Naglalakad ako pabalik ng aking silid nang makarinig ako ng boses sa aking likuran.
"Dominus Gama!"
Napalingon ako sa kanya at nakita ang isang babaeng nasa kantandaan na ngunit maayos parin itong umasta. May korona ito sa kanyang ulo at may kasamang tatlong babaeng alipin sa kanyang likuran.
"Nais kitang makausap." Ani niya at sinabihan ang kanyang mga alipin na iwanan kami.
Lumapit ako sa kanya. At nakita ang larawan na nakasabit sa isang pader kung saan napansin ko ang matandang kaharap ko ngayon sa gitna kasama ang haring Gama at si Anax.
"Bakit ina?" Tugon ko sa kanya nang lubusan akong makalapit.
"Nalulungkot ako para sa iyong kapatid na si Anax." Nag-aalalang tugon niya.
"Ano ba ang iyong pinapangamba, ina?" -ako
"Nasa saktong edad na sya subalit wala parin syang balak na lumagay sa tahimik." Patuloy niya.
"Marahil ay nais niya munang sulitin ang kanyang pagiging binata. Matanda na si Anax, Ina. Pabayaan nalang natin syang magdesisyon para sa kanyang sarili." Ani ko.
"May punto ang iyong sinabi. Sa susunod na buwan, magkakaroon nang isang paghahanda sa pagsalubong sa ating bisita mula sa kanluran. Nais kung makilala ang nag-iisang prinsesa sa kaharian ng Italya. Baka sakaling mapusuan ito ni Anax. Ayon ka ba sa aking naisip?"
"Nakabubuti iyan, Ina." Tugon ko sa kanya.
"Mabuti. Salamat sa iyong oras. Maiwan na kita at ako'y may gagawin pa." Ani ni ina at hinalikan ako sa pisngi saka humakbang paalis.
Humakbang ako pabalik sa aking torre nang natuunan ko nang pansin ang silid ng mga taong abala sa pagpipinta ng mga larawan.
Mabilis kung tinungo ang silid. Binuksan ang pinto na syang kinagulat nang lahat. Naalala ko ang ginawa ni Anax nung pumasok kami sa loob nang silid ng mga nag-eensayong lalaki. Ginaya ko lamang ang kanyang ginawa. Itinaas ko ang aking kamay upang ipahiwatig na okay lang ang lahat saka sila nagpatuloy sa kanilang pagpipinta.
Hindi ko inakalang may silid pala sa loob ng palasyo para sa mga pintor na kagaya ko. Nakakamanghang isipin.
"Nais mo bang magpinta, Dominus Gama?" Tanong ng lalaking nasa kanyang 40's at may dalang brush.
"Maaari ko bang masubukan?" -ako
"Bakit hindi." Tugon niya at sinamahan ako papunta sa isang bakanteng espasyo.
"Salamat."
"Walang anuman, Duminus Gama." Ani niya at bumalik sa kanyang pwesto.
Hinawakan ko ang brush at gumawa ako ng magkahalong kulay saka nagsimulang puminta.
Anax's POV
Tunog ng mga bakal na para bang may naglalaban.."Regulus." Banggit ng boses sa lalaking isa sa mga kinakalaban ko ngayon sabay pahiwatig sa kanyang mata.
Sinundan ko ang kanyang mga titig at nakita ang aking ina na nakatayo sa aking harapan. Kaagad akong lumapit sa kanya.
Inabot niya sa akin ang isang liham.
"Buksan mo na lamang ang liham na iyan." Tugon niya at sinunod ko naman ang kanyang pinag-utos.
Nakita ko ang larawan nang isang binibini.
"Ang prinsesa sa kaharian ng Italya. Titigan mong mabuti ang kanyang mga mata. Hindi ba't mararamdaman mo na isa siyang mabuting binibini---"
BINABASA MO ANG
Away From Home
AdventureLouisa is a teenage girl who dreamed to change her life the way she wanted it to be. But what if her wishes do come true. Would she be able to resist the consequences on her journey in the world she's never been into - where there are full of magic...