Seven

8 1 0
                                    

"Eto na siguro yung tinutukoy nilang tuluyan nang matandang mangkukulam." Basag ko sa katahimikan.

Bumaba ako ng kabayo't tinungo ang pintuan ng bahay-tuluyan ng nasabing matanda. Sumunod naman sakin si Anax.

Itinaas ko ang aking kamay at bumuo ng tunog nang katok sa pintuan. Kumatok ako nang tatlong beses.

Bumukas ito at iniluwa ang isang babaeng may katandaan na. Nakasuot ito nang bestidang kulay dugo at naka-kapa sa likod.

"Anong maitutulong ko?" Tanong nang matanda sa kanyang mala-uwak na tono ng boses.

Itinaas ni Anax ang kanyang dalang espada at inabot sa matanda at mabilis niya itong inabot.

"Anax, bakit mo inabot sa kanya ang iyong sandata?" Naguguluhang tanong ko sa ginawa niya.

Handog yun ng kanyang ina sa kanyang ikadalawampung taong kaarawan. Bakit iyon pa ang kanyang ibinigay kapalit nang kailangan namin?

"Ang may kailangan lang ang pwedeng pumasok." Ani ng matanda.

"Pumasok kana, Duminus Gama. Maghihintay na lamang ako dito sa labas." Nakangiting sabi niya sa akin.

Pumasok ako kasama ng matanda. Saka nya isinara ang pituan.

"Nais ko sanang---"

"Ssshhh. Alam ko ang dahilan kung bakit ka naparito." Ani ng matanda at pinaharap ako sa salamin nang nakahawak sa magkabila kung balikat na siya namang kinagulat ko ng makita ko ang aking repleksyon na si Louisa - ang tunay kong anyo.

Humakbang ako papalapit sa salamin at umaksyong hawakan ang aking mukha sa salamin.

"Paano mo ako matutulungan." Paghingi ko ng tulong sa matanda.

"Sa isang palasyo sa silangan makikita mo ang mahiwagang paro-paro na syang makakatulong sa iyo. Kaya niyang ibigay ang iyong kahilingang maibalik ka sa iyong mundo at ang nawawalang hari sa kaharian ng Damian---

---Ngunit sa isang anyong babae lamang nagpapakita ang mahiwagang paru-paro. Isa lamang itong kwento-kwento ngunit kung nais mong magbalik sa iyong dating kaanyuan. Kailangan mong simulan ang iyong paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang paro-paro." Paliwanag ng matanda habang gumagawa ng gayuma na syang nagbibigay liwanag sa madilim na loob ng silid.

"Pano ko siya hahanapin kung ako'y nasa anyo ng isang lalaki. Kung ganu'y ibig mong sabihing hindi na ako makakabalik pang muli sa aking tunay na mundo?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Inumin mo ito para sa iyong mga katanungan." Ani ng matanda saka inabot sa akin ang isang maliit na botelya na may kulay asul na likidong nagliliwanag pa.

"Ano ang bagay na ito." Nagtatakang tanong ko sa kanya habang abala siyang gumagawa ng gayuma.

"Inumin mo na lamang iyan kung gusto mong masagot ang iyong katanungan." Ani niya na para bang naiireta sa presensya ko.

Binuksan ko ito at nilagok. Biglang nag-iba ang aking pakiramdam matapos kung inumin ang inuming iyon dahilan upang mabitawan ko ang botelya at nabasag ito.

Hindi ako lubusang makahinga na para bang umiinit ang aking katawan.

Anong nangyayari sa akin?
Bakit umiikot ang paligid?
Hindi ako makakita nang maayos. Bakit hindi ko maramdaman ang aking katawan?

Kaagad akong kumapit sa hangganan nang mesa at nawalan ng balanse na syang naging dahilan upang mahulog ang mga nakalagay sa ibabaw nang mesa at isa-isang nabasag ang mga bagay na pwedeng mabasag.

Away From HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon