Kahit anong gawin ko ay hindi ko mawala ang aking mga mata sa pagkakatitig sa aking nag-ibang anyo mula sa salamin.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
"Dominus (hari) Gama, ayos ka lang ba?" Ani ng boses sabay katok sa may pintuan.
"Oo. Ayos lang ako!" Sagot ko sa kanya.
No. I'm not fine! Not really fine! And will not going to be fine! Like never!
"Dominus (hari) Gama! Nais kung malaman ang mga nangyayari sa loob." Tawag ng boses sabay tulak sa naka-lock na pintuan.
"Okay lang ako! Just leave me alone!" Sigaw ko sa kanila.
"Hindi ko maintidihan ang iyong sinasabi. Bubuksan ko na ang pintuan." Patuloy ng boses ng isang lalaki na para bang nagkakagulo sila sa labas ng pintuan.
"Regulus (prinsipe) Anax!" Ani ng boses ng isang babae habang pinipigilan ang sapilitang pagbukas ng isang nilalang sa naka-saradong pintuan.
Mabilis kung sinuot ang aking damit upang tabunan ang hubad kong pangangatawan saka biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaking may kaakit akit na pagmumukha. At sinara ulit ang pinto nang makapasok ito. Bahagyang nagkaroon nang katahimikan.
"Ayos ka lang ba, mahal na Dominus (hari) Gama?" Nag-aalalang tanong ng lalaking nakatayo sa aking harap habang naglalakad palapit sa akin.
"Narinig ko ang malakas mong sigaw mula sa bulwagan ng palasyo kaya mabilis kung tinungo ang iyong torre upang alamin kung nasa maayus kalang. Ano ang dahilan ng iyong pagsigaw?" Patuloy niya saka huminto sa mismong harapan ko at binigyan ako ng titig.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Saan ako magsisimula? At sa tingin koy hindi ako paniniwalaan ng lalaking ito kung sasabihin ko sa kanya ang totoong pangyayari.
"Namumutla ka. Maayos lang ba ang iyong pakiramdam?" Nag-aalalang tanong niya at wala isang minuto'y nakalapag na ang kanyang palad sa aking noo na siyang dahilan nang pagtaas nang aking dugo.
"Lumayo ka sa kin!" Tulak ko sa kanya.
"Anong nangyayari sa iyo, Dominus (hari) Gama?" Nag aalangang tanong niya at binigyan ako ng nakapanghihinayang na titig.
Bahagyang nagkaroon ulit ng katahimikan.
"Ihanda mo na ang iyong sarili sapagkat pinangako mo sa akin na pagbibigyan mo ako sa aking nais na labanan ka para sa paghahanda ko sa darating na una kong pag-aalay ng dugo." Bilin niya.
"Okay. You can leave now." Matipid na sagot ko.
"Hindi ko maintindihan ang iyong pananalita." Nagtatakang ani niya at binigyan ulit ako ng titig na para bang dapat kung sagutin siya ng sapilitan.
"Ahm. Oo maghahanda na ako. Hintayin mo na lamang ako sa labas." Paliwanag ko sa kanya.
"Hindi." Ani niya.
"Hindi?"
"Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama." Nakangising sabi niya.
"Hindi pwede!"
"Ano iyon?"
"Sabi ko hindi maaari!" Napasigaw na sabi ko.
"Haha. Pareho naman tayong lalaki. Kaya mananatili lang ako dito. Para namang hindi kapa nasanay na palagi ako dito sa loob ng iyong silid." Nakangising sabi nito saka tumalon sa kama't humiga ng nakalagay sa likod ng ulo ang mga kamay nito at pinikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Away From Home
AdventureLouisa is a teenage girl who dreamed to change her life the way she wanted it to be. But what if her wishes do come true. Would she be able to resist the consequences on her journey in the world she's never been into - where there are full of magic...