Anax's POV
Nagising ako sa liwanag ng nagmumula sa sikat nang araw. Kaagad akong bumangon at humikab.
Nagugutom na ako. Marahil ay pupunta na lamang ako sa ilog upang kumuha nang makakain.
Tumayo ako't humakbang papuntang ilog. Ilang sandali pa ay nakarating na ako roon. Yumuko ako't kumuha ng tubig gamit ang aking dalawang kamay at lumagok. Dalawang beses ko itong inulit saka naghilamos nang mukha. Napansin ko ang mga isdang kasinglaki nang aking palad. Tumayo ako't hinubad ang aking pang-itaas na damit at iniwan sa damuhan saka yumapak sa tubig na hanggang tuhod.
Kinuha ko ang aking pana at tinutok ito sa isang isda na may isang metro ang layo mula sa akin saka ko binitawan at natamaan ito sa may ulo. Kinuha ko ito at nilagay sa isang dahon sa may damuhan.
Umulit pa ako ng ilang beses at nakakuha ang apat na isda. Natuunan ko nang pansin ang isang isda malaki na syang sinundan ko hanggang sa makarating ako sa mismong pinagmulan ng tubig- ang talon.
Binitawan ko ang aking pana na nakatutok sa isda at natamaan ito sa may ulo. Lumapit ako at kinuha ito nang mapansin ko ang isang bagay na biglang umahon sa tubig.
Nakita ko si Louisa na masayang naliligo sa may malapit sa labasan nang talon. Umaawit ito habang inaayos ang kanyang basang buhok. Binaba ko ang aking mga mata sa kanyang hubad na katawan. Bahagya akong natunganga sa aking nakita habang nakatitig sa kanyang walang saplot na katawan. Saka tumunog ang aking sikmura sa gutom. Kinuha ko ang isdang natamaan ko kanina lang at lumayo sa lugar na yon kasama ang mga nahuli kung makakain.
Lluisa's POV
Tinungo ko ang lugar kung saan ko iniwan si Anax nang natutulog. Ilang minuto pa'y nakarating ako doon at naabutan ko syang may iniihaw na isda.
"Sarap niyan. Saan mo pala nakuha yan?" Nakangiting tanong ko sa kanya para bigyan ako ng isa.
"Sa damohan." Sarkastikong sagot niya.
"Luh. Pilosopo." Ani ko saka niya ako inabutan nang isang luto at kaagad ko naman itong kinuha.
"Salamat. Gutom na talaga ako." Sabi ko at sumubo at ganun din si Anax.
Ilang minuto ang lumipas nang matapos kaming kumain nang agahan.
"May malapit na bayan dito. Doon na muna tayo magpapalipas nang gabi." Basag ni Anax sa katahimikan habang naglalakad kami papunta sa sinasabing bayan.
Nang makarating kami roon ay umupa kami nang matutuluyan. Magkasama kami sa isang silid. Magkatabi sa isang kama ngunit nakatalikod sa isa't-isa.
Hindi ako makakatulog neto.
Naramdaman ko nalang ang paggalaw sa kama at narinig ang mga hakbang.
"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sumama ka nalang kung gusto mo." Sagot niya at nagsuot nang kapang mga tabun sa ulo.
Dali-dali akong bumangon at nagsuot din nang kapa saka sumabay sa kanya palabas ng silid.
Nagtungo kami sa isang inuman. Labas masok ang samu't-saring mga taong lasing at di-lasing. Marami ding mga babaeng nakasuot nang kay ikli-ikli na nagtatawanan pa sa isat-isa sa tabi nang kani-kanilang customer.
"Ginoo, nais mo ba matikman ang inuming ito?" Salubong sa amin nang babaeng nakabestida na halos mahubad na kung aapakan mo.
Ay sheeet. Kung alam ko lang din na dito ang bagsak namin. Di sanay hindi nalang ako sumama sa gagong to.
BINABASA MO ANG
Away From Home
AdventureLouisa is a teenage girl who dreamed to change her life the way she wanted it to be. But what if her wishes do come true. Would she be able to resist the consequences on her journey in the world she's never been into - where there are full of magic...