Eleven

4 0 0
                                    

Dalawang araw nalang at babalik na ako sa dati kung anyo na pagiging Duminus Gama. Sana nga lang ay matapos ko na ang misyon kung makuha ang loob ng mahiwagang paru-paro upang magatimpalaan nang isang kahilingan na maibalik ako sa aking mundo. Ito lamang ang natatanging paraan upang magbago ang aking buhay. Hindi ako pwedeng magtagal sa mundong kasalukuyang sapagkat hindi ito ang mundong aking kinagisnan.

“Ayos ka lamang ba?” Ani ng boses na nagmumula sa aking harapan na syang dahilan upang mabigyan ko ng tingin ang taong pinangalingan ng boses at nakita ko si Anax.

Tumango lamang ako sa kanya bilang tugon ko na nasa maayos lang ang aking pakiramdam.
Lumapit sa akin si Anax sabay hawak sa kaliwang palad ko habang nakaipit sa kanyang braso sa kabilang tagiliran  ang pininta kung handog para sa reyna saka ako tinitigan ng malalim.

“Alam ko na kinakabahan ka, wag kang mag-alala andito lamang ako. Magtiwala ka lamang sa akin.” Paalala ni Anax sakin na para bang pinapalakas nya ang aking loob dahilan upang maibsan ang aking pangamba’t pag-aalala.
Huminga ako ng malalim bago ako tumango ulit bilang tugon ko na ‘Okay, aasahan ko ang mga sinabi nya sa akin’. Saka kami nagpatuloy sa paglalakad papasok ng bulwagan kung saan nagtitipon ang mga bisita para sa pagdiriwang.

Tinungo namin ang hallway at laking gulat namin nang biglang harangan ang aming daanan ng dalawang babaeng kawal ng palasyo sa mga hawak nilang sandata.

“Ipagmaumanhin nyo po ang aming inakasyon, ngunit mahigpit na pinagbabawal ang pagpapapasok ng mga ginoo sa palasyo.” Ani ng isang babaeng kawal habang nakatitig sa kasama kung si Anax sabay harang niya ang kanyang sandata sa amin.

Tumingin si Anax sa akin saka nagpahiwatig na pumasok na lamang ako sa loob saka inabot sakin ang aking painting. Tumango naman ako sabay tanggap ng painting na inabot sakin at kaagad na nagtungo papasok ng bulwagan kung saan dinaraos ang pagdiriwang.

Huminga ako ng malalim ng marating ko ang saradong pintuan ng bulwagan saka ko ito tinulak upang bumukas at nagkaroon ng lagusan papasok. Kaagad naman akong pumasok sa loob at nakita ang pagkarami-raming binibini suot ang kani-kanilang magagarang damit at palamuti sa katawan. Abala ang lahat sa kanya-kanyang pag-uusap habang hinihintay nila ang paglabas ng reyna. Ilang sandali pa ang lumipas bago nagpakita ang reyna sa anyo ng paru-paro at mabilis na nag-ibang anyo – sa anyong-tao ng makarating ito sa kanyang trono. Hindi masidlan ng kaligayahan ang nadama ng bawat isang nasa loob ng bulwagan ng masilayan nila ang reyna sa anyong tao sa unang pagkakataon.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang bumukas ang pintuan at pumasok ang pagkalakas-lakas na hangin kasabay ng kidlat dahilan upang magsitangayan ang bawat bagay sa loob at nagdilim ang paligid. Napaluhod ang lahat na para bang may kakaibang awrang nadama sa buong paligid.

Kahit madilim ang pinagmulang ng malakas na hangin, pinipilit kung masilayan ang isang nilalang na syang dahilan upang masira ang pagdiriwang sa kaarawan ng mahiwagang paru-paro. Ilang sandali ang lumipas at lumitaw sa aming harapan ang isang diwatang itim kasabay ng kidlat. Na tila ba’y galit na galit sya sa bawat taong naririto sa loob ng bulwagan.

“Maligayang Kaarawan, mahal kong kapatid!” bati ng itim na diwata sabay halakhak ng pagkalakas-lakas.

“Griselda!” Ani nang reyna – ang mahiwagang paru-paro.

“Tila’y hindi ka natutuwa sa aking presensya, mahal kong kapatid. Wari’y hindi mo inaasahan ang aking pagbisita. Ganyan ba ang isasalubong mo sa kapatid mong labis na nangungulila sa iyong matagal na panahong pagkawalay?” Ani ng itim na diwata na parang bang nang-aasar sa reyna.

“Ano ang dahilan kung bakit ka naparito?” Ani ng diwata na tila ba’y hindi nasisiyahan sa paglitaw ng kanyang kapatid.
Napangisi ang diwata na tila ba’y may pinapahiwatig ito.

Away From HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon