Three

13 2 0
                                    

Gama's POV

"Wake up, Louisa! Gisssssiiiiiiiiiiiiiiiiinnggggg!" Sigaw nang boses sabay tunog nang isang bakal na para bang tunog ng kampana sa simbahan.

Clang! Clang! Clang!

Dahilan nang mabilis kung pagbangon sa aking hinihigaan nang magulat ako sa binuong ingay.

Nagpakamot-kamot ako sa aking dibdib nang may maramdaman akong may tumubo na dalawang bundok. Kaagad kung dinilat ang aking mga mata upang bigyan nang tingin ang tumubong bundok sa aking dibdib.

"Ano itong-----" Banggit ko habang hinihimas ang dalawang bundok sa dibdib.

Saan ito nanggaling? At bakit ako tinubuan nang dalawang bundok sa aking dibdib?

Kaagad akong naparoon sa silid-paliguan nang maramdaman kung naiihi ako. Pagdating ko roon ay madali kung binuksan ang aking butones upang ilabas ang masilang parte ko't makaihi na nang maramdaman kong wala akong mahawakan.

Nagulat ako sa aking nakita ng makita ko sa salamin ang aking anyo na may mahabang buhok at magandang hubog nang pangangatawan.

"Sino ang binibining iniluwa ng salaming ito na siyang naging repleksyon ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Louisa!!!!!! Late ka na sa pasok mo!" Sigaw ng boses mula sa baba.

"Anong ibig sabihin ng salitang late? Anong klaseng pananalita iyon?" Naguguluhang tanong ko.

"Nasaan nga ba ako? Anong klaseng lugar itong naparoroonan ko?

Pinasyal ko ang aking mga mata sa paligid ng makita kong nasa loob ako ng isang gusali na napapalibutan ng matitigas na mabatong bagay.

"Isa uri ng semento ang bagay na ito ngunit bakit napakakintab ng sementong ito?"

Nasa loob ako ng isang kwarto!

Nagpalinga linga ako sa paligid at di ko namalayang umaatras ako't nasagip ng aking likod ang isang bagay na nakalibing sa pader at nag-ingay ng 'click' dahilan upang mabigyan ko ng tingin ang isang bagay na nasa itaas ng aking ulo at nakita ang isang bagay na nakakasilaw sa kinang.

"Napakakislap ng puting araw na iyon!"

Napansin kung may nakapaskil sa may pintuan. Binasa ko ito isa-isa.

"Happy bathing-----"

Saka binigyan nang atensyon ang larawan nang isang batang napakapangit nang pagkakaguhit sa ilalim nang umaagos na tubig mula sa isang tubong bakal.

Pumaroon ako't pinasyal ang aking mga mata sa loob nang silid-paliguan.

"T--tu-r-n o-f-ff.. T--turn o-on." Ani ko sa aking binasang nakamarka sa may bakal na parang hawakan nang pinto.

Inikot ko ito at kaagad na lumabas ang rumaragasang tubig sa isang tubo malapit sa aking ulo.

Ano ang bagay na ito? Bakit hindi ito nauubusan nang tubig?

Inikot ko ito ulit. Ngunit pabaliktad na sa sandaling iyon, na para bang binalik ko lamang ang dati nitong anyo noong hindi ko pa ito hinawakan. At bahagyang natigil ang paglabas nang tubig mula dito.

"Kamangha-manghang nilalang! Siguro ay maglalagay din ako ng ganitong bagay sa palasyo." Ani ko at nagpatuloy sa pagligo.

Ilang sandali ay natapos ako't kaagad na lumabas ng silid-paliguan at tinungo ang isang kahon ng damitan.

Away From HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon