Six

6 1 0
                                    

LOUISA'S POV

"Dominus Gama, handa na ang iyong paglalakbay." Ani ng boses mula sa labas ng pintuan kasunod ng katok.

Isinilid ko ang lalagyan ng tubig sa aking bag saka sinara ito ng maayos.

"Magtatagal ka ba, mahal kong Gama?" Tanong ng reyna na may halong pangamba't pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Babalik din ako aking reyna kapag nahanap ko na ang mga kasagutan sa aking mga katanungan. Sana'y maintindihan mo ako sa aking ni nanais." Tugon ko sa kanya saka ko siya nilapitan at hinalikan sa kanyang noo.

"Ingatan mo ang iyong sarili para sa akin, sa ating munting Hannah at para narin sa buong kaharian." Bilin ng reyna at niyakap ako ng kay higpit.

"Masusunod ang iyong nais." Tugon ko sa kanya saka ako humakbang at lumabas ng pintuan.

Dali-dali akong bumaba ng hagdanan at tinungo ang bulwagan palabas ng palasyo. Kung saan nakita kong naghihintay si Anax kasama ang aking Ina habang hawak-hawak nito ang munting si Hannah.

"Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay." Bilin ni Ina sa akin.

"Babalik din ako kaagad, Ina." Tugon ko sa kanya at hinalikan sya sa kamay saka ako yumuko at nilapit ang aking mga labi sa noo ng munting si Hannah.

"Magpapakabait ka Hannah. Bantayan mo ang reyna at ang lola mo." Bilin ko sa kanya.

"Opo." Tugon ng munting boses.

Binigyan ko sya ng ngiti at tumayo't hinarap si Anax.

"Ikaw na muna ang bahala sa kaharian." Bilin ko sa kanya.

"Sino ba ang may sabi sayo na mag-isa kang tutungo sa iyong paglalakbay, Dominus Gama?" Ani ni Anax ng nakangisi.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Magmadali ka at kailangan nating bilisan ang paglalakbay." Ani ni Anax at mabilis na pumaibabaw sa kanyang kabayong itim.

"Isama mo si Anax, Dominus Gama. Para narin sa iyong kaligtasan." Tugon ni Ina.

"Hindi maari!" Pasigaw na ani ko na syang ikinagulat ng lahat.

"At bakit naman hindi?" -Anax

Paano ako makakalayo kung may kasama akong mula sa palasyo. At si Anax pa talaga? Ang mismong kapatid ng hari ang makakasama ko sa paglalakbay? Hindi pwede.

Umayos ako sa pagtindig at nabuntong hininga saka ako nagsalita.

"Kaya ko naman ang aking sarili. Saka walang maiiwan na maaasahan ko sa pagbabantay sa kaharian." Palusot ko.

"Kakagising mo lamang mula sa apat na araw mong pagkakatulog, Dominus Gama. At isa pa, naiwan naman sa palasyo si Ina at ang reyna. Hindi pa ba sapat yun upang maaasahan mo sa pagbabantay ng palasyo? Kaysa sa pabayaan nalang naming mag-isang maglakbay ang aming hari na syang dapat protektahan upang hindi manghina ang kaharian?" Paliwanag ni Anax.

"Tama si Anax, Dominus Gama. Kailangan mo ng kasama sa paglalakbay. Hindi mo kakayanin kong mag-isa ka lamang. Kami na ang bahala sa kaharian." Pag-sang-ayon ni Ina.

Wala akong nagawa kundi ang sundin na lamang ang nais ni Ina na isama ko sa paglalakbay si Anax. Wala din namang mangyayari kong patuloy ako sa pakikipag-argue sa mag-inang ito.

Lumapit ako sa aking puting kabayo.

Seriously? Di ako marunong mangabayo. Wala to sa mundong kinagisnan ko. But I have to pretend that I can do this. Kaya mo 'to Louisa.

Away From HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon