Isang butil ang iniingat-ingatan,
Isang patak ang kinailangang lumisan,
Sapat na siyang magpapagaan,
Sa 'di maatim na nararamdaman.
Isang tao ang naging dahilan,
Taong pinagmalupitan ang nararamdaman,
Taong sumira sa natitirang kabaitan,
Taong minahal ng walang alinlangan.
Ngunit siya rin ang unang lumihis,
Unang humakbang papaalis,
Na sa puntong 'di mahabol sa bilis,
Na sinabayan ng luhang tumutolo ng labis.
Sa kalagayang 'di mapalitan ng kasiyahan
Sa puntong di inaakalang
Hindi lang isang butil ang lilisan
Na sa puntong 'di na ito matigil dahilan ng kalungkutan.
Nagtuloy ang mga luha sa pag-agos
Hanggang sa makawala sa gapos
Hanggang sa mapagtantong,
Hindi na ako ma-ayos.
Pinilit ibalik ang luhang kumawala
Pinilit ininda ang sakit na nadarama
Sinanay sa hapdi ng kaniyang ginawa
Hanggang tuluyan nang nakaahon mula sa baha.
Iwinaksi sa utak at isipan
Natuyo ang luhang sinaktan
Bumalik sa ayos ang nararamdaman
Ngunit sa 'di inaasahan,
Minumulto na naman ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...