Nilakbay ko ang aking mga mata sa buong paligid ng lambak habang nasa himapapawid kami ni Anax sakay ng kasama naming dragon na si Ruby. Habang nasa itaas kami ng mga ulap ay nakita ko ang pitong malalaking bato na nakatarik at nakapormang pabilog sa isang bakanteng espasyo.
Iba-iba ang mga hugis neto, may malalaki, mahahaba at mayroong ding matutulis sa may pinakadulo.
“Kumapit ka!” Ani ni Anax at dali-dali akong kumapit ng mahigpit sa batok ni Ruby.
Saka bumilis si Ruby sa paglipad pababa ng lambak. Ilang sandali ang lumipas ng lubusang makalapag si Ruby sa lupa at naunang bumaba si Anax saka ako sumunod sa pagbaba.“May naaalala ka ba sa lugar na ito? Ang Lambak ng Pitong bato ng Paghihirap.” Ani ni Anax habang nakatingin sa akin at patuloy na nagpasulyap sulyap sa paligid.
“Naaalala ko ang lugar na ito.” Tugon ko sa kanya habang pinipilit kong alalahanin ang mga pangyayari.
“Wala akong nakikitang lagusan papuntang tore na iyong sinabi.” Ani ni Anax habang naghahanap ng posibleng lagusan papunta sa palasyo.
“Andito lang yun. Nakita ko na ang lugar na ito.” Tugon ko sa kanya habang sumusulyap sa paligid.
Nakita ko ang mga sinag ng araw habang unti-unti itong sumisikat sa isang bundok saka isa-isang nagsisink-in sa aking isipan ang mga pangyayaring pinakita sa akin ng reyna.
“Ang araw,” Ani ko kay Anax at dali-dali kong nilapitan isa-isa ang mga bato.
Nilapitan ko ang unang batong pinakamalaki sa lahat, tinitignan ko ito ng mabuti sa pagbabakasakaling may makita akong clue, hanggang sa nakita ko ang mga markang nakasulat sa may pinakatuktok.
“Anax,” Tawag ko at dali-dali namang lumapit si Anax sa akin.
“Alam mo ba kung paano basahin ang mga katagang nakasulat?” Tanong ko sa kanya.
Tinitigan nya ng mabuti ang mga katagang nakasulat. At nagsimulang bumanggit ng mga salita:
“Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t ipinakatatago.”
Napatingin sa akin si Anax.“Anong ibig ipahiwatig ng mga kataga?” Ani ni Anax sakin na punong-puno ng pagtataka habang iniisip ko ang mensaheng batid ng mga kataga.
“Salapi?” Tugon ko sa kanya.
At biglang gumalaw ang bato saka umikot ito at humarap sa amin dahilan upang mapaatras kami ni Anax.“Louisa,” Ani ni Anax saka ko siya binigyan ng tingin.
Nakita ko siyang nakaharap sa isang batong nakatirik, na parang oblong ang pinakatuktok.“Hindi ito nakikita, naririnig o nadarama. Hindi rin ito mapapabilis, mapapabagal o mapapahinto. At lalong hindi rin ito maaaring bilhin o nakawin. Subalit maaari itong gamitin, aksayahin o ibigay sa iba.” Basa ni Anax sa mga katagang nakasulat sa batong ito habang papalapit ako sa kanya.
Bahagya akong napaisip…
Hindi ito nakikita, naririnig o nadarama. Subalit maaari itong gamitin, aksayahin o ibigay sa iba…
Tumingin ako kay Anax at binanggit ang salitang:
“Oras.”At katulad ng nangyari sa naunang batong binasahan naming ng mga kataga, umikot din ang batong ito saka humarap sa amin.
Napangisi si Anax saka binigyan ako ng titig habang nakatingin lamang ako sa kanya na gulong-gulo ang aking isip wari’y di ko mahulaan kung ano ang maaaring mangyayari.
Humakbang ako papunta sa batong di masyadong malaki ngunit magaspang ang tekstura. Nilakbay ko ang aking mga mata sa katawan nito na para bang may hinahanap akong clue na kagaya dun sa mga naunang bato na nakitaan naming ng mga katagang nakasulat.
BINABASA MO ANG
Away From Home
AdventureLouisa is a teenage girl who dreamed to change her life the way she wanted it to be. But what if her wishes do come true. Would she be able to resist the consequences on her journey in the world she's never been into - where there are full of magic...