Nag-iisip ako nang malalim habang naglalakad sa isang walang hanggang kalsada sa ilalim ng maliwanag na buwan.
Mukhang mapapagod na naman ako bukas dahil may mga kelangan akong tatapusing reports para sa aming school projects. Nakakapagod maging studyante. Dami mong iniisip. Kailangan mong ibalanse ang oras mo lalo na't nagtatrabaho ka habang nag-aaral. Siguro kong pinanganak lang akong may kaya hindi ko na kelangang magtrabaho para masuportahan ang aking pag-aaral. Ngunit, isinuka akong mahirap kaya kelangan kong magtiis sa pagtatrabaho habang nag-aaral.
Napahinto ako bigla ng may maramdaman akong kakaibang aura na nagmumula sa paligid. Napalingon ako't inabot nang tanaw ang maliwanag na buwan sa madilim na kalangitan.
"Ang ganda naman ng buwan." Nakangiting puri ko habang nakatitigsa liwanag na nagmumula dito.
Itinaas ko ang aking kamay at inabot ang maliwanag na buwan mula sa kinatatayuan ko.
Ilang sandali pa ang lumipas nang natuunan ko ng pansin ang isang bituin sa may kanan na may distansyang di kalayuan mula sa buwan.
Maliit ito ngunit napakakinang niya na parang bang may gusto itong ipahiwatig sa akin.
"Anong---?" Ani ko ng makita kung umiiba ang kulay nang kinang ng bituin nang titigan ko ito.
"If only I could be there." Ani ko habang nakatitig dito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin na siyang nagpapaalala sa akin na lumalalim na ang gabi.
Bahagya akong nag-isip at napadilat ako bigla ng may marinig akong mga yapak papuntang dereksyon ko mula sa aking likuran. Napalingon ako at nagulat sa aking nakita.
"Na-sa-an a-ko?" Gulat na tanong ko sa aking sarili.
Tok. Tok. Tok.
"Dominus (hari), hinihintay na po kayo sa baba." Ani ng boses mula sa pintuan nang kwarto.
Sinong Dominus? At nasaan ako? Kani-kanina lang ay naglalakad ako sa isang kalsada pauwing bahay nang bigla akong napunta dito sa isang iglap lang.
Pinasyal ko aking mga mata sa paligid na may halong pangamba't pagtataka.
Nasa loob ako ng isang napakalaking gusali. Kalahating nakahiga sa magarang kama na may kumikinang na dekorasyon. Lahat ng bagay na naaabot ko ng tanaw ay kumikinang. Napakagara ng loob na sa tingin koy mas malaki pa ito kaysa sa aming buong bahay.
Kaagad kung tinungo ang hangganan ng kama at binaba ang aking paa.
"Luh.. Wait---" Ani ko nang magulat ako sa aking nakita.
"Lumaki yata yung paa ko." Sabi ko at kaagad na inabot ang aking paa.
"Anong-" Dagdag ko nang mapansin ko rin ang bagong anyo ng aking mga kamay.
Huh? Nag-iba rin yung boses ko. Ano itong nangyayari?
Pinasyal ko ang aking nga mata sa aking buong katawan. Nakakapaghinayang ang iba kung anyo.
Hinimas ko ang aking dibdib at nagulat na lamang ako nang hindi ko maramdaman ang dalawa kung bundok. Binaba ko ang aking mga kamay. Pisil dito. Pisil doon.
Mabilis kung tinungo ang salamin sa may di kalayuan. Lumaki ang aking mga mata sa aking nakita sa mula salamin.
"No way!" Ani ko sa salamin.
Isang repleksyon na matipunong katawan ng istrangherong lalaki ang ipinakita sa akin ng salamin.
Dali-dali kung hinubad ang suot kung damit at binunyag ang totoo kung kaanyuan.
"Sandali. Sino ka?!" Tanong ko sa anyong nakita ko sa salamin.
Binaba ko ang aking mga mata ng maramdaman kung may mabigat akong dinadala sa baba ng aking masilang parte.
"Hindiiiiiiiiiiii!!!!!!!" Sigaw ko nang mahawakan ko ang bagay na iyon.
***
BINABASA MO ANG
Away From Home
AdventureLouisa is a teenage girl who dreamed to change her life the way she wanted it to be. But what if her wishes do come true. Would she be able to resist the consequences on her journey in the world she's never been into - where there are full of magic...