Inabot sa akin ni Anax ang kanyang kanang kamay upang tulungan ako sa pagsakay sa likuran ni Ruby - yung dragon na nakita namin sa kapatagan ng Acedon. Kaagad kong inabot ang kanyang kamay at pinasakay ang aking sarili sa likuran ng dragon kung saan nakaupo ng maayos si Anax.
"Kumapit ka." Pabulong na sabi ni Anax na nakaupo sa may likuran ko.
At kaagad na lumipad nang kay tulin si Ruby sa mga ulap.
"Omgggggg, I cant believe it! I'm flying!" Sigaw ko sa himpapawid kung saan kami pinadpad ni Ruby.
"Anong ibig sabihin ng iyong sinabi?" Pasigaw na sabi ni Anax upang makarinigan kami sa isa't isa.
"Wala po, ang sabi ko yung nangka hinog na!" Tugon ko sa kanya.
Ilang minuto din namin pinasyal ang mga ulap at ang mga magagandang tanawin na makikita sa ibaba. Nakadaan kami sa mga kabundukan, patag, lambak at ilog.
"Ayon!" Turo ko sa isang isla ng makita ko ito sa likod ng mga naglalakihang ulap.
"Kumapit ka ng mahigpit!" Tugon ni Anax sabay hawak sa batok ng dragong si Ruby.
Mabilis naman nagtungo si Ruby sa tinuro kung isla kanina. At kaagad na lumipad paibaba.
"Omggggggggg!" Sigaw ko nalang habang kumakapit nang mahigpit sa batok ni Ruby ng mapansin kong maglaland ang dragon sa isang bakanteng lupa sa gitna ng kagubatan.
Nakapikit na lamang ako dahil ayaw kong masaksihan ang aking kamatayan.
Pleasseeeeeeee.
"Ayos ka lang ba, binibini?" Ani ng boses saka ko dahan-dahang ibinuka ang aking mga mata at nakita si Anax sa ibaba nang nakabungad ang ulo sa akin habang inaabot ang kanyang kanang kamay para tulungang akong makababa.
Safe pala kaming nakababa sa lupa.
Inabot ko ang aking kamay sa kamay ni Anax at tinulungan ang aking sariling makababa mula sa likuran ni Ruby.
"Ruby salamat ha." Ani ko kay Ruby sabay dikit ng noo ko sa noo ng dragon saka nilambing siya habang nakapikit ang aming mga mata.
Bumuga ng mainit na hangin ang dragon saka ko dinilat ang mga mata ko at nakita ang naka-kamaong kaliwang kamay ni Anax na may hawak na matulis na palaso.
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na dumaan sa gilid ng aking ulo ang isa pang palaso. Kaagad na nareload ng palaso si Anax sa kanyang Pana at tinutok sa pinangalingan ng palasong lumilipad sa mga ulo ko kanina.
Nagwala ang dragon na si Ruby ng makapasok ito sa loob ng isang net na bakal at kaagad na nanghina ng may tumamang palaso sa kanyang batok.
Napansin ko na lang na binaba ni Anax ang kanyang sandata dahilan upang mapalibutan kami ng mga babaeng nakasuot ng parang armour sa katawan.
"Sila ba ay... Isang mandirigma?" Naguguluhang tanong ko kay Anax nang mapansin kong puro babae ang mga nakapaligid samin sabay turo ng kani-kanilang sandata sa amin ni Anax.
"Oo. Mga mandirigma ng kaharian ng mga ulap." Tugon ni Anax na para bang may galit sa kanyang mga mata.
"Regulus (prince)." Ani ng babaeng may mahabang maitim na buhok ngunit naka-ponytail ito sa likod.
Mapula ang kanyang mga labi at kasing kutis ng porcelana ang kanyang balat. Nakasuot ng kulay kayumangging panangga sa kanyang katawan. Nakaboots ito katulad ng suot nang kababaihan nakapaligid sa amin at nakataas ang kanyang sandatang espada malapit sa leeg ni Anax.
"Hilda." Banggit ni Anax sa kanyang pangalan.
"Nawawala ka naman ba, Regulus (prince) Anax?" Mataray na ani ng babae.
BINABASA MO ANG
Away From Home
AdventureLouisa is a teenage girl who dreamed to change her life the way she wanted it to be. But what if her wishes do come true. Would she be able to resist the consequences on her journey in the world she's never been into - where there are full of magic...