trying to say then? Eehhh, wag mong sabihin na surprise yun. 

Its 7pm na. Hala, nagmadali talga akong mag-out. Oras lang naman kasi inaabangan ko eh. This is it. Makikita na kita at makakasama. Another moment na naman with my crush. Nagpabango ako ng bongga para amoy fresh din kahit papano. Hahaha. Abay makakatabi mo pa naman ako sa jeep. Sayang kung hindi ako handa diba? 

Umuulan! Oh no! Panira talga ang panahon. 

Medyo may kalakasan ang ulan kaya nabasa ako dahil maliit lang ang nadala kong payong. Ang lakas pa ng hangin. Pero pagkalabas ko, nakita agad kita sa Mini Stop. Nakatayo ka at may dalang payong. Wow! Naka-orange si crush. Nagmadali akong maglakad na hindi inaalintana ang lakas ng hangin.

"Kanina kapa ba dyan?". Tinanong kita. At sabay nun ay naglakad na tayo papuntang sakayan ng jeep.

Habang naglalakad ay napansin kong panay ang ngiti mo sakin. Napapaisip tuloy ako kung ano ang nangyayari sayo.

Agad kong naalala yung sinabi mong may ginawa kang importante. Kahit nahihiya pa ako nung una pero nilakasan ko ang loob ko at nagtanong. May napansin din kasi akong paper bag na bit-bit mo at parang pilit mo pang tinatago.

"Ano nga pala ang ginawa mo? At ano naman yang hawak mo? Patingin."

Bago ko pa maabot ang hawak mo ay inilayo mo na ito sakin.

"Mamaya mo na tingnan. Ibibigay ko din naman sayo to eh. Ito yung sinasabi kong ginawa ko kanina. Kala ko nga di ko matatapos eh. Kaya nagmadali talga ako. Ang hirap pa kasi."

Bigla akong namula nun sa sinabi mo. hindi nga lang halata kasi umuulan at madilim na. I was really trying hard na wag kiligin pero di kinaya ng powers ko. Lalo pa't panay ang titig mo sakin. Makapal na kung makapal ako pero paulit-ulit mong sinabi na maganda ako. Hahaha.

"Ang ganda mo Reea". Yan ang mga salitang ilang beses mong binitiwan habang nag-aabang tayo ng jeep.

A LETTER FOR YAM (Learning the art of letting go)Where stories live. Discover now