Ten

4 0 0
                                    

Grabe. Ang sarap ng tubig. Nakakawala ng stress!

Nasa loob ako ng banyo. Naliligo. Ilang oras din ako nagbabad. Sa sarap ba naman ng tubig, di ko inakalang nakatulog ako.

Umahon ako ng maramdaman kong gumagalaw ang aking sikmura.

Gutom na naman mga bulati ko eh. Makakain na nga.

Kinuha ko ang isang tela at pinagtakpan ko yung hubad kong katawan saka inikot ang hawakan ng pinto at lumabas ng kwarto.

Laking gulat ko nalang nang makita kong naghubad si Anax sa ng damit pang itaas sa harapan ko.

"Papano ka napunta dito?" Gulat na tanong ko sa pagmumukha niya.

"Hinanap kita." Matipid niyang sagot saka humarap sakin.

Kita ko lang naman yung abs niya na di ko mabilang kong ilan na. Sa dinami-dami, hindi ko na makilala kong alin ang abs dun. Mahirap sya iexplain. Basta 2 dun sa may baba ng dibdin niya saka 4 dun sa may sikmura nya at 2 naman dun sa baba. Edi 8 lahat, tama? Galing ko sa math ah.. No sweat! Thank you! Thank you!

Paisa-isa siyang humakbang papalapit sakin. Ako naman, humahakbang paatras para di kami magtagpo. Hanggang sa makasandal ako pintuan ng banyo. Nanlaki yung mata ko ng dinikit niya sakin yung hubad niyang katawan na halos maramdaman ko nang magkadikit na yung tyan namin. Saka yung dibdib nya nakadikit na sa dibdib ko.

Ngumisi siya sa akin.

Dinikit niya yung labi niya sa kanang tenga ko at kung anong kuryente yung naramdaman ko.

"Magdamit ka na, maghahanap tayo ng ihahandog natin sa reyna. Dapat nakaayos ka na pagkatapos kong maligo." Pabulong na sabi niya saka binuksan ang pintuan ng banyo at pumasok doon.

Like seriously? Pinagpawisan ako dun! Bat di niya tinuloy? Luh. Haha. Nagustuhan mo din teh? Assuming ka din masyado! Wag ganyan. Hard to get ka dapat! Charot!

GAMA'S POV
"Eastern Medical College." Banggit ko sa katagang nakasulat sa napakalaking gusaling nakatayo sa harap ko.

Binaling ko ang aking mga mata sa mga taong labas masok sa lagusan ng gusali. Sinundan ko ng tingin ang isang binibining nakauniporme ng kulay puti saka nakasapatos ng kulay puti din at nakabuhaghag ang kanyang buhok hanggang balikat saka may suot itong salamin. Papasok pa lamang ito ng gusali.

"S-Serafina--" Banggit ko sa pangalan niya dahilan upang syay mahinto sa kanyang paglakad at nilingon ako.

"Po? Miss, binanggit nyo po ba yung pangalan ko?" Tugon ng binibini saka lumapit sa akin.

"Kailangan ko ng tulong mo." Ani ko sa kanya nang nakatitig sa kanyang nagtatakang mga mata.

"Anong klaseng tulong, Miss?" Tugon niya sakin na may halong pangamba sa kanyang tono ng boses.

Tinaas ko ang aking hintuturo saka tinuro ang dala niyang aklat na nakadikit sa kanyang dibdib na para bang tinatakpan niya ang kanyang dibdib nang aklat na may mga katagang 'Witchcrafts and Wizards'.

Away From HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon